“OH, careful.” Paalala ni Euwen dito na muntik itong matumba pagbaba ng kotse. Napasapo ito sa ulo na makadama ng pagkahilo. “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Euwen dito. “Yeah. Medyo nahilo lang,” sagot ni Chelsea inakay nito papasok ng mansion. Naabutan naman nila ang ama nito na nasa sala. Seryosong nakatutok sa laptop nito. Napalingon ito sa dalawa na marinig ang boses ng dalaga. “Chelsea?” bulalas nito na napatayo at sinalubong ang dalaga. “Hey, Dad. I'm okay po. Hwag ka ng mag-alala.” Wika nito na niyakap ang ama nito. “Ano ka ba? Akala ko ba magpapahinga ka doon sa opisina?” tanong ni Chloe na inakay ang anak nito sa sala. “Nandoon po si Ninong eh.” Nakangusong sagot nito. “Kumain na ba kayo?” “Hindi pa po, Tito. Ang kuripot ni Tito Luke eh.” Sagot ni Euwen

