the Convention

1851 Words
"Here's your full payment on the mural that you made in my daughters room Xyler. Gaya nang sinabi ko pag maganda ang result nang iyong ginawa maganda rin ang ibibigay ko sayo. Sobrang na appreciate nang aking anak ang ginawa mong painting maging ako ay napahanga mo sa iyong kakaibang talento ng makita ko ang iyong gawa. very impressive keep up the good work xyler, I'll recommend you to my friends." Wika ni mr. Pineda na naka ngiti habang inaabot kay Xyler ang Cash envelope na kulay brown. "Thank you po mr. Pineda ginawa ko po ang lahat para magustuhan nyo ang gawa ko." "Ipapatawag na lang kita ulit kapag merong gustong magpagawa nang mural." "Sige mr. Pineda maghihintay po ako kapag merong magpapagawa ulit. Maraming salamat po." Masayang nilisan ni Xyler ang opisina ni Mr Pineda nakakuha na sya ng advance payment na 20 thousand at binigyan pa sya ng 80 thousand bilang kabuuang bayad sa kanyang serbisyo. Napaka laking pera nun para sa kanya. Maari na niyang ipaayos ang kanilang bahay. Dali dali siyang nagtungo kay Bianca para ibigay ang parte nito sa nagawang mural. " Ang laki naman nito Xyler, Segurado ka bang sa akin to lahat?" "Sobrang nagustuhan ni mr. Pineda ang ginawa natin kaya malaki ang ibinayad nya." "Sana pala makahanap ka ulit nang galanteng client para pareho tayong kumikita." "Sa bakasyon Bianca pag natuloy na yung mural sa gagawin kong mural sa school sa may kabilang Bayan isasama ulit kita." "Sige Xyler salamat napaka bait mo talaga." Biglang naputol ang kanilang pag uusap nang tumunog ang celphone ni Xyler. Nang tingnan niya ito ay tumatawag si Ameerah mula sa kanyang messenger. "Hello, maam bakit po kayo napatawag?" "Gusto ko sanang invite ka para sa meet ups ng mga artist o Art convention sa ating chapter Available ka ba this coming Sunday?" Malambing ang tinig ng kausap sa kabilang linya. "Yes maam Ameerah try kong pumunta para ma meet ko rin ang ibang artist sa ating chapter. Maam pwede ba akong magsama kahit di sya kabilang sa chapter natin?" ""Pwede naman basta ba makikijoin sya sa mga activities natin walang problema mapapabilang pa rin sya sa mga bibigyan ng food packs" "Anu ano po ba ang mga activities ma'am?" "Magkakaroon tayo ng on the spot sketching, face and body painting, live art demo at ilang mga parlor games para maging masaya ang event." "Wow mukhang maganda nga yan maam, sige pupunta kami." "Ok dont forget to bring your art materials, see you!" Matapos maibaba ang tawag. "Narinig mo ba yun Bianca?" "Mukhang masaya nga yun Xyler Walang ganyang event sa chapter namin eh madalas puro sketching lang." "Ngayon pa lang din ako makaka sali sa ganyang event kaya di ko na palalampasin ang pagkakataon." Araw nang linggo excited sa pag punta sa convention si Xyler, syempre isasama nya si Bianca para hindi sya ma out of place sa gaganaping event. Atleast hindi man sya mapansin eh meron pa rin syang makakausap. Manghang mangha sila Xyler at Bianca sa arrangement nang nasabing event dahil naka organized ang lahat. Nasa gitna anglahat nang mga canvas paintings na nakalagay sa panel board at mga easel. sa gilid naman ay mga lamesa kung saan naka indicate sa bawat table ang mga activities tulad nang ibat ibang demo nang bawat mediums. meron ding on the spot portrait. meron din face and body painting at henna tattoo. Habang papunta sila Xyler asa table ay may isang babae na sumalubong sa kanila. Maputi ang babae, makinis ang mukha at blond ang buhok. mejo chuby rin ang pangangatawan pero may hubog pa rin. Ngumiti sa kanila ang babae kitang kita ang makintab na bakal na nakakabit sa ngipin nito. "Hi Kasali ba kayo sa event?" naka ngiting bungad nito sa dalawa. "Nainvite po kami ni miss Ameerah nanjan po ba sya?" tanong ni Xyler. "I'm Ameerah, and you must be...." hindi natapos nang dalaga ang sasabihin dahil nakalimutan nya ang pangalan." "I'm Xyler Pajarillo, di ko ini expect na napaka ganda mo pala maam" sagot ni Xyler "Thanks for the compliment Xyler, Maupo muna kayo o kaya eh ikutin nyo muna ang mga displays, maya maya lang eh darating na ang ibang art demonstrator. I will entertain the other guest first" "Ok maam, titingnan lang muna namin ang mga painting's na naka display." Bakas sa mukha nila Xyler at Bianca ang kasiyahan nang malapitan nila ang mga paintings. "Grabe ang gaganda Xyler, at ang detailed masyado nang pagkaka gawa." Iba ibang series of paintings ang mga naka display. merong series of flowers, series of sea scapes. Meron ding isang babaeng curator na nagsasalita at nagpapaliwanag sa mga paintings na naka display Napukaw ang attention ni Xyler sa mga nude paintings na naka display. Isa itong series of body figure. Painting nang isang naka hubad na babae na may ibat ibang position sa magkaka ibang canvass. Maganda ang painting pero ang style nito ay parang hindi tinapos. Marami rin ang nakapansin sa obrang ito. Mapa babae man o lalaki ay nahahatak ang attention sa nude painting na iyon. Iba ibang papuri ang kanilang naririnig sa mga paintings. Ilang sandali pa ay Nag start na ang event, nagsalita na ang Emcee at isa isang ipinakilala ang mga organizers at sponsor nang naturang event. Pagkatapos ay nagsimula na ang mga activities. Naengganyong sumali sila Xyler at Bianca sa mga nag on the spot portrait. iba ibang mga guest ang pinauupo nila at saka nila sabay sabay na iginuguhit. Habang abala sa pag sketch sila Xyler at Bianca ay muling lumapit sa kanila si Ameerah may mga kasama itong ipinakilala sa kanila. "Im sorry to disturb you Xyler and Bianca. I just want to introduce to both of you si Jude Sembrano, Gerald Santos and maverick Del rosario. Sila ang mga contributors sa mga paintings na naka display sa center isle ng event." pakilala ni Ameerah sa kanyang mga kasama. "Ikinagagalak ko kayong makilala mga sir." bati ni Xyler sabay nakipag shake hands din sya sa mga ito. Ganun din si Bianca ay nakipag kamay na rin. "Why don't you join us on the other table para magka kwentuhan tayo." Anyaya ni Jude sa dalawa habang naka tingin kay bianca. Pinaunlakan naman nila Xyler ang invitation ni Jude. "Nagustuhan nyo ba ang event?" tanong ni Ameerah nung sila ay maka upo na at magkakaharap sa isang table. "Very impressive and inspiring ang mga paintings ma'am, nakaka engganyo tuloy gumawa." "That's great sana naman sa susunod na event eh makasama na ang mga gawa nyo" Sabat ni Gerald. "Sana nga makagawa ako nang magandang pyesa para makapag diaplay rin sa susunod na exhibit." "Oh akala ko na inspire ka sa mga gawa namin?" sabat ni Maverick. "Sobra, Kaya malamang nito mag start na rin akong magpaint sa canvass pag uwi ko sa bahay." sagot ni Xyler. "Gawa ka agad nang marami para hindi ka zero." wika naman ni Gerald. "By the way guys meron akong i organize na nude art sketching, maybe next month. maghahanap pa lang ako nang mga sponsor. Ngayon pa lang ini invite ko kayo." wika naman ni Jude. "ok yan ah. aabangan ko yang event na yan. Miss ko na rin mag body figure sketching" sabi ni Gerald. "Aasahan ko rin kayo dun Xyler and Bianca." " Go ako sa event na yan ewan ko lang tong si Bianca kung sasama." "Hindi ko pa rin na try ang nude art eh parang nakaka hiya." "Bilang artist hindi ka dapat mahiya sa mga nude arts Bianca. Bahagi na nang mundo nang art ang body figure. sagot ni Jude. "I try ko, Masyado pa namang maaga para mag disisyon. Pero gusto ko ring subukan yung body figure. More land scape lang kasi ang alam kong iguhit sa ngayon. "O sige, Bianca. Hindi naman sapilitan ito." wika ni jude. "By the way Xyler baka willing ka maging admin sa group natin? kulang pa kasi nang mga admins eh. Isa pa para makaroon din nang representative sa lugar nyo." wika ni Ameerah." "Hindi pa ako sure jan maam baka kasi hindi ko kayanin ang task bilang isang admin." "Ano ka ba madali lang yun. Iga guide ka naman nang buong chapter kaya hindi ka mahihirapan." "Oo nga Xyler, sa lugar nyo na lang kasi wala pang representative kaya mas maganda kung gampanan mo na." Sabat ni Gerald. "Kung ipipilit nyo eh di sige tatanggapin ko. Meron din kasi akong plano para sa lugar namin." "Handa kaming tumulong jan sa plano mo, basta wag lang ilegal. "natatawang sabi ni Maverick. Sobrang nag enjoy sila Bianca at Xyler sa company nang mga bagong kakilala. dahil lahat sila ay kwelang kausap. lahat marunong makiride. Sobrang na enjoy nila Xyler at Bianca ang naturang event kaya dahil nagparticipate pa sila sa mga activities. "Ang saya naman pala nang convention" wika ni Bianca habang pauwi sila. "Oo nga halatang halata nga na nag enjoy ka eh" "Salamat Xyler ha at isinama mo ako, First time ko lang talaga maka attend sa mga ganyang event." "Kahit naman ako eh ngayon ko lang na experience yung mga ganyan, Sana nga maka attend ako sa susunod na event." "Alin ba dun yung tinutukoy ba ni Jude?" tanong ni Bianca. Bahagyang tumango si Xyler, "Sabi ko na eh, Ako Hindi ko sure kung makakasama ako sa ganung event." "Bakit naman? feeling ko naman masaya ang ganun." "Hello! baka nakakalimutan mo masyado pa akong bata noh. im only 16 years old baka bawal ako dun." " ang tanong kasi jan eh kung gusto mo ba o ayaw mo?" "Parang gusto ko na ewan... hindi ko kasi maimagine ang sarili ko na titingin sa hubad na katawan nang isang model." "Ok lang naman segurong subukan." "Bahala na Xyler, pag iisipan ko munang mabuti." Biglang may nabuong plano sa isipan ni Xyer. "Ano kaya kung magpractice tayo nang nude sketching?" "Paanu at sino ang magiging model?." "Kahit hindi muna sa totoong model maghanap na lang tayo nang reference na nude at yun ang gayahin natin?" Hindi ako pwedeng gumawa sa amin nang ganun at baka makita ni tita noh, Sabunutan pa ako nun." "Eh di sa bahay namin, wala naman sila nanay pag araw kaya mag isa lang ako pag week end." "Sige Xyler pero ikaw ang maghanap nang magiging reference natin." "Oo sige ako ang bahala. Hihintayin kita sa sabado agahan mo ha." "Ok sige Xyler aagahan ko." Nang maka alis na si Bianca ay tumunog naman ang celphone ni Xyler. "Hello!' agad na sagot ni Xyler "Hello Xyler, its me Miss Johara Mendoza do you still remember me?" "Yes ma'am kayo po yung principal sa St. Benedict Higschool yung nakausap ko po sa principals office. "Yes i just want to remind you na pwede na umpisahan ang mural sa aming school. You can come to my office anytime you want." "Magandang balita po yan maam, sige po pupunta na lang ako bukas para mabili na ang mga materials na. kakailanganin po ma'am" "Ok sige Xyler magsabi ka lang sa guard na ikaw ang pinapunta ko para gumawa ng mural sa mga wall. "Sige po ma'am maraming salamat po ulit"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD