STAHD 36 “ Halika pasok ka.” Hinila ko na si Amanda papasok,pero naptigil siya at napatingin sa kasama namin. Napangiwi akong napatingin sa nagtatakang mukha ni ate Marj at ‘nay Lara. Hinila ko sa tabi ko si Amanda at ipinakilala sa kanila. “ Ate Marj at ‘nay Lara,si Amanda nga po pala kaibigan ko.” Nakatitig pa rin si ate Marj kay Amanda at nakakunot ang nuo na parang kinikilala. “ Alam mo may kamukha siya,hindi ba siya ‘yong babaeng pumunta dati dito?” Nanlaki ang mata ko,napatingin din ako kay Amanda na naguguluhan. “ Hindi ate Marj,hindi siya ‘yon. Halata naman na magkaiba sila ‘di ba?” “ Oo nga naman Marj, tingnan mo nga ang batang ito. Napakaganda at mabait ,seryoso ang babaeng huling pumunta dito. At si Hace ang kilala no’n hindi si Nerissa,kaya halika ka na at pumasok

