Emma's point of view.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakapagsuot na ako ng uniform nang bumaba ako papuntang dining. Naabutan ko roon sina Mom and Dad. They're also wearing their office suit.
Hindi ko sila pinansin at naupo na ako kaharap ni Mom. Naglagay ako ng pagkain sa plato ko.
"Why are you wearing your uniform? You're not going anywhere."
Tumingin ako kay Dad at ibinaba ang hawak kong kutsara at tinidor. "Wala pa namang desisyon ang Director kung anong plano nila sa akin. I know they will never give me suspension," sagot ko.
Ibinalik ko na ang tingin sa pagkain pero hindi ko parin ito sinisimulan.
"They called us early in the morning and you are suspended for the whole two weeks. Iyon ang gusto ng magulang nang sinapak mo," my Mom said.
"Bakit hindi niyo man lang sila pinuntahan doon. Asked them and that b***h kung bakit niya ako binuhusan ng juice," I said without looking at her.
"We don't have to, Emma. Alam na namin na ikaw ang may mali. Since you're suspended for two weeks. You're also grounded within two weeks." Napatingin ako kay Mom. She's also looking at me.
"But you said last night na isang linggo lang?"
"We changed our mind. Unless you're not breaking the rules and obey us," my Dad answered.
"But--"
"Not buts, Emma. That's final now eat your food," anito.
Wala akong nagawa kundi ang manahimik. Hindi nga sila nakikinig sa akin. Kaya useless din ang pagsagot ko sa kanila. Ang alam lang nila ay ako ang palaging mali, ako palagi ang nagsisimula ng gulo, at ang dapat na maparusahan.
They never listened to my side and believes in me. Kaya minsan sinusuway ko sila. They aren't that strict dahil nakukuha ko pa rin naman gumala. Pero sa tuwing nakakagawa ako ng mali ay doon nila ako pinagsasabihan.
I know this is a duty of parents. Scolding their son or daughter when they made mistakes. But sometimes my parents are too much.
Pagkaalis nila sa bahay ay pumasok na ako sa aking kuwarto. Nagpalit ako ng pambahay. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang mga kaibigan ko at sabihin ang masamang balita.
"Hello, Emma. Bakit wala ka pa dito?" Lily asked nang masagot nito ang tawag.
"I am suspended and grounded," simpleng sagot ko. As if I'm used to this thing.
"What?!" eksaheradang reaksyon nito.
"Ano daw sabi, Sis?" narinig ko pang tanong ni Vien.
"Then what's is your plan now, Emma? May party mamaya and we're invited."
Bumuntong hininga ako. "I don't know. I'll just think first and call you again later," I answered.
Ibinaba na nito ang cellphone dahil narinig kong dumating na ang professor. Inilagay ko sa aking study table ang cellphone ko at napahiga sa aking kama.
"Ano nang gagawin ko neto?" I asked myself. Habang nakatingin ako sa puting kisame ng aking kuwarto.
"Ugh!" Bumangon ako. "Nakakainis naman!"
Inilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto. Pinagmasdan ko ang loob ng kuwarto ko. May sarili itong banyo, may TV, study table, at balconahe. We're not super rich pero nakakakain parin naman kami ng tatlong beses sa isang araw and sometimes may meryenda at night snacks pa kung gusto mo.
But this is all useless. When I was child, I never experienced playing outside. My parents are strict. Kaya ngayong malaki na ako ay gusto kong magkaroon ng kabuluhan ang buhay ko. I mean, I wanted to experience the life of being a teenager.
Natatakot ba silang mapariwara ako? Maagang mabubuntis?
Hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko. Hindi rin ako isang malandi na kung kani-kanino lang sumasama. May limitasyon ako sa sarili ko. Ako 'yung teenager na party goer but I know my path. I know where to go and not to go.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas sa aking kuwarto. Bumaba ako at pumunta nang kusina. Naupo ako sa isang stool doon nang may lumapit na maid.
"Ma'am, may ipag-uutos po kayo?" tanong nito. It was Ate Dhalia at ka-edad ko lang siguro siya o mas matanda sa akin ng ilang taon.
"Ate Dhalia, bigyan niyo na lang po ako ng makakain." I smiled at her.
She nodded as an answer and left me. Pumasok ito sa loob kung saan ang kusina, ang mga pinaglulutuan.
Kinuha ko ang cellphone ko. I dialed Lily's number. Mabilis naman niya itong nasagot.
"Anong oras ang party mamaya?" I asked nang masagot nito ang tawag.
"Mag-start daw ng exactly 8.00 pm," anito sa kabilang linya. "Are you going?" tanong naman nito.
"Yes!" Masigla kong sagot. I even smiled at her kahit na hindi niya ako nakikita.
"Auhmm. How about your parents?"
Napaisip naman ako. I'm sure matatakasan ko sina Mom and Dad but not the bodyguards. Mataas din ang bakod ng bahay namin kaya hindi ko alam kung saan ako dadaan.
"Don't worry, I can handle this. Just send me the location of the party tonight and we'll see you there."
"Okay. I'll send you right away." Binaba na nito ang tawag at mabilis naman akong nakatanggap ng mensahe. Nakalagay ang address ng bahay kung saan daw gaganapin ang party.
Napangiti ako dahil malapit lang ang lokasyon ng bahay na ito sa amin. Katabi lang ng village namin ang subdivision na sinasabi sa text message.
Ang iisipin ko na lang ngayon ay kung papaano ako makakatakas sa pamamahay na ito. Saka ko na lang iisipin ang galit nila sa akin. I just wanted to have some fun. Ito rin naman ang iniisip nila tungkol sa akin 'di ba? Isang matigas ang ulo at palaging nasasangkot sa gulo. Kaya mas mabuting panindigan na lang natin at patunayan sa kanila na totoo na ang kanilang iniisip. Nakakahiya naman kasi na nagsasabi sila tungkol sa akin ng hindi totoo.
Pagkatapos kong magtanghalian ay bumalik ako sa aking kuwarto. Dumiretso ako sa kama at doon nahiga. Mabilis naman akong napabangon at naglakad papunta sa balconahe ko.
Kapag dito ka pumunta ay makikita mo ang gate ng bahay. Kaya tumayo ako doon at nakita ko naman ang nakasaradong gate. May nagbabantay na mga guwardiya. Hindi ako puwedeng dumaan diyan mamaya dahil malamang ay makikita ako. Hindi nila ako palalabasin dahil hindi naman ako ang sinusunod nila.
Napatingin naman ako sa aming bakod. May mataas itong bakod pero kung talagang pursigido ka magnakaw ay makakaya mong akyatin iyan.
Bumalik naman ako sa aking kama. Nahiga at ipinikit ang aking mga mata. Kakatapos lang ng tanghalian at wala naman akong gagawin dito sa bahay kundi ang tumunganga.
-
Nagising ako na madilim na ang paligid. Bumangon ako at tumingin sa wall clock malapit sa TV. Alas-sais na pala kaya mabilis akong tumayo at dumiretso sa banyo. Naligo ako at nagbihis.
Isang pantaloon na hapit sa akin at off shoulder na floral ang disenyo. Kumuha rin ako ng jacket dahil alam kong malamig sa labas. Kinuha ko rin ang sandals ko at naglagay ng light make up. Naglakad ako papuntang pinto pero napatigil ako ng may marinig akong nagsasalita sa labas.
"Dito ka magbantay dahil narinig ko kanina si Ma'am Emma. Kausap nito ang mga kaibigan. Baka may pupuntahan siya at tayo ang malilintikan kapag pinaalis natin siya dito."
"Sige po, Ate."
Boses ni Ate Dhalia ang naunang magsalita. Hindi naman ako nakakasiguro kung sino ang kanyang inutusan. Mabilis akong bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot. Nang marinig kong bumukas ang pinto.
"Ma'am, magdi-dinner na po," anito.
Kunwari ay pumikit ako. Ulo lang ang nakikita dahil hindi niya puwedeng makitang nakasuot ako ng panglakad. Baka magsumbong ito kay Ate Dhalia or worse ay sa magulang ko. Mabuti na lang dahil wala rito sina Mom and Dad.
Nagkunwari akong humihilik para ipaalam sa kanya na tulog na ako. Ilang sandali pa ay namatay na ang ilaw at nakasarado na ang pinto. Mabilis akong bumangon at tumingin sa balconahe. Nakasarado na ang glass door nito kaya naglakad ako papalapit doon at lumabas.
Tumingin ako baba at walang mga maids at guard ang nandoon. Pumasok ulit ako at tumingin sa wall clock. Napangiti ako dahil oras ng pagkain nila ngayon at nakasanayan na nila na sabay-sabay silang kumain.
Mabilis kong kinuha ang lubid na itinago ng matagal na. Naisip ko na rin kasi na kapag hindi nila ako payagan na lumabas ng bahay. Ito ang plan B ko at ngayon ay magagamit ko na ito. Itinali ko iyon ng mahigpit sa parang bakod nitong balconahe at itinapon pababa. Tumingin pa ako sa baba at bigla akong napalunok dahil kahit nasa ikalawang palapag lang ako ay may kataasan ang puwesto ko.
Wala akong nagawa kundi ang sumampa sa bakod ng balconahe. Nagmukha akong nagha-hiking pero pababa na ako mula sa bundok. Nang makababa ako ay napatingin ako sa tapat ko kung saan naroroon lahat maids at ibang guwardiya na kumakain. Lahat sila ay abala sa pagkain kaya hindi nila ako napansin. Nasa loob sila nakapuwesto at mabuti na lang dahil hindi nila ako nakita mula rito sa labas.
Mabilis akong nagtago ng mapatingin ang isa sa kanila. Mabilis rin ang t***k ng akin puso. Nagmumukha akong magnanakaw dahil sa ginagawa ko. Malilintikan ako kapag nahuli ako dito. Kaya umalis ako doon at nagtago sa malalaking halaman malapit sa gate upang tignan kung makakalabas ba ako.
Kinapa ko ang bulsa ko. Napasampal ako sa aking noo nang hindi ko makapa ang cellphone rito.
"'Di bale na nga. Alam ko naman ang address," sabi ko at mabilis akong naglakad papalabas ng makita kong walang taong nagbabantay roon.
Napatalon ako dahil sa tuwa. "YES!" sigaw ko pa. Nilingon ko ang gate ng bahay at nang may marinig akong yapak ng mga paa ay mabilis akong tumakbo.
Hindi ko na alam kung saan ako napadpad kakatakbo. Para lang makalayo ako sa guards na biglang lumabas ng bahay. Napatingin ako sa paligid at hindi ko alam kung anong lugar ito. Ang tanging nagsisilbing ilaw sa madilim na lugar ay ang post light. Ang creepy pa dahil ang ilaw na naroroon ay mukhang sira na dahil kumukurap-kurap.
Inilibot ko ang tingin ngunit wala akong makita. Naglakad ako papalapit sa ilalim ng ilaw na 'yun sa tabi ng isang swing na kinakalawang na. Alam kong malayo na ito sa bahay. Hindi ko naman nadala ang aking cellphone dahil sa pagtakas at upang hindi ako ma-contact ng mga magulang ko.
Naupo ako sa swing. Matibay pa naman nito kahit na kinakalawang na. Napayuko ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi naman ako puwedeng bumalik sa bahay. Dahil hindi ko alam kung saan nga ba ako dumaan dahil sa madilim na lugar na 'to.
Kinuha ko ang maliit na bato sa may paanan ko. Ibinato ko iyon sa madilim na parte nitong lugar.
"FCK!"
Natigilan ako at bumilis ang pagtakbo ng aking puso. Biglang tumayo lahat ng palahibo sa katawan ko dahil sa boses na 'yun. s**t!