Isang pamilyar na pigura ang lumapit sa amin. Gulung gulo ang aking isip mula sa hawak na papel, mula kay Moira na nasa aking harapan at mula kay... Adam
"Sino ka... anong kailangan mo?" seryoso ang kanyang mukha at malamig ang kanyang tingin kay Moira
Napansin kong bahagyang natigilan si Moira at umalon ang kanyang lalamunan. Ngunit agad ding nakabawi, "Moira dela Cruz... I'm the personal secretary of Chairman Whitman. Pinapunta ako ng Chairman upang sunduin ang kanyang anak,"
The corner of his lips slightly curled up, "I don't think you know what you're saying,"
"Mr Alfonzo, I didn't come here to argue with you. I am only following Mr Chairman's order," pilit pinakalma ni Moira ang kanyang ekspresyon ngunit bakas ang takot sa kanyang mga mata
"Then I need to talk to your Chairman," mariing tugon ni Adam
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay upang hilahin ako paalis, "Let's go,"
Nagprotesta pa si Moira, "You cannot do this, Mr Alfonzo! I will fetch Miss Whitman whether you like it or not!"
Akmang paalis na si Adam at hawak ang aking kamay ngunit hindi ako tuminag. Lumingon ito sa akin, "What's wrong?"
Nanatili akong nakayuko at hindi tuminag. Bagkus ay unti unti kong inalis ang aking kamay mula sa kanya
Kumunot ang noo nito dahil sa pagkalito, "Anastasia,"
"Moira, umuwi na tayo," malamig kong sambit. Diretso at walang emosyon kong tinignan si Moira. Unti unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi
"Anastasia, ano bang problema?"
Problema? I sarcastically chuckled. Sapat na ang aking nalaman mula sa hawak kong papel. Bakit nga ba ako nasasaktan? Hindi ba't nilalapitan lang naman ako ng mga tao dahil sa pamilyang aking pinanggalingan at dahil sa makukuha nila sa akin. Hindi ba't sa simula pa lang ay sinabi kong kahit kailan ay hindi ko sya mamahalin. Hindi ba't nagkasundo kami na pagkatapos ng isang buwan ay ibabalik na nya ako sa aking pamilya. Sa aking totoong buhay.
"Are you in love with that Paolo? Anastasia, whether you like it or not, we will soon be engaged. You would not want to bring shame into your family by falling in love with a janitor. Kailangan nating ma engage para mas maging successful ang mga negosyo ng ating pamilya. Set aside your dreams and emotions, think about our obligations,"
Paulit ulit sa aking isipan ang mga iniwang salita sa akin noon ni Chase. Tama sya. It all boils down on money.
Ako ang may problema. Sobrang tanga ko para isiping totoo ang lahat ng ipinakita at sinabi ni Adam. Sobrang tanga ko para muling magpadala sa mga emosyong matagal ko nang ibinaon. All of this was an act. An act worth ten million pesos!
"Anastasia, mag usap tayo," hinawakan nya ang magkabila kong balikat at bahagyang hinila upang iharap ako sa kanya. Ngunit bahagya itong natigilan nang magtama ang aming paningin. Puno ng pag aalala ang kanyang mga mata.
Parte pa rin ba ito ng palabas nya? Why is he so good at acting?! And the more I look at his eyes, the angrier I become. The more painful it gets
Unti unting namasa ang aking mga mata at sa isang iglap ay napabaling ang kanyang mukha sa gilid dahil sa pinalipad kong sampal.
Bumaling ito sa akin at tila naguguluhan, "Anastasia,"
"Tama na," Gusto kong sumigaw. Gusto ko syang saktan. Ngunit ang tangi ko na lang nagawa ay pakawalan ang kanina ko pang pinipigilang luha.
Agad na akong tumalikod upang sumakay sa kotse. Habang papalayo ay mabilis nyang inabot ang aking braso,
"Pakiusap, Anastasia, h'wag kang umalis. Mag usap muna tayo... ano bang nangyari?Ano ba'ng ginawa ko na hindi mo nagustuhan? Aayusin ko..."
Pilit kong inalis ang aking braso mula kanyang kamay ngunit mahigpit syang kumapit sa akin. Ilang sandali pa ay yumakap ito mula sa likod ng aking hita,
"Anastasia, h'wag kang umalis,"
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Galit ngunit higit sa lahat ay matinding sakit ang aking nararamdaman. Habang pilit kong pinapatigas ang aking loob ay lalong nadudurog ang aking damdamin.
"Mr Alfonzo, tama na po. Narinig nyo na si Miss Whitman!" tinulungan ako ni Moira na makaalis mula sa yakap ni Adam
Agad na akong pumasok sa sasakyan. Mabilis namang sumunod si Moira at sumakay sa tabi ng driver. Ilang sandali pa ay umalis na ang aming sasakyan.
Habang papalayo ay rinig ko ang aking pangalan na kanyang isinisigaw. Unti unting nawala ang pamilyar nyang boses hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo.
Nanatili akong tahimik at tulala sa byahe. Matapos ang ilang oras ay napalitan ang tanawin mula sa bintana ng kotse. Mula sa mapunong kapaligiran at kabukiran ay muli kong nakita ang mga konkreto at modernong gusali.
Isang buwan lang simula nang mawalay ako sa lugar na ito ngunit tila naninibago ako sa aking mga nakikita. Kung tutuusin ay dapat masaya na ako dahil sa wakas ay nakabalik na ako sa aking dating buhay, ngunit bakit nasasaktan ako?
Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarating na kami sa pamilyar na gusali. Ipinasok ng driver ang aming kotse sa malaking gate kung saan sinalubong kami ng malawak na patio hanggang sa inihinto nito ang aming sasakyan sa tapat ng isang malaking pinto
Agad na bumaba si Moira at pinagbuksan ako ng pinto. Nang bumaba ako mula sa sasakyan ay pinagmasdan ko ang gusaling nasa aking harap. Halos wala pa rin itong pinagbago.
Bumukas ang pinto at sinalubong kami ng pamilyar na matandang babae kasama ang iba pang mga kasambahay,
"A-anastasia?" tila nakakita ito ng multo
"Ako nga, Manang Sarah,"
"Ay, sus! Ikaw ngang bata ka!" napadpad ang kanyang mga kamay sa kanyang pisngi at lakad takbong lumapit upang ako'y yakapin
"Hija, kamusta ka na," mahigpit ang yakap nito
Hindi na ako tumugon pa at bagkus ay tuluyang lumuha habang nakasiksik ang aking mukha sa kanyang leeg.
Bata pa lamang ako ay si Manang Sarah na ang aking naging yaya. Kaya naman kilalang kilala na namin ang isa't isa. Kahit alam kong ramdam ni Manang Sarah ang bigat ng aking nararamdaman, hindi sya nagtanong at hinayaan lang akong tahimik na humikbi. Pakiramdam ko ay nakabalik ako sa isang ligtas na lugar.
Tahimik ang lahat ng mga kasambahay at ni isa ay walang sumubok na mag usisa. Ang iba ay nagtungo na sa kusina upang maghanda ng pagkain habang ang ilan ay nagtungo sa taas upang ihanda ang aking silid.
Matapos ang ilang sandali ay bumitaw ako mula sa yakap at pinunasan ang aking mga luha. May isa ring kasambahay na lumapit at nag abot ng tissue. Kumuha ako ng ilan at tinulungan rin ako ni Manang Sarah na ayusin ang aking mukha
Nakangiti itong nagwika, "Nasa social event ang Mama mo. Si Chairman naman ay nasa kompanya. Halika Hija, kumain ka muna. Naghanda kami ng paborito mong adobo,"
Wala pa ring pinagbago. Tulad noon ay ang mga kasambahay lang ang natitira sa loob ng bahay.
Galit pa rin ba si Mama kaya mas inuna nya ang social event? Si Papa... pinasundo na nya ako ngunit wala rin sya. Galit din ba sya sa akin? Si Chase... alam na ba nyang nakauwi na ako sa amin?
Iwinaksi ko muna ang mga iniisip. Pagod ang aking isip at puso kaya mas mabuti na ring walang tao dito sa bahay nang ako'y bumalik.
Inihatid ako ni Manang Sarah papunta sa dining area. Pinaupo nya ako at naghain ng pagkain.
"Tawagin mo ako kung may kailangan ka," sambit nito at saka umalis
Naiwan akong mag isa sa aming dining room. Pinagmasdan ko ang laki nito at ang eleganteng dekorasyon at mga muwebles. Buong buhay kong kinasanayan ang lugar na ito. Ngunit... bakit hinahanap hanap ko ang aming payak na kinakainan sa kubo?
Pinilit kong iwaksi ang mga iniisip at nagsimulang kumain. Ngunit kahit pilit iwaksi ay nagpupumilit sa aking alaala ang mga panahong magkasama kami ni Adam sa hapag kainan. Sa aking pananatili sa probinsya ay aking inaabangan sa tuwing magkasama kaming kumain. Pagsasaluhan namin ang mga simpleng pagkain at mag uusap tungkol sa mga nangyari sa amin ng maghapon. Napakasimple ngunit may saya at kapayapaan sa aking puso.
Rinig ko pa sa aking alaala ang aming mga boses at halakhak sa kabila ng nakakabinging katahimikan ng silid na ito. Ngunit... unti unting nanlabo ang aking mga mata. Para akong sinasaksak sa dibdib sa tuwing maaalalang parte nga lang pala iyon ng palabas. Ng isang malaking kasinungalingan.
Hindi ko na tinapos ang pagkain at tumayo na. Bitbit ang aking pinagkainan ay dumiretso na ako sa kusina upang itapon ang simi at hugasan ang mga kubyertos
"Anastasia! Anong ginagawa mo? Ako nang gagawa nyan," hindi makapaniwala si Manang Sarah nang madatnan ako nitong naghuhugas ng mga kubyertos
Ngumiti ako, "I'm good Manang,"
Pagkatapos ay inihatid na ako ni Manang paakyat ng hagdan. Pagkapasok ay isang pamilyar na silid ang sumalubong sa akin. Kumpara sa silid namin ni Adam sa bahay kubo ay hindi hamak na mas malawak ito.
The room is bright with white colored walls and accentuated with wooden decor. My bed is in immaculately white sheets and duvet. Its headboard is made of wooden material. On one side of my bed is a wooden bedside table. On top of the table lies a cream linen lampshade. On the other side is my vanity. Across my bed is a large screen and modern TV that is placed on top of a wooden drawer. On one corner lies a beige accent chair with a small wooden coffee table. Behind it is a standing cream linen lampshade. One side of the bedroom leads to my walk in closet and bathroom.
The brown curtains near the accent chair were opened wide. Its white linen inner curtains dance from the air coming from the opened doors leading to the balcony.
The floors are in beige carpet.
"Hija, maiwan muna kita. Nakahanda na ang bathtub kung gusto mong maligo. Tawagan mo ako kung may kailangan ka," muling sambit ni Manang Sarah at umalis na.
Matapos maligo ay nagtungo ako sa aking closet at pinagmasdan ang mga damit na nakasampay sa rack. Ang aking mga pajama ay gawa sa de klaseng silk; malayo sa daster na palagi kong sinusuot. Kumuha ako ng isa at isinuot ito.
Pagkatapos magsuklay at magtuyo ng buhok ay nahiga ako sa aking malambot na kama. Sa aking pag iisa ay muling nanumbalik ang mga kinikimkim kong emosyon. Ang bilis ng mga pangyayari. I was just staying in this room before my wedding. And now, I'm back.... but with an empty heart. Paulit ulit sa aking isipan ang kanyang paghabol habang ako'y papalayo. I left my heart with the one who broke it the most.
Kanina sa kotse ay ni isang luha ay walang pumatak. Ngunit ngayon, habang mag isa sa aking silid ay tuluyan nang bumuhos ang aking damdamin