STAHD 60 NERISSA “Umiiyak ka na naman.” Napalingon ako sa nagsalitang si tiyang, yumuko ako at pinunasan ang luha. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko. “ Magiging maayos din ang lahat,sa ngayon kailangan mong magpahinga . Para na rin sa anak niyo,pilitin mong kumain at magpahinga .” Napaiyak ako ulit na niyakap si tiyang,humagulhol na ako. Akala ko ,naubos na ang luha ko. Isang buwan na rin akong umiiyak. Oo ,isang buwan na simula ng mangyari ang lahat na ikinaguho ng mundo ko. Akala ko magiging ayos din ang lahat kapag nakabalik si Hace. Nakatulog ako sa sopa sa kakahintay sa kanila,nagising lang ako ng makarinig ng sigawan at ingay sa paligid. Nang tuluyan akong magmulat,umuusok na ang paligid. Nataranta akong nagtakip ng ilong para hindi masinghot ang

