(Aira’s POV)
Naiwan sa pagitan namin ang sinabi niya—matulis, mabigat, parang kutsilyo na hindi ko alam saan tatama.
“Whatever you are… you’re not a human.”
Parang tumigil sandali ang mundo.
Maging ang hangin sa labas na kanina pa humahampas sa cabin ay nag-linger, as if hinihintay kung ano ang isasagot ko.
Pero walang lumabas sa bibig ko.
Hinahawakan pa rin ni Cassian ang magkabila kong braso—mahigpit, mainit, at nakakakabuhay kahit nanginginig sa lamig ang balat ko. Bumuga siya ng hangin, mabilis at mabigat, parang may nilabanan siyang hindi ko makita.
Umungol si Bella sa leeg ko, mahina pero ramdam ko.
At iyon ang nagdurog sa kanya.
Mas lalong tumigas ang panga ni Cassian, pero ang galit sa mga mata niya ay napalitan ng mas nakakatakot:
Takot.
Hindi sa akin—
kundi para sa akin.
Inangat niya dapat si Bella mula sa mga bisig ko, pero natigil ang kamay niya sa ere… parang natatakot na baka kapag tinamaan ang balat ko, biglang sumabog ulit ang yelo.
Nagbaba siya ng boses, mababa, mabigat, parang dumadausdos sa dibdib.
“Aira. Look at your hands.”
Tumingin ako.
At nanlamig ako sa sarili kong nakita.
May yelong gumagapang sa mga daliri ko—maninipis na ugat ng nagyeyelong liwanag, parang… parang buhay sila. Napakapit ako, pilit kinukusot para mawala, pero lalo lang kumalat.
“H–hindi ko sinasadya…” garalgal ang boses ko. “Hindi ko alam anong nangyayari sa’kin.”
Lumapit si Cassian.
Sobrang lapit.
Umikot sa paligid ko ang presensiya niya—mainit, mabigat, nakakabaliw—binabangga ang lamig na umaakyat sa balat ko. Kumakahol ang bagyo, pero sa espasyo naming dalawa, parang walang ibang umiiral.
Inangat niya ang kamay niya nang dahan-dahan, parang hinahawakan niya ang isang bagay na sabay fragle at delikado.
“Did that thing come for you? Did it track you here?”
“I—I don’t know,” bulol ko. “Wala akong maalala bago ang gubat.”
Tinitigan niya ako, ‘yung mga mata niya matalim, parang kayang arukin ang kaluluwa ko.
“Something followed you from the mountains. Something powerful.”
Kumakaripas ang takbo ni Mara papalapit, nakahawak pa rin sa blade niya.
“Kailangan nating pumasok,” sabi niya. “Bago bumalik ‘yon.”
Hindi tumingin si Cassian sa kanya.
“Can you walk?”
Tumango ako… pero nanghina ang tuhod ko. Lalong lumakas ang malamig na kirot na gumagapang sa braso ko. Niyakap ko si Bella nang mas mahigpit, takot na baka maramdaman niya—pero mainit siya. Relaxed.
Tiwala siya sa’kin.
Bakit?
“Take Bella—” utos ni Cassian.
Pero biglang kumapit si Bella sa damit ko, mahigpit, desperado.
“No!” umiiyak niyang sabi. “I stay with her!”
Natigilan si Mara.
Nanigas si Cassian.
At ako—parang huminto ang paghinga ko.
“Bella…” mahinahon ang boses ni Cassian, pinakama-soft na narinig ko sa kanya. “She needs space—”
“I said no!” yakap niya lalo ang leeg ko. “Don’t take me away from her!”
Hindi bagyo ang bumiyak kay Cassian—
kundi ang anak niya.
May kumurap na emosyon sa mukha niya—sobrang raw, sobrang totoo, sobrang nakakabaliw. Lumapit siya, dahan-dahan, at hinagod ang likod ni Bella.
“Okay.” bulong niya.
“Okay. You can stay with her. Just don’t let go.”
Tumango si Bella, kumukunot ang maliit na mukha.
May kung anong mainit na humaplos sa dibdib ko.
“Inside. All of you,” utos niya.
Nilagay niya ang kamay niya sa ibabang likod ko—hindi marahas, hindi nagmamadali. Unti lang ang dampi pero sobrang init, sobrang ramdam. At kahit dapat wala akong maramdaman…
May kumislot.
May humila.
Maling pakiramdam.
Bawal.
Pero malakas.
Pagpasok namin, binoltahan ni Mara ang pinto at tinakpan ang bintana. Si Cassian naman, chineck bawat sulok, bawat anino. At nang nasiguro niyang safe, bumalik ang tingin niya sa akin.
Nakatayo ako sa gitna ng sala, dala si Bella, may frost pa rin sa kamay ko.
Lumapit si Cassian—hakbang na mabagal, kontrolado, parang kung lalapit siya ng mabilis, may mababasag.
Tumigil siya sa harap ko.
“Aira.”
Parang kulog ang pangalan ko sa bibig niya.
“We’re going to talk. Right now.”
Napakiramdam ko ang anak niyang kalmado pa rin sa dibdib ko. Inabot niya si Bella, sobrang dahan upang hindi magulat ang bata.
Pero bago niya ibigay kay Mara…
Tumingin siya sa akin.
Diretso. Malalim.
Parang tatagos sa’kin.
“You’re not human…”
uminit ang boses niya.
“But you’re not our enemy.”
Napasinghap ako.
“How do you know?” halos pabulong ko.
Tumingin siya kay Bella sa bisig niya.
“Because my daughter doesn’t cling to danger.”
Sinabi niya iyon na parang absolute truth. Na parang si Bella ang compass niya, ang instinct niya, ang wolf niya.
“Bring Bella upstairs,” sabi niya kay Mara. “Don’t let her out of your sight.”
Umakyat sila.
At nang mawala ang tunog ng hakbang, bumuntong-hininga si Cassian—malalim, pagod, parang may pinipigilang sumabog sa loob niya.
Pagharap niya sa akin…
kumikinang ang mata niya.
Gold. Intense.
Emosyon na halos hindi niya kontrolado.
“Now. Tell me everything you remember… before that creature found you.”
Bubuka pa lang sana ang labi ko—
Pero biglang umatake ang memorya.
Liwanag na nakakabulag.
Isang boses na tumatawag ng pangalan ko.
Dugo sa niyebe.
Mga kamay na humihila sa akin.
Isang marka sa pulso ko.
Isang koronang gawa sa yelo.
At mga matang—sobrang lumang mata—na nakatingin habang nahuhulog ako.
Napahawak ako sa dibdib.
“Aira,” lumapit si Cassian, mabagal, kasing steady ng batong hindi matitinag. “You’re safe. Just breathe.”
Sinubukan ko.
Pero hindi ko kaya.
Napuno ng luha ang mata ko.
“I don’t know what I am,” bulong ko. “Hindi ko alam sino ang humahabol sa’kin. Hindi ko alam kung dapat ba akong nandito.”
Tumining ang mata ni Cassian—
naging molten gold—
ang wolf niya nagre-react sa takot ko na para bang sarili niyang sakit.
Lumapit siya.
Diretso sa harap ko.
Sobrang lapit
na naramdaman ko ang init niya,
na natunaw ang yelo sa balat ko,
na humalo ang hinga namin.
“You don’t have to know,” bulong niya.
“Because you’re here now. With us.”
Humina pa lalo ang boses niya—dangerous, intimate.
“And as long as you’re here… no one touches you.”
Tumigil ang puso ko.
The pull—
that forbidden, wrong, impossibly strong pull—
felt like a live wire snapping between us.
Pumaloob ang hininga ni Cassian sa pisngi ko.
Akala ko—just for a moment—
tatapik niya ang mukha ko ulit.
Hindi dahil takot.
Hindi dahil tungkulin.
Kundi dahil gusto niya.
Pero umatras siya.
Pilit.
Parang bawat hibla ng laman niya nagpro-protesta.
“Get some rest,” sabi niya, paos.
“We’ll figure out the rest… tomorrow.”
At tumalikod siya.
Parang kapag hinawakan niya ako ulit…
may mababasag sa aming dalawa.