NANGANGAWIT ang buong katawan ni Chelsea nang magising ito. Sa nanlalabo nitong paningin ay unang bumungad ang nakakasilaw na liwanag mula sa labas. Nakatagilid kasi ito ng higa paharap sa glass wall at tanaw mula sa kinahihigaan ang asul na dagat sa labas. Mataas na ang sikat ng araw at napakagandang pagmasdan ang tanawin. Puting-puti ang pinong buhangin at asul ang dagat. Napababa ang tingin nito sa sikmura nito na maramdamang may mabigat na bagay ang nakapatong doon na ikinangiti nito. Maingat itong pumihit paharap sa katabi sa kama na lalong lumapad ang pagkakangiti na mabungaran ang Ninong Luke nitong nahihimbing na nakayakap sa kanya. Nag-init ang mukha nito na maalala ang mga namagitan sa kanila ni Luke kagabi. Kahit isang round lang iyon at wala pa siyang karanasan sa pakikipag

