CHAPTER 19

3075 Words
"Kailangan natin ng theme, menu, guest list..." Abala ang aking isip habang isinusulat ang mga kailangang gawin sa papel "Ate Anastasia, napaka organized mo naman. Kahit simpleng salu salo okay na sa amin," tugon ni Isabela "Uminom ka muna ng mainit na tsokolate," alok nito Kasalukuyan kaming nakadulog sa hapag kainan upang mag almusal habang nagpaplano para sa surprise birthday celebration para kay Adam. Pagkatapos pa lamang ng pista ay iminungkahi ko na kay Isabela ang tungkol sa surpresang celebrasyon. Malapit na rin naman akong umalis dito kaya kahit papaano ay gusto kong masuklian ang kabutihan ng pamilya ni Adam sa akin. Bukas na ang kanyang kaarawan kaya naman hindi ko maiwasang mag alala dahil ngayon pa lang kami maghahanda. Mabuti na lamang at maaga syang nagpupunta sa bukid kaya nagkasundo kami ni Isabela na dito sa aming bahay magmeeting. Sa kaabalahan ay hindi ko tuloy alintana ang tinapay at corned beef na nakahain "May nakalimutan pa ba ako sa iimbitahan natin?" Ngumiti ito nang pilyo, "Si Amanda," My eyes automatically rolled up because of dismay. Aaminin ko, hindi ko maiwasang kumulo ang dugo sa tuwing nababanggit ang babaeng iyon. "Eh kung ikaw kaya ang tanggalin ko sa guest list," napipikon kong tugon. Habang tawa nang tawa itong si Isabela "Isabela, kailangan pala natin ng loot bags para sa mga anak ng bisita. Tulungan mo kong mamili mamaya sa palengke," "Sige Ate! Excited na tuloy akong mamili ng mga give aways. Sya nga pala, nagbigay ng pera si Mama para sa mga gagamitin natin," "Thank you, Isabela," Wala na kaming inaksayang oras at nagtungo na sa pamilihan. Namili kami ng mga sangkap sa mga lutuin, mga laman ng lootbags pati na ang mga gagamitin para sa munting salu salo. Gayundin, dumaan na rin kami kina Eve upang imbitahin sila para sa gaganapin bukas. Dahil kasama pa ni Adam ang mga nagtatrabaho sa bukid ngayon ay si Mama na ang bahalang mag imbita sa kanila pagkatapos ng trabaho. Pagkarating sa bahay ay nag ayos muna kami ng mga sarili at nagpahinga nang kaunti. Matapos nito ay nagluto na si Isabela ng tanghalian habang naglinis naman ako ng mga kubyertos na gagamitin para bukas. Naglaba na rin ako ng mantel at iba pa naming damit. Naging tipikal lamang ang araw at walang kamalay malay si Adam sa inihahanda naming surpresa sa kanya para bukas "May pupuntahan lang ako bukas ng umaga pero babalik din ako agad," sambit nito habang kami'y naghahapunan "Saan ka pupunta?" "Magkikita kayo ng kabit mo?" hindi ko maiwasang maalala nang makita ko sila noon ni Amandang nag uusap. Nawawalan tuloy ako ng ganang maghanda bukas Bahagya itong natawa, "Ikaw lang ang asawa at kabit ko," sabay ang hawak nito sa aking kamay Padarag kong inalis ang aking kamay. I just rolled my eyes, "Saan ka nga pupunta?" Ngumiti lamang ito, "Malalaman mo rin bukas," "Bumalik ka kaagad bago magtanghalian," "Yes Ma'am. Sandali lang ako," Pagkatapos naming maghapunan ay niyaya muna ako nitong uminom ng mainit na tsokolate tulad ng dati. Matapos ang ilang sandali ay nagpaalam na ito, "Tulog na tayo," "Mauna ka na sa kwarto, hindi pa ako inaantok," Tumango ito at pumasok na sa loob. Pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok ako sa aming silid. Habang mahimbing itong natutulog ay kinuha ko ang isang parcel mula sa kabinet. Bumalik ako sa dining area at ipinagpatuloy ang sketch na una kong sinimulan sa bahay nina Sir Kiel. May ilang araw ko rin itong ginagawa sa tuwing ako lang mag isa. Balak ko itong iregalo sa kanya para bukas kaya naman masaya ako nang natapos ko na ito. Matapos ibalot sa isang maayos na gift wrapper ay muli ko itong itinago sa kabinet at sinamahan syang matulog sa kama. Kinabukasan ay maagang umalis si Adam kaya naman naghanda na kami nina Isabela at Mama. Nagpakatay na si Mama ng baboy para sa lechon. Bukod dito ay hinayaan nya akong masunod sa menu. Simple lamang ang aking napili. Magluluto sina Isabela at Mama ng gulay at adobo. Habang ako naman ay namili ng cake at mga sangkap sa lulutuing spaghetti gamit ang aking naipon mula sa mga allowance na binibigay ni Adam. Nagtulung tulong din kami nina Isabela at Eve sa pag aayos ng dekorasyon at ng mga loot bags. Pagkatapos nito ay dumiretso na ako sa aming bahay upang lutuin ang spaghetti. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang matikman ang aking niluto. Nang makuntento sa lasa ng aking putahe ay nagpasya na akong maligo at mag ayos ng sarili. Matapos mag ayos ng sarili ay isinalin ko na ang spaghetti sa malinis at tuyong lalagyan. Binalutan ko rin ito ng pulang laso upang mas maging presèntable. Suot ang bestidang binigay sa akin ni Adam ay naglakad na ako patungo sa kanilang bahay, "Ma, Isabela! May dala rin po akong pandagdag sa handa," Ngunit sa halip na ang mag ina ang sumalubong sa akin ay ibang tao ang tumambad sa aking harap, "Hey, Anastasia. Nice dress, huh," wika ni Amanda "What are you doing here? You're not invited," dumiretso ako patungo sa hapag kainan at inilapag ang aking dala. "Oo nga eh, ikaw naman, bakit hindi mo ako inimbita?" naglakad ito patungo sa aking likod, "Magkababata na kami bago ka pa nakilala ni Adam. We're actually childhood sweethearts. Siguro kung hindi ako nalipat ng high school ay baka kami ang nagkatuluyan," Umikot ito papunta sa aking harapan, "Alam mo bang pinag uusapan ka ng mga tao dito? Kahit sila nagtataka paano ka nagustuhan ni Adam. They don't like you. And I know why," "You didn't invite me, why? Kasi insecure ka. Dahil alam mong I can easily get Adam back. Naaawa lang sya sa 'yo. Sina Tita at Isabela, naaawa din sila sa 'yo. But if they have a choice, I'm sure they won't choose you for Adam," Halos masira ang balot ng aking regalo dahil sa pagkakabaon ng aking mga daliri dulot ng pinipigil na inis. Pilyo itong ngumiti, "Akala ko ba sosyal ka? Eh bakit spaghetti lang ang naisip mo? Ano to, children's birthday party?" she sarcastically laughed "Ewan ko sa 'yo, pero baka hindi na nila pansinin yan. You should thank me, kasi I already took care of the catered food. Tignan mo, naghanda ako ng cordon bleu, carbonara, and baked mac!" "Well Anastasia, I'll go ahead and look for Tita and Isabela and of course... Adam. Ciao!" sabay ang pag alis nito Pinagmasdan ko ang mga dinala nitong handa. Totoo namang walang binatbat ang aking niluto kumpara sa mga ito. Nang dumako ang aking mga mata sa mesang lagayan ng mga regalo ay napansin ko ang makabagong fishing gear. Marahil ay regalo nya ito kay Adam. Pinagmasdan ko ang hawak na regalo at kusang bumagsak ang kanina ko pa palang pinipigilang luha. Agad ko itong pinawi at kinuha ang aking niluto. Inilagay ko na lamang ito sa isang tabi ng kusina. Tama naman sya, mas ma-aapreciate ni Adam at ng mga bisita ang kanyang mga dinala. Dali dali na akong umalis ng bahay at hinayaang dalhin ng mga paa kung saan ako maaaring mapag isa. Noong una akala ko'y insecure lang sa akin ang anak ng kapitan kaya nya sinabing naaawa lang sa akin sina Adam. Ngunit narinig ko itong muli kay Amanda. Hindi ko sila kayang harapin. I know how to socialize but I am not a hypocrite. May natitira pa rin naman akong hiya. Kaya mas magandang lumayo na nga ako upang mapag isa. Siguro nga I'm not the lovable type. Sarili ko ngang ina ni hindi ako magawang mahalin. Sila pa kaya? I strived to become my best. Not because of my parents' name but because I am. But why does it feel that I'm always not enough? "Ms Lauren, ang galing mo talaga sa presentation kanina! Alam mo, ikaw dapat ang isa sa mga VP sa kompanya nyo, eh!" "I know. Who do you think is better, me or Anastasia?" "Syempre ikaw, Ms Lauren!" wika ng bakla nitong assistant "Good. Anak lang kasi ni Mr Chairman yang si Anastasia, but I'm better than her. In all aspects. And I'm pretty sure I'll get what I want soon---" "What do you want to get, Lauren?" kapwa natigilan sina Lauren at ang bakla nitong kasama nang pumasok ako sa make up room nito "Oh! Ms Anastasia!" wika ng bakla habang hindi makaimik si Lauren I chuckled sarcastically, "Ang lakas ng loob ninyong pagsalitaan ako ng masama behind my back at sa mismong salon ko pa!" "You," tukoy ko sa bakla, "You're fired," "Ma'am sorry po. Maawa po kayo sa akin. Si Ma'am Lauren naman po ang nagsimula," "What are you saying, b***h?!" wika ni Lauren sa bakla "Bakit, naawa ka ba sa akin while you are saying those things behind my back?!" tukoy ko sa bakla Umalis na umiiyak ang bakla at kaming dalawa ni Lauren ang natira "I have to go," wika nito at tumayo na upang umalis. Ngunit agad kong hinawakan ang braso nito, "Anastasia, let go of me. Masakit," "Is this how you play, Lauren?" "And what do you want to get?" dagdag ko "Let go of me, Anastasia!" pagpupumilit nito ngunit mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang braso "I know you don't like me. Pero wala akong ginawang masama sa 'yo," "And just for your information. Pinaghirapan ko ang anumang meron ako. And don't you ever compare yourself to me. Dahil malayo. Malayong malayo," Gustung gusto kong sampalin si Amanda kanina, pero bakit hindi ko nagawa? Bakit apektado ako nang husto kapag pinag uusapan si Adam? Ipinikit ko ang mga mata habang dinama ang banayad na hampas ng hangin. Pilit kong pinaalalahanan ang sarili kung sino ako. Who I really am. Habang nasa lilim ng puno ay pinagmasdan ko ang asul at payapang kalangitan. Pinilit kong libangin ang aking isip sa berdeng damo at makukulay na bulaklak. Sa tuwing gusto kong mapag isa ay dito ako dinadala ng aking mga paa dahil nakakatagpo ng katahimikan ang aking puso. "Sabi na nga ba at dito kita makikita," sambit ng pamilyar na boses "A-anong ginagawa mo dito?" hindi ako makapaniwalang nandito sya Umupo ito sa tabi ko at sumandal sa puno. Ipinikit nito ang mga mata habang bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi. Isinasayaw ng hangin ang mga mumunting buhok nito "Bumalik ka na sa birthday celebration. Nakakahiya kina Mama," "Ikaw ang gusto kong makasama sa kaarawan ko," muling nagtama ang aming mga mata Agad nag init ang aking mga pisngi ngunit pinaglabanan ko ito, "Hindi mo kailangang maawa sa akin. Ni wala nga akong maayos na maihanda sa 'yo," pag iiwas ko ng tingin Ngunit hinawakan nito ang aking kamay, "Kahit gaano kasarap ang pagkaing nakahain, kung wala ka naman, hahanapin at hahanapin kita," "Bakit ba ang bait mo sa akin? Masama ako, Adam. My own mother doesn't even like me. My employees doubt my capabilities as their leader. And I'm sure kahit ang ibang tao dito, they don't like me! Mabait lang kayo nina Mama at Isabela, pero please, stop being nice because you pity me!" kusang bumagsak ang pinipigilan kong mga luha Agad nya akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Doon ay hinayaan nya akong umiyak hanggang sa bahagya akong tumahan. Muli nitong hinuli ang aking mga mata. His gentle eyes bring comfort to my wounded heart, "Masungit ka, suplada ka, mataray ka. Totoo lahat yun," "Pero mabuti ka. Hindi ka makasarili. Alam kong ikaw ang nagplano para sa celebrasyon ng aking kaarawan. Sinabi lahat sa akin nina Mama at Isabela," Pinawi nito ang aking mga luha "Kaya kahit simple lang ang handa, ang mahalaga sa akin ay ang makasama kita. Ikaw lang sapat na," I used to be a strong and independent woman. But why I do I always feel vulnerable when it comes to him? Bakit ang laking bagay sa akin ng kanyang katiyakan? Why do I always need him? "Tara may pupuntahan tayo," yaya nito nang kumalma na ako "P-pero paano sina Mama at Isabela? Paano yung celebration?" "Maayos sina Mama at Isabela. Besides, ipinagpaalam kita para magdate tayo," sabay ang pilyo nitong ngiti Sumama ako sa kanya at sumakay sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngunit panatag ang aking puso sa tuwing kasama ko sya. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating kami sa isang isla. Iba ito sa dagat na karaniwan naming pinupuntahan kina Eve. Matindi pa ang sikat ng araw kaya kitang kita ang pino at puting buhangin pati na ang matingkad na asul na dagat. Niyaya ako nitong pumasok sa nag iisang bahay sa islang ito. Nakatayo ito sa mataas na lugar at kapansin pansin ang Spanish inspired architecture at ang puting kulay ng kabuuan nito. Pagpasok sa loob ay kapansin pansin ang ganda nito. Antigo at elegante ang kabuuan ng bahay pati na ang mga gamit. Mayroon ding mga nakasabit na paintings ni Sir Kiel, "Nasan tayo?" Tahimik lamang ito habang hawak hawak ang aking kamay at iginigiya ako pataas sa hagdan. Nang makarating kami sa ikalawang palapag ay dumiretso kami sa isang pinto kung saan natagpuan namin ang isang infinity pool kung saan matatanaw ang payapa at asul na dagat. Sa harap nito ay ang mga sun lounge na nakaharap sa dagat. Sa gilid naman nito ay may mga nakatanim na puno ng lemon kung saan tanaw ang mga nakasabit na dilaw na prutas, "Ang ganda," ito ang tangi kong nasambit sa pagmangha sa tanawin "Welcome to your island, welcome to your house," "A-anong ibig mong sabihin?" "Kaya ako umalis kanina to check na maayos na ang lahat. I was meant to surprise you with this gift," he slightly chuckled, "At nalaman ko lang kanina na may surpresa ka rin pala sa akin," "Why are you doing this, Adam. You don't need to do this. Alam naman natin na hindi ako magtatagal dito," Hinawakan nito ang aking balikat at lumapit sa akin, "Dahil mahal kita," "I am not forcing you to love me back. But please, be with me. Stay with me hanggang sa magpasya kang bumalik sa inyo. Kahit ilang araw na lang ang natitira, hayaan mong mahalin kita," Hindi ako nakaimik. Nagtatalo ang isip at puso ko. Nanatili lamang akong tahimik hanggang sa mananghalian kami. Pagkatapos nito ay hinayaan nya akong magpahinga sa aming silid. Dahil na rin sa pagod ay mabilis akong nakatulog. Gabi na nang ako'y magising. Paglabas ko ng aming silid ay napukaw ang aking pansin mula sa mga ilaw ng outdoor pool. Pumunta ako doon at natagpuan ang isang candlelight dinner setup. Naroon si Adam at inaayos ang mesa. Nang matapos ito ay napansin nya ako. Ngumiti ito, "Gising ka na pala. Dinner's ready," Habang palapit sa dinner table ay napansin ko ang mga pulang rose petals sa aking dinaraanan. May mga nakasabit na bilog na ilaw na yari sa capiz na nagsilbing ilaw at adorno sa paligid. May mga rose petals din na lumulutang sa pool. Ang dinner table naman ay ginayakan ng puting mantel. Ang ibabaw nito ay inadornohan rin ng pulang rose petals at candlelight sa gitna. Ipinaghila nya ako ng upuan upang ako'y makaupo. Nakahain na ang ceasar salad, corn soup, creamy tuscan chicken at... "Spaghetti?" natatawa kong sambit "Syempre, hindi mawawala ang niluto mo," Nang makaupo ako ay umikot ito sa aking harapan. Binuksan nito ang isang bote ng champagne at kinuha ang aking goblet upang isalin ang inumin. Pagkatapos nito ay nagsalin din sya sa kanyang goblet. Naupo na ito at nag alok ng toast sabay ng pagtaas ng kanyang inumin, "Cheers," "Cheers! Happy birthday, Adam," tugon ko Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang pagmasdan ito. Nakasuot sya ng button down shirt at slacks habang nakatupi ang mga manggas nito hanggang sa kanyang siko. Bihira ko syang makitang nakasuot nito ngunit tila isa itong modelo dahil sa ganda ng kanyang mukha at tikas ng pangangatawan. Bakat sa kanyang suot ang tila inukit nitong mga masel sa braso at dibdib. Hindi ko inakala na sa kabila ng pinagdaanan ko kanina ay narito kami ngayon sa isang romantic at intimate dinner "Why are you staring at me?" he slightly chuckled Agad napukaw ang aking pansin. Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa kanya "Nothing. Hindi lang ako sanay na ganyan ang suot mo," tugon ko "Bagay ba sa akin?" "Hmmm, pwede na," at baka yumabang pa ito "Naisip kong magpapogi naman kapag kadate kita," "Tigilan mo nga ako. Ang arte mo," natatawa kong sambit Nang matapos kaming kumain ay lumapit ako sa may railing ng veranda upang pagmasdan ang maliwanag na buwan at mga kumikislap na bituin. "Salamat, I have the happiest birthday because of you," lumapit si Adam at tumabi sa akin "I'm sorry Adam. Pero hindi ko ito matatanggap. Masaya naman ako sa bahay kubo," "Just think of it na mayroong naghihintay sa 'yo rito. If you feel lost in the vast seas, mayroon kang babalikang isla. An island where you can call home," "Thank you, Adam," pinagmasdan ko ang kanyang mukha mula sa liwanag ng buwan Muli kong pinagmasdan ang mga bituin at naalala si Paolo. Pareho sila ng kaarawan ni Adam. Kung dati ay nalulungkot ako, ngayon ay nakatagpo ng saya ang aking puso. Hindi ko maintindihan kung bakit panatag ang aking puso kapag kasama si Adam Ilang sandali pa ay pumatak na ang ambon. Pinapasok na ako ni Adam sa loob habang nagmadali na ito sa pagliligpit ng aming kinainan. Mabuti na lang at nakapasok na ito sa loob bago lumakas ang ulan. Tinulungan ko na rin ito sa paghuhugas ng aming kinanan. Matapos makapaglinis ng katawan ay gumayak na kami upang matulog. Tulad ng dati ay magkatabi kami sa kama ngunit magkatalikod kami sa isa't isa. Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako makatulog. Malakas rin ang buhos ng ulan. Isama pa ang kulog at kidlat. Nang hindi na ako makatiis ay lumingon ako sa aking tabi. Natagpuan ko si Adam na nakatalikod at mahimbing na natutulog. Wala itong suot na pang itaas kaya kitang kita ko ang mga pilat sa likod nito. Dahan dahan kong hinaplos ang kanyang mga pilat. Inilapit ko ang aking sarili at niyakap sya. Ilang sandali ay lumingon ito paharap sa akin at hinila ang aking braso palapit sa kanya. Natagpuan ko na lamang ang sariling mahigpit nyang yakap habang nakasandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. Muling bumilis at lumakas ang t***k ng aking puso. Ngunit ang init ng kanyang yakap ay sapat na upang hilumin ang mga sugat ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD