BROKEN HARMONY 15 Maaga akong na gising mula sa nakasanayan ko simula ng mag-umpisang magbakasyon. Inayos ko ang aking sarili at ang kalat na ginawa ni Preston mula sa salas at nilinis ang dumi niya na nasa banyo, pati na din ang mga tira-tira niyang pagkain. Halos sa araw-araw ko na itong ginagawa ay hindi ko na di namalayan na nakakasanayan ko na ang gawin ang ganitong bagay. Hindi naman naging pabigat sa bahay si Preston, mas maayos nga ng dumating siya dito dahil kahit papaano ay may nakakausap ako sa tuwing wala si Danica. ‘Yon nga lang ay hindi naman kami nagkakaintindihan. “Good morning, Preston!” aniko kay Preston ng patakbo itong lumapit sa akin habang kumakawag ang kanyang buntot. Napangiti ako at kinuha ang lalagyan niya ng pagkain. Nilagyan ko ‘yon ng kanyang dog food at an

