STAHD 42 NERISSA Lutang akong nakatingin sa kisame ng kwarto. Nakahiga at nakadipa sa magkabilang side ang kamay ko. Ang boring,wala si ate Marj na madaldal. Wala rin si ‘nay Lara,hindi ko naman madaldal si Maddie. Inaayos niya ang dapat ayusin para sa pag-alis namin mamaya. Gumulong ako padapa at nilagay sa ilalim ng baba ko ang dalawang kamay ko. Napabuntong hinga ako,sigurado na daw ang alis namin mamaya. Parang may pumipigil sa’kin, ayo’ko munang umalis. May parte sa’kin na ayaw umalis. Gusto ko pang makasama si Hace,gusto kong sulitin ang araw na magkasama kami bago kami maghiwalay ng landas. “ Ano ‘to?” Nakakunot ang nuong kinuha ko ang inabot sa ‘kin ni Maddie na supot. “ Take it,you might need it. “ Sagot niya at umatras,napailing na lang ako . Siguradong nakatingin sa cam

