"Oh, Director Whitman! What are you doing here?" napatayo mula sa kanyang working desk si Director Smith Pinilit kong ngumiti, "Uh, naiinip kasi ako sa bahay kaya bumalik na lang ako dito para magtrabaho," Agad itong lumapit sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala, "Sigurado ka ba, Director? You look pale. H'wag mong pilitin kung hindi ka pa ok," Umiling ako at muling ngumiti, "I'm okay," Isa pa, wala ring makagagamot sa sakit na aking nararamdaman. Mas lalo ko lang mararamdaman ang sakit ng aking kalooban kung magmumukmok ako sa bahay. Kaya mas magandang ibaling ko na lamang ang aking atensyon sa trabaho. Pinagmasdan pa rin ako nito gamit ang kanyang nag aalalang mga mata. Ngunit tila sumuko na rin ito at napabuntong hininga, "Ano pa nga

