STAHD 8
Nagising ako na maasakit ang pantog ko.Dahil na rin siguro sa kakulangan ng tulog nitong nagdaang gabi ay napahaba ang tulog ko.Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari,at kung nasaaan ako ngayon.Inilibot ko ang paningin at mukhang nandito ako sa isang silid.Ang gara ng kwarto,malaki ang kama na hinigaan ko.Sobrang lawak,black at gold ang kulay ng paligid.Sigurado na lalaki ang nagmamay-ari ng silid na ‘to.Mabango din ang silid.Panlalaking amoy,at sa naalala ay tuluyan na akong napatayo.
Naglibot ako sa buong kwarto at ng may unang pinto na makita ay mabilis na akong nagtungo doon. Napahinga ako ng malalim ng makitang banyo nga ang nabuksan kong pinto.Matapos makapagbanyo lumabas na ako at napaupo sa sopang naroon.
Napatakip ako sa mukha ng namasa ang mata ko.Kailangan ko ng harapin ang kapalaran ko dito.Kailangan para sa mga kapatid ko.Kamusta na kaya sila ngayon?Baka hanggang ngayon umiiyak pa ang mga kapatid ko.Gustuhin ko man sila na matawagan ay hindi ko hawak ang cellphone ko.Nabitawan ko ito kanina ng magkagulo.Huminga ako ng malalim at tumingala sa kisame.
Nagpahid ng luha at tumayo.Hindi ako p’wedeng maghintay na lang dito ng hatol sa’kin.Bakit ba dito ako dinala ng mga lalaking ‘yon?At nasaang lugar na ba ako? Nakatulog ako kanina sa b’yahe,at ang huli kong naaalala ay ang pag-uusap ng mga lalaki .’Makakaganti na rin si boss,kawawa ang babaeng ‘to ‘pag nagkataon.Malupit pa naman si boss.’
Wala na akong ibang maalala pa maliban doon.Bakit hindi na lang nila ako ginising?At sino ang nagbuhat sa’kin papunta dito sa magarang silid na ‘to?Kaysa kung ano-anu pa ang maaisip ay pumihit na ako papunta sa pinto ng kwarto.Kinakabahan pa ako,pa’no kung pagbukas ko ay sakto naman na dumating ang boss nila?O ‘di kaya—ah bahala na.Kailangan ko ng lumabas at nakaramdam na rin ako ng gutom.Hindi ko alam kung ano’ng oras na.Walang orasan sa kwart pero madilim na sa labas.Ayon sa labas na bintana sa kawarto ay gabi na.
Nagpalinga-linga pa ako ng makalabas sa kwarto.Ang dilim ng paligid,at ang lawak din.Nagsimula na akong maglakad .Hindi ko alam kung saan ako pupunta,basta sinunod ko lang ang kakaunting ilaw na nagsisilbing liwanag sa kabahayan.Napasinghap pa ako ng makita ang hagdanan.Bumaba na ako,at ganoon din sa sala na madilim.Nasaan ang mga tao dito? Ang lawak din,mukhang hindi lang ito bahay.Mansion,isang mansion kung nasaan man ako ngayon.
Dahil walang makitang katao-tao sa paligid ay dumeretso na ako sa kusina.Kung tama man ang tinatahak ko.
Nakaramdam ako ng tuwa ng makitang kusina nga ang napuntahan ko.Wala din tao,kaya lumapit na ako sa ref at naghalungkat kung ano ang p’wede na makain.Nang makakita ng pagkain ay inilabas ko ito at dinala sa mesang naroon .Ang kaso malamig na,lumingon -lingon ako at naghanap ng kanin.Agad akong lumapit sa rice cooker at binuksan ito.Napangiti din ako ng makitang mayro’n pang kaunti na kanin.
Kumuha ako ng plato at nagsalin ng tubig sa baso.Ilalapag ko na sana ang hawak na baso matapos uminom ng biglang may sumigaw sa likod ko.
“Ahh,sino ka?Paano ka nakapasok dito sa bahay?”
Nabitawan ko ang hawak na baso at nahampas ko ang sariling dibdib.Umubo ako ng maraming beses,naramdaman ko naman na lumapit ang babae sa likod ko at hinimas din ang likod ko.
“Naku,pasensya ka na.Nagulat ‘ata kita,ayos ka lang?”
Saad nitong inayos pa ang buhok kong tumabing sa ulo ko.Tumango -tango lang ako dahil nauubo pa rin ako.Nang umayos ang pakiramdam ko ay tinitigan niya ako ng mabuti.Napatikhim ako at umayos ng tayo.Napatingin din siya sa pagkain na nakahanda sa mesa.
Napailing ito at kinuha ang ulam na kinuha ko kanina galing sa ref at ininit sa microwave .Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mailapag na niya lahat ng pagkain sa mesa.
“Maupo ka na at kumain.Ako na ang bahala na magligpit nitong nabasag.Pagkatapos ay mag-uusap tayo.”
Malumanay na saad nito.
Agad akong tumalima at naupo na.Nagsimula na akong kumain habang pinagmamasdan siyang winawalis ang ang nabasag ko na baso.Nahirapan pa ako sa paglunok ng mapansin ang paminsanan nitong pagtingin sa’kin.Malapit na akong matapos kumain ng lumapit siya at naupo sa katapat ko.Napaayos ako ng upo at napatingin na rin sa kanya.
"Ngayon sabihin mo sa’kin kung paano ka naakapasok dito sa bahay ng hindi ko nalalaman?Teka,kailan ka pa nandito?Sino ang nagpapasok sa’yo?”
Napalunok ako sa sunod -sunod niyang tanong.Nakakunot na rin ang noo nito.
“Auh, ako nga po pala si Nerissa—”
"— Hindi ko tinatanong ang pangalan mo.Pero dahil nasabi mo na rin lang,ano’ng ginagawa mo dito Nerissa?Si Hace ba ang nagdala sa’yo dito?O si Draco?” Nakakunot pa rin ang noo nito at tinitigan ako.
“Hindi ko po alam,kakagising ko lang din po eh.”
Nakangiwing sagot ko at lumaki naman ang malaki na nitong mata.
“Kakagising? Eh pa’no ka napadpad dito kung ganoon.Wala naman nasasabi si Hace sa’kin.Wala din siyang sinabi bago umalis kanina.”
Hace? Bakit parang pamilyar?
“Sino po si Hace?”
Inosenteng tanong ko at uminom na ng tubig.Tinignan naman ako nito ng hindi makapaniwala.
“Kung hindi mo kilala si Hace,bakit ka narito sa bahay niya?”
Napaubo ako sa narinig.Bahay ni Hace,kung sino man ‘yon.Hindi kaya siya ang sinasabi nilang boss?
“Ako nga pala sin Lara,p’wede mo na rin akong tawagin na nanay Lara.Ilang taon ka na ba iha,mukhang bata ka pa.Siguro matanda lang ng ilang taon sa’yo si Hace at Draco.”
Sinuri pa ako nito mula ulo hanggang paa.
“Darating din naman ‘yon si Hace mamaya,saka na lang natin tanungin. Malapit na rin magmadaling araw , magpahinga na tayo. Ano na naman kaya ang ginagawa ng bata’ng ‘yon?Halika sumama ka na muna sa’kin.Saan ka pala natulog kanina at hindi kita napansin?”
Sasagot na sana ako ng bigla kaming mapatigil ng marinig na may nagbukas ng pinto.Nagkatinginan kami ni ‘nay Lara.
"Mukhang nakauwi na si Hace,halika at ng magkaalaman muna tayo.Hindi ka naman mukhang masamang tao lang na nakapasok dito sa bahay eh.”
Hindi na ako nakasagot pa at hinila na ako nito patungo sa sala at doon naabutan namin ang grupo ng kalalakihan na nag-uusap.Napatigil sa pakikinig ang mga lalaki na kumuha sa’kin sa taong nasa harap nila.Nanlaki pa ang mga mata nito ,at dahil hindi na nakikinig sila George sa lalaking nagsasalita ay napahinto na rin ito.
Parang bumagal ang lahat,pati ang pagharap niya sa’min.Nahigit ko ang aking hininga ng sa wakas ay nakatingin na ito sa dereksyon namin.Sa akin na hindi maitatago ang pagkagulat sa mukha.Napakunot ang noo nito at naglakad patungo sa kinarorounan namin ni ‘nay Lara. Kumalabog ang puso ko sa saya at galak.
“H!”
Naibulalas ko.Mas lalo naman nangunot ang noo nito.Nanindig ang balahibo ko ng magsalita ito sa harapan ko.
“What the hell are you doing out here?”
Hindi maari!
Dumagundong ang tanong nito sa buong kabahayan.Napapikit ako at napaisip sa tanong niya. Siya ba ang sinasabi nilang ‘boss’?Hindi ako nakapagsalita at namulat na lang akong hila niya sa braso ko.
“Dismiss!”
Saad niya sa mga tauhan at sabay-sabay naman ang mga itong tumayo at nagpaalam.Nagpatangay ako sa hila niya hanggang sa makarating kami sa kwarto kung saan ako nagising kanina.Mukhang kwarto niya ‘yon .Nang makapasok kami ay ibinalibag niya ang pinto kasabay ng pagbitiw sa braso ko.Napahawak ako sa braso ko na namanhid ‘ata sa sakit dahil sa higpit niyang pagkakahawak.
“Now talk,what are you doing out there?”
Napakislot ako sa lakas at nakakatakot niyang tanong.Hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kanya.Mas lalong nangunot ang nakakunot na niyang noo.Malapit na rin magpantay ang kilay niya ngayon.Hindi niya talaga ako kilala?
“H-hindi mo ba ako kilala?”
Nauutal kong tanong,napangisi naman siya at humakbang paplapit sa’kin.Napaatras ako hanggang sa naramdamn ko na lang ang pader sa likod ko.Napasinghap ako at napatingin sa kanya na ngayon ay inilapit na sa mukha ko ang nakangisi niyang labi.
“Of course I know you.Nerissa,step daughter of a traitor named Ronaldo!”
Napapikit ako sa kaba,akala ko kung ano na.Napadilat ako ng hampasin niya ang pader sa likod ko.
“Why the heck are you closing eyes?”
Galit na tanong niya.Anak ako ni Ronaldo ’yon ang pagkakalala niya sa’kin.Tumingin ako sa mata niyang umiiling.Tinulak ko siya para makaiwas sa kanya.Napatingin naman ito sa akin na hindi makapaniwala sa ginawa ko.Lumayo ako sa kanya at naglakad,ng makahinga ng maayos saka ako nagsalita.
“Nandito ako para pagbayaran kung anuman ang nagawang kasalanan ng tatay ko.”
Saad ko at humarap sa kanya.Nagatagis pa rin ang bagang nitong nakatingin sa’kin. Nakatingin lang ito sa ‘kin at gano’n din ako sa kanya.
‘ang daya-daya mo’ piping saad ng isip ko.
“Good,now start your job!”
Napalunok ako ng nakangisi itong hubad niyang damit.Mabilis akong tumalikod,hinintay ang susnod na mangyayri.Pero nakalipas ang ilang segundo ay narinig ko na lang ang yabag niya papalayo sa’kin.Napaharap na ako at napatingin sa likod niya na ngayon ay naglalakad na patungo sa banyo.Mabilis akong yumuko ng mapansin na lilingon ito.Pinulot ko ang hinubad niyang damit maliban sa boxer na suot niya.
Tumayo na ako at hinanap ang laundry basket,ng makitang nasa gilid lang ito ng pinto ng banyo ay masama kong tiningnan ang pintong nakasara.Napapbuntong hininga akong lumapit doon.Dahil nasa loob pa rin siya ng banyo ay lumabas muna ako ng kwarto at nagpunta sa sopang naroon lang din sa kwarto niya.Ang lawak ng kwartong ‘to,maliban sa main room niya.
Ang tagal niya namang maligo.Napatayo na ako sa pagkakainip at maglalakad sana ng bumukas ang pinto sa main room niya.Lumabas doon ang isang mala-adonis na katawan.Tumutulo pa ang tubig sa katawan niya at nagpupunas ng basa niyang buhok.Iwinasiwas nito ang ulo habang nagpupunas at nakatanga lang ako doon.Napaayos naman ako ng tayo ng magsalita siya at marinig ang baritonong boses .
“What are ytou still doing there?Follow me! “
Sigaw nito at tumalikod na .Sumunod na lang ako at naabutan ko itong may kinakalikot sa drawer niya.Napamulagat naman ako ng bigla niyang ihagis ang kung anuman sa’kin.Sinamaan ko siya ng tingin ang kaso hindi na siya nakatingin sa’kin.Napapanguso ako na naglakad papunta sa kama at nakadapa na siya.Gusto lang palang magpamasahe eh.Kailangan pa bang ihagis ang ointment sa’kin.
“Move!”
Agad naman na akong kumilos,batak na batak ang muscle sa katawan.Siguro palaging nagwo-work out ‘to.Kahit naman noon,batak na ang katwan niya.Mas gumanda lang ngayon.
‘Gumising ka Nerissa,Hindi siya ang H mo!’
“H.”
Naibulals ko at at naramdaman ko siyang nanigas .Nasa likod pa rin niya ang kamay ko.
“What did you just call me?”
Tumihaya na ito at nanliit ang mata sa’kin.