TAWANG-TAWA si Chelsea habang nakikinig sa tatlong kaibigan nito na inutusan nitong ipasubo si Therese. Nalaman kasi nitong nagtungo sa kumpanya si Therese na hinahanap sila ni Luke. Kaya pinasundan niya ito sa tauhan niya at napag-alamang nagtungo ng Bar mag-isa. Sakto namang nasa Bar na iyon ang tatlong kaibigan niya noong college. Kaya tinawagan niya ang mga ito. At dahil sutil din ang mga ito, game na game silang sinunod si Chelsea na lapitan si Therese at salisihan. Kaya nalaman nitong wala ng pera si Therese dahil nag-withdraw ito sa ATM nito kasama ang dalawang waiter ng Bar para makasiguro silang magbabayad ito. Tila umaayon naman sa kanya ang kapalaran at ang kotse ni Luke ang gamit ni Chelsea na kotse ng kumpanya. Kaya kinuha niya rin ito para lalong inisin si Therese at ipak

