“PAYNE!” “Hindi ko siya pinatay!” bulalas ni Luke na napabalikwas mula sa pagkakasubsob sa mesa nito! Naalimpungatan ito na malakas siyang binatukan ni Chloe na siyang humampas sa mesa nito kaya naalimpungatan! “Fvck you, Montereal!” sikmat nito sa kaibigan na natawa sa reaction nito. “Teka nga–minura mo ako?” paninita ni Chloe dito na napalapat ng labing nag-iwas ng tingin dito. “Hindi ko naman sinasadya, dude. Nanggugulat ka kasi,” mahinang saad nito. Kita nito sa peripheral vision nito na napailing pa si Chloe na nakamata sa kanya. “Damn. Lalo yatang tumanda ang itsura mo, Payne.” Pang-aasar ni Chloe dito na inabot ang brandy sa mesa ni Luke at nagsalin ng alak sa baso. Napahilamos ng palad sa mukha si Luke na napailing. “Damnit. Binangungot pa ako,” saad nito na ikinata

