NERISSA "Maayos na ba ang pakiramdam mo Nerissa?" Napalingon ako kay ate Marj,may bitbit itong labahin.Mga kurtina na tinanggal ko kanina.Ngumiti naman ako sa kanya. "Oo naman ate,mas malakas na 'to keysa sa kalabaw ngayon!" Itinaaas ko pa ang braso at ipinakita sa kanya.Napailing naman ito,at napangiwi ako sa sunod niyang sinabi. "Siguraduhin mo lang! Baka mamaya hindi ka na naman makabangon sa sobrang sakit ng katawan mo.Kinailangan pang tawagan ni sir Hace ang personal doctor niya,dahil bigla kang inapoy ng lagnat." "Hehe,hindi na po mangyayari 'yon,promise!" Sagot ko at tinalikuran na siya para maitago ang pag-iinit ng mukha ko. Naalala ko tuloy kung bakit nangyari 'yon. Matapos ang ginawa sa'kin ni Hace,naiwan na ako sa kwarto niya.Hindi ko alam kung saan s'ya nagpunta.Pinilit

