Chapter Ten

2276 Words
Chapter Ten. DAHIL TANGHALI AY maluwag ang kalsada. Walang ga'nong tao sa daan kaya mabilis kaming nakarating sa restaurant ng kanyang Tita Heaven. Sa labas pa lang ay alam ay kita ng walang tao sa loob, malamang ay dahil na rin sa request ni Caen. "Caiella!" patiling bungad ng Tita niya at bigla akong yinakap, "I missed you," may pagtatampong anang nito. "Miss ko rin po kayo," nahihiya kong sagot. "Come here, come here, may reserved seats na kayo.." iginiya niya ako papunta sa dulo at medyo sa sulok nitong Restaurant. Nilingunan ko si Caen na mataman kaming pinagmamasdan dalawa habang nakapamulsa. Nang maupo ay inasikaso muna kami ni Tita Heaven. Siya na nag-ayos ng mga pagkain namin. Bigla ay natakam ako. "Wala talaga ako rito kanina, I just came because Caen said that he will bring you here," nakangiting anang niya at nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko. "So.. any plans about the announcement, Caen?" bigla ay tanong ni Tita Heaven kay Caen habang kumakain na kami. "It's... it's one month from now," may kung ano sa mukha ang emosyon ni Caen. Hindi ko nagtanong dahil mukhang para kanilang pamilya 'yon. Pero bakit gano'n ang reaksyon ni Caen? Parang ayaw niya ang mangyayaring announcement na tinutukoy nila. "Doon na rin niya malalaman?" na kay Caen ang tingin ni Tita Heaven pero binalingan ako nito saglit upang ngitian at muling tumingin kay Caen, "Ano?" Umiling si Caen, "Two weeks from now. Dad wants to meet her, gusto na rin ni Mama na malaman kung ano ba ako sa kanya at mabuo na kami," bigla ay na blangko ang mukha ni Caen at tinignan ako. Marahil ay tungkol 'yon sa kapatid niya na nakita na nila. Parang ay naging masaya ako for him. Nginitian ko siya at nakita kong natigilan siya bago bumuntong hiningi at nag-iwas ng tingin. "Yie! I am so excited! Your cousins too, Caen, maging ang grandparents niyo! Kaya pala uuwi na sila sa Weekends from states ay para doon," parang kinikilig na sabi pa nito kay Caen. Muli ay pinagpatuloy ang pagkain namin. Maya't-maya ako kung tanongin ni Tita Heaven kung masarap ba ng ulam. Hanggang sa maghapon na at uuwi na kami. Pinabaunan pa ako ni Tita Heaven ng mga ulam na nakalagay sa tupper wares, isang malaking paper bag tuloy ang hawak ko. "For you and your Mom," kinindatan pa ako ni Tita. Naikwento sa 'kin ni Tita Heaven na pumunta raw si Mama doon pati 'yong jowa daw ni Mama na marahil 'yong pinakilala sa 'kin noon. Dito raw sila nagdate. "Thank you po," sabi ko nang inihatid pa kami hanggang kotse. Dumungaw pa siya sa window, "Ingat kayo ah? Caen ingat sa pagmamaneho," Walang imik na tumango lang 'to bago nag-umpisang magmaneho. Habang nasa byahe ay maya't-maya ko siyang nililingon dahil kakaiba ang katahimikan niya, nakikita ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa maninela at ang pag-igting ng panga nito na parang nagpipigil ng inis kung kanino. Pansin ko naging ganyan siya katahimik nang pinag-usapan nila ang tungkol sa pagpapakilala na ng kapatid niya sa mga tao. Marahil naiinis siya dahil ayaw niya sa idea na 'yon, pino-protektahan niya ang kapatid sa mga ibang tao na mapangmata. Nang makarating sa harap ng bahay ay binalingan ko siya, "Thank you," sabi ko. "Hmm.." tumango lang siya, walang emosyon ang mukha niya at nakatingin lang siya sa harap. Napakagat ako ng labi. Tinanggal ko ang pagkakakabit ng seatbelt ko, nilaksan ang loob na dumukwang at halikan siya sa pisngi. Gulat at nagtatagis ang pangang napatitig siya sa 'kin. Bigla ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa ekspresyon niya. "Get out." mariin niyang utos. Bigla ay nabalisa ako, "I-I'm s-sorry, Caen—" "Get the f**k out, Caiella!" bulyaw na niya sa 'kin. Halata ang galit, inis at kung ano pang emosyon sa mukha niya. Nangilid ang luha kong nagmamadaling lumabas ay pumasok sa bahay namin. Doon ay tumulo ang luha ko. Bakit parang ang sakit? Wala akong ginawa bukod lang doon sa hinalikan siya sa pisngi. Okay kami kanina sa school pero biglang nagbago ang mood niya. Napakalma ko ang sarili bago pumasok sa loob ng bahay. Wala pa si Mama dahil alas-kuwatro y media pa lang naman. Nagawa kong makapagbihis kahit na bumabagabag sa 'kin ang inakto ni Caen, unang beses niya sa 'kin ginawa 'yon kaya nakakagulat. May nagawa ba ako bukod doon sa paghalik ko sa pisngi niya? Nag-ayos ako ng bahay. Pagkatapos ay inayos ko sa ref namin ang dalawa kong pagkain, anim na cuisine ang pinabaon sa 'kin. Habang naghihintay kay Mama ay nagawa ko pang magreview kahit next-next week pa ang aming exam dahil mas sanay ako sa gan'to para relax na lang ako 1 week before the Exam. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang gate na bumukas at ang boses ni Mama. "Anak?" Lumabas ako sa front door at sinalubong siya. Nagmano at humalik ako sa pisngi ni mama, hinalikan naman ni Mama ang noo ko. "Anong niluto mo? O gusto mo ako nalang magluto?" nakangiting tanong ni Mama habang nagtatanggal ng sapatos sa sala. "H'wag na po, may ulam na akong dala, 'Ma," ngumiti ako, "Nagpunta kami kanina uli ni Caen sa restaurant ng Tita Heaven niya." sagot ko. "Oh? Yeah, ang sarap talaga magluto no'n ni Heaven," saad ni Mama habang naglalakad papuntang kwarto niya. Natigilan ako roon. Kung magsalita si Mama at purihin si Tita Heaven— tho masarap naman talaga— pero kakaiba kasi, parang kilalang-kalala na niya 'to. Hindi naman napansin ni Mama 'yon at hindi ko na rin kwinestyon dahil baka matagal silang naglagi doon no'ng ka-date niya at naging kaibigan na niya rin 'to. Habang nasa kwarto si Mama ay naghanda na ako ng pagakakainan namin. Pinainit ko sa microwave ang pagkain bago i-serve. "Kumusta naman ang araw?" tanong ni Mama. Malapad akong ngumiti, "Exempted ako sa exam namin for Physical Education," "Oh, Pa'no?" "Nagbadminton kamo, 'Ma," napahagikgik ako. Nagkwentuhan pa kami ni Mama tungkol sa school ko habang kumakain hanggang sa napalitan 'yon. "Anak," seryosong turan ni Mama. Tumingin ako sa kanya habang ngumunguya, hinihintay ang sasabihin, tumikhim siya, "I know hindi mo tinatanong ang sa father mo.." Natuon doon ang buong atensyon ko, naibaba ko ang kurbyertos at matamang hinintay ang susunod niyang sasabihin. "We will explain to you kung bakit kami nagkalayo," anang ni Mama. Marahan akong tumango. Alam ko naman laging may rason sa bawat problema at hindi naman makitid ang utak ko. "We? Ibig sabihin ba nito ay kasama mo pong magpapaliwanag ay ang tatay ko?" marahan kong tanong. Nag-aalalang tumango si Mama, "Alam kong biglaan 'to, 'Nak, pero gusto na kasi magpakilala sa 'yo ng Tatay mo," may pag-aalinlangan pa sa mukha ni Mama. Alam kong gusto ni Mama 'to para sa pakapanan ko. Gusto niya siguro hanggat hindi pa huli ang lahat ay makilala ko ang Tatay ko. At siguro gusto rin makabawi ng tatay ko sa nga panahong wala siya sa tabi ko. Alam kaya ng tatay kong may nobyo na si Mama? Siguro kung hihilingin konh mabuo kami ay hindi mangyayari 'yon. Ngumiti ako kay Mama, "Kailan po ba, 'Ma?" Bigla ay naging maaliwalas ang mukha ni Mama, nangilid pa ang mga mata niya sabay kuha sa kanang kamay ko upang halikan 'yon. Sobrang mapagmahal ni Mama sa 'kin.. "Next-Next week, magkakaroon tayo ng dinner," Mas lumapad pa ang ngiti ni Mama, "And you'll met your Kuya," Napamaang ako at namilog ang mata ko, "M-May Kuya ako? H-How come, 'Ma? May unang asawa ba ang Tatay ko kaya iniwan niya tayo—" natigil ako sa pagsasalita ng mahinang natawa si Mama. "Yes, may Kuya ka, and No, walang unang asawa ang Papa mo," "H-Ha? P-Pa'no ako nagka-Kuya kung gano'n?" litong tanong ko. O baka anak sa pagkabinata ng Tatay ko ang Kuya ko na tinutukoy ni Mama— "He's your Twin brother," anang ni Mama. Napatigil ako doon. Napatanga, napanganga, napakurap-kurap sa tinuran ni Mama. A-Ano? "A-Ano po?" "May kambal ka, He's your Kuya, but it's up to you if you want to address him as your Kuya. Minuto lang naman ang tanda sa 'yo," Malapad ang ngiti ni Mama. Ang galak ay mahahalata sa mukha niya Bigla ay naiyak ako at walang ano-ano'y yinakap si Mama. Doon ay humagulgol ako sa balikat niya. Tears of joy, ito na ata 'yon! Halo-halo ang nararamdaman ko pero mas lamang ang saya sa puso ko. Hindi ako makapaniwalang may Kuya ako! Parang gusto ko ng matapos ang dalawang linggo para makita ko na sila ng Tatay namin. Bigla ay natigilan ako, "Pa'no po 'yong boyfriend niyo, Mama?" Natigilan si Mama saglit pero kalaunan ay ngumiti. Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko nalang dahil sobrang saya ko. Ako ang naghugas ng pinagkainan maging pag-aayos ng kusina. Pagkayapos ay agad akong pumasok sa kwarto para tawagan si Xylene. "Hello—" "Xylene!" "Aray ko naman be, bakit ba naninigaw ka?" pabirong tanong niya. "May sasabihin ako!" masayang sabi ko. "Ano naman 'yon?" "May Kuya ako at hindi lang basta Kuya dahil kambal kami!" hindi ko maitago ang saya at excitement, "Next-Next week daw ay ipapakilala na ako ni Mama sa Tatay at kambal ko. I'm so happy!" "OMG! CONGRATS! FINALLY!" Sinabayan ni Xylene ang excitement ko. Ikinwento ko ang mga pangyayari, mga sinabi ni Mama sa 'kin. Matagal kaming nag-usap kaya kahit napuyat ay nagawa ko pa ring makatulog ng maayos at pagkagising kinabukasan ay parang puno na ng energy ang buo kong pagkatao. Papasok sa school ay nakangiti ako. Abot-abot ang ngiti ko mula sa isang tenga hanggang sa kabila. Lalo pa ng makita ko si Caen na naglalakad at mukhang galing siya sa Parking lot at papunta na siya sa Building nila. "Caen!" tawag ko pero hindi siya lumingon. Mabilis akong naglakad papalapit sa kanya at muling tatawagin na sana ng matigilan ako. Ang kaninang ngiti ko ay biglang naglaho ng masaksihan ko kung paano siya salubingik ng babae— hindi lang isang babae dahil maganda, sexy, model at magaling na aktres 'to sa pilipinas. Si Meg Concepcion, isa sa mga sikat na young-actress ngayon. Pinanood ko kung pa'no naglapat ang labi nila, hindi lang simple at smack 'yon, torrid pa ang ginawa. Halos manginig ang binti ko. Ang kakaibang sakit na ngayon ko lang naramdaman ay talagang nanuot sa puso ko. Huminga akong malalim at muli ay tinawag siya. "C-Caen," nanginginig ang boses na tawag ko. Doon naghiwalay ang labi nila pero ang paglingkis ng kanang braso sa bewang nito at hinapit ang babae na ngayon ay yumakap sa kanya. Ang blangkong ekspresyon sa mukha at ang blangkong emosyon sa mga mata ay tumutok sa 'kin. Para akong unti-unting binuhusan ng malamig na tubig. "What?" wala pa man ay parang naiirita na siya sa presensya ko. Anong nangyari? "B-Bakit..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin, Bakit iba ang kasama mo at hindi ako? Wala akong karapatang magtanong at kwestyunin siya dahil una ay wala naman kaming relasyon o kahit na ano para magtanong. Huminga ako ng malalim para mawala ang pagbabara sa lalamunan ko at bahagyang ngumiti at umiling, "W-Wala." agad akong tumalikod. "What a waste of time," Narinig ko pang sabi niya bago ako nag-umpisang maglakad kahit na gustong bumigay ng mga binti ko dahil sa panghihina. Gusto kong umiyak pero agad kong napigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Umakto ako ng normal sa mga classmates ko dahil sa kakaibang paninitig nila, marahil ay 'yong kay Caen 'yon. Nababasa ko ang simpatya sa mga mata nila pero binaliwala ko 'yon at umupo na lang. Dumating si Xylene, nagmamadali at nanlalaki ang mga mata, "Girl, Did you heard the news about Caen and Meg?" Nagkunwari akong nagulat, "Hindi, ano meroon?" at nagtataka kunwari. Bigla ay parang kinikilig siya, "Sila na ni Meg Concepcion! Shet! Maraming nakakikita nagkiss sila!" Nagtataka ako bigla kay Xylene. Kung dati ay sa 'min siya kinikilig pero lately nga ay sinasabi niyang para kaming magkapatid ni Caen tapos ngayon ay masaya siya sa nabalitaan tungkol sa relasyon ng dalawa. Ayaw ba niya sa 'kin for Caen? Dahil ba hindi ko ka-level ng antas ni Caen kaya gano'n? Iwinaksi ko 'yon sa utak. Hindi ko masisisi si Xylene, laking may ginto rin siya at alam niya na dapat ang ka-level lang nila ang dapat sa kanila. Hindi din naman niya ako inaaway o pinapakitaan ng pangit na ugali. Mabait si Xylene sa 'kin kaya walang puwang sa damdamin ko ang mainis sa inasta niya. Tahimik ako magdamag sa buong klase maging breaktime ay hindi ako nagsasalita hanggang sa nag-uwian na. "Pinapapunta tayo sa tambayan nila Kuya," aniya sa excited na boses, "Caen will introduce Meg to us," Sa sinabi niyang 'yon ay umayaw na ako. Ayaw kong lalong masaktan pa. "A-Ahh. M-May gagawin pala ako, m-mag a-apply ako sa fastfood," dahilan ko kahit hindi naman. "Ha? Baka pwedeng ipagbukas na 'yan?" Kunwaring nanghihinayang ako, "G-Gusto ko man sumama ay hindi ako pwede, hindi ko rin pwede ipagliban 'to kasi interview ko na," Tinignan ko ang wrist watch ko at kunyaring nagulat, "Hala! Male-late na ako sa interview!" Nagmadali akong iligpit ang mga gamit at pagkatapos ay nagmamadalinv nagpaalam sa kanya. Mabilis akong lumabas ng school at doon ko nailabas ang totoong nararamdaman ko. Gano'n nalang ba 'yon? So, gino-good time lang pala ako nitong si Caen? Ang akala ko ay pareho kami ng nararamdaman. Mali pala, mali pala ako ng pagkakaintindi sa mga kilos at salita niya. Marahil ang halik ay sadyang nadala lang siya no'n kaya nagawa niya 'yon. Sa nanginginig na mga tuhod at tumawid ako at sumakay na sa jeep pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD