Chase's POV Ilang beses kong sinubukang bawiin si Anastasia. Sa aking pagsisisi ay agad kong hiniwalayan si Lauren. Ngunit huli na ang lahat. Wala nang nararamdaman si Anastasia para sa akin. Tila gumuho ang aking mundo. I was so stupid that I have taken for granted the right woman for me. Pati ang aming mga magulang ay nagulat nang malamang naghiwalay na kami. Para akong mababaliw lalo na't usap usapan na may secret admirer si Anastasia. Sa tuwing makikita ko sya na masayang nakangiti at may hawak na bulaklak ay lalong nagpupuyos ang aking kalooban. Gusto kong hanapin ang lalaking iyon at gulpihin. Hindi ako pwedeng matalo. I am determined to win Anastasia back. Pagkatapos ng ilang buwan ay muli kaming nagkaayos ni Anastasia. Ngunit hanggang kaibigan lang ang kaya nyang ibigay sa akin

