BROKOEN HARMONY 48 Unti-unting nagising si Prestine mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog ng dumapo sa kanyang mukha ang mainit na sikat ng araw. At ang aso niya na patuloy na sa pagkahol mula sa kanyang paahan. Hawak ang ulo na na bumangon si Prestine sa kanyang pagkakahiga, saka pumasok sa kanyang isipan na panaginip lamang ang pagkikita nila ng kaibigan. Nang libutin niya ang kanyang paningin sa buong lugar ay nasa kwarto na siya. Si Key na naman ang nagbuhat sa kanya papunta sa kwarto niya. Hindi niya na maalala kung paano siya nakatulog pero ang kanyang panaginip ay sobrang linaw, parang totoo ang lahat na bumalik na ang dalawa sa bansa na ito. Mukhang dahil na din sa kakaisip at pangungulit ng kaibigan ay napadamay na din ito sa panaginip niya. Nag-ayos siya ng kanyang saril

