BROKEN HARMONY 17 Madilim na ng magising ako mula sa aking pagpapahinga. Kahit na sa buong byahe ay natulog lamang ako ay pakiramdam ko pa din ay pagod na pagod ako. Hindi naman kasi ako umaalis ng malayuan, kahit na sabihin na kaya ko naman ay ayaw ko na mag-abala pa. Masyado lamang sa oras na kung meron naman sa mas malapit. Parehas lang naman ang kakahinatnan, mangingitim at mag-iinom lamang sila. “Gising na pala kayo,” bungad sa kanilang lahat ng makitang kompleto na silang lahat na nasa salas, “Nagugutom na ba kayo?” tanong ko sa kanila bago dirediretso na kumuha ng tubg mula sa pitchel na nasa center table. “Kanina pa, ate!” sagot naman ni Chloe sa ‘kin bago kumapit sa braso ni Danica, “’Di ba?” paghahanap pa nito ng kakampi. Tumango-tango naman sa ‘kin si Danica bago napan

