Pagkatapos ng kasal ay dumiretso kami sa bahay nina Mama para sa isang simpleng salu salo. Sa tulong ng aming mga pamilya at kaibigan ay nairaos ang isang payak ngunit masayang pagdiriwang. Kinabukasan ay lumuwas kami ni Adam para sa aming honeymoon. Sakay kami ng kanyang sasakyan habang sya ang nagmamaneho. "Honey, pasensya ka na at hindi kita nabigyan ng maayos na honeymoon noong una tayong ikinasal," sambit nito habang nakatingin sa daan at ang isa nyang kamay ay hawak ang akin "Wala yun, puro hampas at kalmot din naman ang inabot mo sa akin noon," pabiro kong sambit. "Di bale, puro sigaw at ungol naman ang aabutin mo mamaya," bumaling ito sa akin kasama ang kanyang pilyong ngiti at agad na ibinalik ang tingin sa daan Agad namang nag init ang aking mga pisngi, "Bastos!" Hinampas ko

