“Bakit nakabusangot ka?May nangyari ba do’n sa bodega ng umalis ako kanina?” Umiling ako sa tanong ni ate Marj.Kumakain na kami ngayon at hindi ko magawang lumunok.Nasasaktan ako,sumasakit ang puso ko sa nangyari kanina.Alam ko naman na may kasalanan ako sa kanya,pero kailangan ba na umabot kami sa ganito? “Oy,alam mo may sinabi pala si ‘nay Lara ‘yong piano daw alam mo ba kung kanino?” Napatingin ako sa kaharap na si ate Marj.Wala si ‘nay Lara at may ginawa daw,hindi na daw makakasabay na kumain at pinauna nalang kami. Oo naman,kilala ko ang piano na ‘yon.Minsan ng nahawakan at napatugtog.Hindi ako sumagot pero nanatili ang tingin ko sa kanya at naghintay ng sagot. “Kay ma’am Hilary daw pala ‘yon.”Pabulong na saad nito.Napakunot ako ng noo.Sino’ng Hilary at pa’nong naging kan

