Broken Harmony 11 Lumipas ang dalawang araw na wala pa din paramdam si Danica sa akin kaya naman ay napagpasyahan ko ang puntahan siya sa bahay nila. Maaga palang ay nag-ayos na ako ng sarili, iniwanan ng sapat na pagkain si Preston sa pagkainan niya at binuksan ang pinto upang ilagay sa gilid ng pinto ang mga basura na balak kong isabay sa pagbaba mamaya. Pagbukas ko ay na pansin ko agad ang isang paperbag na nakasabit mula sa doorknob ko, tinignan ko ang kaharap ko na pinto pero mukhang walang tao na ang andon. Kinuha ko nalang ang paper bag bago pumasok sa loob at ng isa-isa kong buksan yun ay agad na kumalat ang mabangon amoy mula sa loob ng unit ko. Fried chicken, Ham, at hotdog na may isang malaking Tupperware na puno ng kanin. Nang matanggal ko na ang lahat sa lalagyan ay saka k

