"Kamusta ka na Yvette?" Sinalubong siya ng kaniyang tiyahin. Ang kapatid ng kaniyang ina. Dumalo kasi ang buong pamilya ng dalaga sa 60th birthday party ng kaniyang Tita Minerva.
"Ayos lang naman po tita." Pilit na ngiti ni Yvette. Mabuti nalang at wala siyang pasok ngayon sa opisina dahil day off niya.
"Ang ganda ganda mo talaga." Hinawakan ng matanda ang magkabilang braso nito. Pinisil pisil at inalog alog siya ng kaniyang sariling tiyahin. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya sa sinabi ni Tita Minerva. O maiinis dahil kanina pa siya inaalog nito.
Sumilip ito sa likuran niya. Tila may hinahanap. Nagtaka naman si Yvette kung sino ang hinahanap nito. Dahil kumpleto naman silang nakarating sa venue ng kaniyang tita.
"Nasaan ang boyfriend mo?" Napalunok ang dalaga.
"Wala ho." She scratched the back of her head.
"Bakit hindi mo isinama? Welcome naman siya dito." Gusto niya sanang matawa. Kung meron man siyang boyfriend ay hindi niya lang ipagmamalaki ito. Baka nga irampa niya pa ito sa buong mundo.
"Ahm, tita. Wala ho akong boyfriend." Mahina niya iyong sinambit. Nakakahiya naman kasi kung isisigaw niya pa.
Mahinhing tumawa si Tita Minerva.
"Oo nga pala. May edad ka na, siguro ay nakapangasawa ka na ano?"
"Hehehe." Pilit itong nakitawa sa tiyahin niya nang sundutin siya nito sa tagiliran. Kailangan ba talagang i-emphasize na may edad na siya?
"Nasaan na?" Kulang nalang ay pahabain nito ang leeg niya upang hanapin ang sinasabi niyang asawa ni Yvette. Hindi man lang na-inform ang dalaga na may lahi pala silang giraffe.
"Wala din ho." Ang kaninang malaking ngiti ni Tita Minerva ay napalitan ng pagkadismaya.
"Bakit hindi ka pa nag aasawa? Trenta ka na, dapat ikinakasal ka na. Tignan mo nga ang mga pinsan mong mas bata pa sayo, may asawa at anak na. Huwag mong sabihin na gusto mong maging matandang dalaga? Naku, Yvette wala sa lahi natin 'yan." Sermon ng tiyahin niya. Hindi pa man siya nakakakain ay nabusog na siya sa mga sinabi nito.
"Tita." Mahinahon niyang ipinatong ang kamay sa balikat ng matanda.
"Huwag niyo naman po ako masyadong i-pressure, sige kayo baka mauna pa ang lamay kaysa sa kasal ko." Ngumiti siya ng nakakaloko. Hangga't kaya niya pang pigilan ang pagkainis niya rito, ay gagawin niya.
"Lamay? Nino?" Itinabingi ni Tita Minerva ang ulo niya. Tila hinihintay ang susunod na sasabihin ni Yvette.
"Lamay po ninyo." Pinanlakihan siya nito ng mata.
"Yvette!" Napangiwi ang dalaga ng sikuhin siya ng kanyang ina. Nagbibiro lang naman siya, pero bakit sineryoso kaagad nila.
"Ate, nagbibiro lang siya. Hehehe." Gaya ng ginawa ng kanyang tiyahin ay pinanlakihan rin siya ng mata ng kanyang ina. Sinesenyasan siya nito na humingi ng tawad, ngunit hindi niya iyon ginawa. Sa halip ay dumiretsyo siya sa mga nakahandang pagkain. Kaya nga sila pumunta sa birthday party para kumain, hindi para makipag plastikan.
Kung bakit kasi pinilit siya ng kanyang ina na dumalo sa pagtitipon na iyon. Gayung panay matatanda naman ang naroon.
Ipinapamukha lang yata ng mga magulang niya na matanda na talaga siya.
Humugot siya ng isang malalim na paghinga. Natanaw niya ang isa niyang pinsan na may hawak na baby habang kasama ang asawa nito. Mukha naman silang masaya. Kaya nga lang hindi lubos maisip ni Yvette na baka maging losyang din siya katulad ng pinsan niya.
"Hi ate Yvette." Bati sa kaniya ng isa niya pang pinsan na si Cath. Kasama nito ang kaniyang boyfriend na kaholding hands niya.
At sa harap ko pa talaga.
Nasa mid 20's pa lamang ang mga iyon ngunit tila'y masaya na sa lovelife. Hindi katulad ni Yvette na taga 'sana all' nalang sa mga magjojowa.
"Hi Cath." Nakipag beso siya rito at kinawayan naman ng dalaga ang boyfriend nito. Ngunit nabigla na lamang siya ng hawakan ng binata ang kamay nito at nagmano sa kaniya.
Naestatwa siya sa inakto ng boyfriend ni Cath. Parang gusto niya yata itong dagukan hanggang sa mawalan ng malay.
"Huy babe, bakit ka naman nagmano kay ate Yvette!" Natatawang hinampas ni Cath ang boyfriend. Ano bang akala niya kay Yvette? Tiyahin ni Cath?
"Ano ka ba, respeto iyon sa matatanda." Mariing napapikit ang dalaga. Hinihiling niya na sana ay maglaho nalang na parang bula ang dalawang ito. At hindi na matagpuan pa habambuhay.
"Sorry Ate." Kita naman sa mga mata ni Cath ang sensiridad. Nahihiya pa nga itong tumingin sa kaniya.
"Halika na nga!" Hinila niya na ang binata. At nag peace sign na lamang ito habang nagpapadala sa pagkaladkad sa kaniya ni Cath.
Mga kabataan nga naman ngayon, masyado ng judgemental.
Bored siyang napasandal sa kinauupuan niya. Habang nilalantakan ang mango graham float na nakuha niya.
Hindi tuloy niya napigilang ikumpara ang buhay niya sa dessert na kinakain niya.
Mabuti pa ito matamis. Samantalang ang buhay ko ay puno ng pait.
Noong nasa edad siya ng bente uno ay nais niyang maikasal sa edad na twenty five. Nais niyang magkaroon na ng magandang buhay kasama ng asawa niya at magiging anak nila.
Kaya nga lang, nagbago ang ihip ng hangin. Nang ma-stroke ang ama niya ay siya na ang nagtaguyod sa pamilya nila. Iginapang niya ang pag aaral ng mga kapatid niya. Akala niya nga ay matutulungan siya ng mga ito at makakapag liwaliw na siya sa buhay. Ngunit nagkamali siya.
Si Yna, ang ikalawa niyang kapatid. Maagang nabuntis noon sa edad lamang na eighteen years old. Hindi na tuloy nito naipag patuloy ang pag aaral niya. Ngayon nga ay dalawa na ang anak nito at magkaiba pa ng tatay. Hindi naman matitiis ng dalaga ang mga pamangkin niya kaya siya na ang sumuporta sa mga iyon.
Si Yosef, ang ikatlo. Kung hindi pala-barkada, ay minsan namang nasasangkot sa gulo. Kaya hindi rin siya nakatapos sa pag aaral dahil dinadala lamang nito sa bisyo ang baon na ibinibigay sa kanya ni Yvette.
Samantalang si Yvonne naman, ang medyo nakakatulong sa kaniya. Working student ito at siya na mismo ang nagpapa aral sa sarili. Raketera din ang dalaga dahil bukod sa pagtatrabaho sa isang fast food chain ay online seller din ang kapatid niya. Kaya naman proud siya ditong makaka graduate na ito.
Si Yasmin naman ang bunso. Bukod kay Yvonne, ay siya nalang ang pag asa niyang makakatulong sa kaniya. Isang taon nalang ang gugugulin niya sa kapatid at mapagtatapos na rin niya ito sa kolehiyo. Kaya nga bantay sarado niya ito at bawal pang magkaroon ng boyfriend. Dahil baka biglang masira ang mga pangarap nito.
At kung financially stable na siya ay baka mapagdesisyunan niya na kaagad na mag asawa. Ang gusto rin kasi niya ay sa tamang tao na siya didiretsyo. Yung matured enough para i-handle yung furure nila. Pero kailan kaya iyon mangyayari? At saan naman niya hahanapin ang taong iyon.
Ang problema kasi talaga ay ang pagiging high standards ng dalaga pagdating sa mga lalaki.
Natanaw niya ang kaniyang Tita Miranda. Humahangos itong papalapit sa kaniya.
Binalot tuloy siya ng kaba. Dahil baka pagalitan siya nito dahil sa nasabi niya kanina. Kung bakit naman kasi big deal sa tiyahin niya na single pa rin siya sa edad na trenta.
"Yvette!" Akmang tatayo na siya ng tawagin siya ni Tita Miranda. Malaki ang ngiti nito nang tuluyan na siyang makalapit sa dalaga.
"Hehe, tita." Nahihiya niyang hinarap ang matanda. Kung bakit kasi iyon ang lumabas sa bibig niya kanina.
"Halika at may ipapakilala ako sayo." Iniangkla ni Tita Minerva ang kamay niya sa braso ni Yvette. Sinigurado niyang hindi makakawala ang dalaga sa kaniya sa tindi ng pagkakahawak niya sa braso nito.
"Anak iyon ng kumare ko. Guwapo, matangkad, maputi saka maganda pa ang pangangatawan." Hindi niya alam kung bakit tila naging interesado ang dalaga sa sinasabi sa kaniya ni Tita Minerva.
Hindi rin siya nainform na ang birthday girl pala ang may hawak ng cupid's bow and arrow. Ang tiyahin niya lang pala ang kasagutan sa pagkakaroon niya ng lovelife.
"Sobrang perfect naman nun tita, baka hindi niya ako magustuhan." Iyon nga ang gusto ni Yvette. An almost perfect guy. Yung tipong wala na siyang hahanapin pang iba. Dahil nasa kanya na ang lahat.
Paniguradong hindi rin naman sila lugi kay Yvette. Maganda, sexy, matangkad, masipag at family oriented. Kaya nakakapagtaka nga naman kung bakit wala pa siyang nobyo sa edad niyang iyon.
"Sa ganda mong 'yan? Imposibleng hindi ka niya magustuhan." Tita Minerva wiggled her eyebrows. Para bang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya.
Mula sa kanilang garden ay tuluyan na nilang narating ang living room. Kung saan naroon ang mga mayayamang bisita ng kaniyang tiyahin. Samantalang sila mismong pamilya niya ay nasa garden lang?
"Liam. . ." Wow! Pangalan palang nakuha na agad ang atensyon ni Yvette. Naimagine tuloy ng dalaga ang deskripsyon na ibinigay sa kaniya ng tiyahin tungkol sa ipakikilala nito.
"Oh, ayan na siya. Give your best posture." Tinapik pa siya nito sa braso.
Tila nag slow motion ang lahat ng makita niya ang tinatawag nitong Liam.
Hindi naiwasang sipatin ni Yvette ang binatang nakangiti habang papalapit sa kanila.
Hindi niya lubos maisip na may isang binatang ganoon ang itsura.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa nang tuluyan na itong makalapit sa kanila.
Sapilitang napangiti ang dalaga.
"Yan na yun tita?" Napalunok siya nang bigla na lamang siyang sikuhin nito sa tagilran. Para bang may mali siyang nasabi.
Muli niyang sinipat si Liam. Paano ba naman kasi'y naka floral polo ito at naka tuck in pa sa pantalon niyang loose. Animo'y isang mayor. Para bang nahuli na ang binata sa modern fashion. Bunot ang buhok nito. May makapal na reading glasses. Matangkad ngunit payat. Nagkulang din yata sa dugo kaya ganito siya kaputla.
"Yvette right?" Inilahad nito ang kamay sa harap ng dalaga. Nagdadalawang isip siya kung kakamayan niya ito. Dahil baka pag hinawakan niya at inalog ang kamay ni Liam ay baka magkalasan ang mga buto nito.
"Yes. Nice to meet you. Hehehe." Tipid niya itong nginitian. Hindi na niya sana kakamayan ito kung hindi lang hinila ng kaniyang tiyahin ang kamay nito para makipagkamayan sa binata.
"Tama nga si ninang ang ganda mo pala talaga." Humalukipkip ang tiyahin niya. Tila kinikilig sa paghaharap ng dalawa. Nahihiyang iniiwas ni Yvette ang tingin niya sa namamahang reaksyon ni Liam. Naiilang siya dito dahil talagang inilalapit pa nito ang kaniyang mukha.
"Sa. . Salamat." Peke itong ngumiti. Mali siya ng desisyon dahil nagpadala siya sa mabulaklaking bibig ng Tita Minerva niya. Mukhang sa panaginip nito nakita ang lalaking idini-describe niya kanina.
Napangiwi pa ang dalaga nang halikan ni Liam ang hindi pa nito binibitawang kamay ni Yvette. Dumikit pa dito ang malagkit nitong laway.
Iww.
"Oh, paano? Iwan ko muna kayo ha?" Histerikal na hinila ni Yvette ang braso ng kaniyang tiyahin. Hindi yata siya makakatagal na kasama ang binata.
"Sige na Yvette, aasikasuhin ko pa ang iba kong bisita." Shocks! Ayaw niyang maiwan sa kamay ng binatang ito.
Tuluyan na siyang iniwan ni Tita Minerva kay Liam.
"Let's have a sit?" Nais niya sanang iiwas ang sarili niya ngunit hinawakan na siya ng binata sa braso nito. Wala na tuloy siyang nagawa kundi maupo sa mamahaling sofa ng kaniyang tiyahin. Sana ay lamunin nalang siya ng lupa kaysa makasama niya si Liam.
"Parehas pala tayong single no?" Proud nitong sambit.
"Halata naman sayo e."
"Ha?" Natigilan ang binata. Mukhang mapapalaban siya sa attitude nitong si Yvette. Na ngayon nga ay pinag tataasan niya ng kilay si Liam.
"Ikaw, bakit ka single? E ang ganda at ang sexy mo naman."
"Well, I'm waiting for the right guy." At hindi si Liam ang tinutukoy niya.
Diretsyong umupo ang binata. Para bang nag vovolunteer ito sa harap ng isang teacher. Kulang nalang ay itaas niya ang kamay niya upang siya ang piliin. Yvette crossed her arms while watching Liam. Nawiwirduhan siya sa binata.
"What are you doing?"
"Sa tingin ko ako na ang hinihintay mo." Umusog ito papalapit kay Yvette na ikinagulat ng dalaga. Nasa pinaka dulo pa naman siya ng sofa at talagang balak pa yata siyang i-corner ng binata.
"You're not even my type." Pagtatapat nito kay Liam. Hindi naman siguro masamang magsabi ng totoo.
"A-Ano ba yung mga tipo mo sa lalaki?" This time ay tuluyan na silang magkatabi. Hindi siya makahinga dahil naaamoy nito ang bibig ng binata. Mamamatay nalang siguro siyang dalaga dahil sa hininga ni Liam. Kailan kaya ito huling nagsipilyo?
"Basta lahat ng wala sa'yo." Bumakas ang pagka lungkot ng binata. Siya pa mismo ang sumipat sa sarili niya. Ano nga bang wala sa kanya na meron sa ibang lalaki?
"Ganito ba ang mga tipo mo?" Iniharap niya ang sarili sa dalaga. Tinanggal niya ang makapal niyang reading glasses. Naniningkit pa ang mga mata nitong tumingin sa mga mata ng dalaga. Maya maya pa'y tinanggal niya ang tatlong butones ng kaniyang polo. At ipinagmalaki ang dibdib niyang tila wala namang laman.
"A-Anong ginagawa mo?" Hindi niya napigilang matawa. Akala siguro ng binata ay mapapabago niya ang isip ni Yvette.
"Baka sakaling ako na ang lalaking para sayo." Mas lalong lumakas ang tawa ni Yvette. Ipinagtaka naman iyon ni Liam at inisip ng mabuti kung ano ba ang nakakatawa sa sinabi niya.
"Hell no! Malabo pa sa mata mong magustuhan kita no." Natatawa niyang sambit. Halos maiyak na siya sa kakatawa dahil sa lakas ng apog ni Liam.
Natigilan siya ng mas lalong lumapit sa kanya ang binata.
Hanggang sa wala na ngang natirang espasyo sa gitna nila.
"Ikaw palang ang unang babaeng bumasted sa akin." Mahihimatay yata siya dahil nalanghap niya ang hininga ni Liam. Argh! Agad siyang tumayo dahil pakiramdam niya ay masusuka siya. Ngunit hinila siya ni Liam kaya napaupo siya sa kandungan nito.
"Ano ba!" Pilit siyang niyayakap nito kaya hindi niya mapigilang tumili.
"Ang bango bango m—" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang sampalin siya ng dalaga.
“Bastos!” Napahiga pa sa sofa ang binata dahil sa impact ng sampal ni Yvette. Nakuha na nila ang atensyon ng mga mayayamang bisita.
"Yvette!" Sigaw ng kaniyang tiyahin. Galit na galit ang dalagang nakatitig kay Liam. Tumataas baba pa ang kaniyang balikat sa tindi ng emosyong nararamdaman niya. Hindi niya akalain na ang itsurang iyon ni Liam ay may pagka manyak pala.
"Anong nangyayari dit—"
"Bigla na lamang niya akong sinampal ninang e." Tila bata itong nagsusumbong sa kaniyang magulang. Tumutulo pa ang kaniyang uhog dahil umiiyak na pala siya.
"Hoy! Huwag kang sinungaling. Binastos mo ako." Dinuro niya ang binata. Aambahan pa sana niya ito ng isa pang sampal ngunit pinigilan siya ng tiyahin niya.
"Baby boy!" Humahangos na dumating ang isang matanda at lumapit kay Liam. Hinaplos nito ang pinsgi ng umiiyak na binata. Si Liam naman ay walang nagawa kundi yakapin ang matandang babae.
"Mare, bakit mo naman hinayaang masaktan ang anak ko?" Maarte nitong pahayag. Mama's boy naman pala ang binatang iyon.
"Yvette, bakit mo ginawa iyon? Ipinapahiya mo ako sa mga bisita ko." Pabulong man iyon ay may kasama pa ring diin ang bawat pagsambit niya. Halatang pinipigilan ang magalit.
"Pagkatapos niyo akong ibugaw sa manyak na iyan kayo pa talaga ang may ganang magalit sa akin?" Nakapamewang siya sa harap ng matanda.
Pinanlakihan siya ng mga mata ni Tita Minerva. Hindi siya makapaniwalang kaya siyang sagutin ng pabalang ng kaniyang pamangkin.
Bago pa man siya masampal ng kaniyang tiyahin, ay agad na nahawakan ng kaniyang ama ang kamay nito.
"Wala kang karapatang idampi yang kamay mo sa magandang mukha ng anak ko." Nakarinig siya ng singhapan sa paligid.
Stroke survivor ang kaniyang ama. Wala man siyang gaanong lakas na patumbahin ang tiyahin ni Yvette, ay sa ganitong paraan niya nalang ipagtatanggol ang panganay.
"Edwardo!" Sigaw ng kaniyang ina. Maging ang mga kapatid ng dalaga ay nakapalibot na rin sa kanila.
"Lumayas kayo sa pamamahay ko." Madiin na pagbabanta ni Tita Minerva.
"Talaga!" Inangkla ni Yvette ang kamay niya sa braso ng kaniyang ama. Upang ilayo sa gurang na iyon.
"Tandaan mo Yvette, hinding hindi ka na makakahanap ng lalaking katulad ni Liam." Gusto niyang matawa. As if naman na magugustuhan niya si Liam.
Never in her life.
Over her dead gorgeous sexy body.
"Umalis na tayo dito Ma at Pa." Inirapan niya ang tiyahin.
"At siya nga pala Liam." Itinuon niya ang atensyon sa binatang mukhang kawawa.
"Sa susunod na magkikita tayo, reregaluhan kita ng toothbrush at toothpaste. Ang baho kasi ng hininga mo!" Ang binata tuloy ang pinag bulungan ng mga bisita.
At sabay sabay nang nagmartsa ang pamilya ng dalaga palabas ng bahay ni Tita Minerva. Naiwan pang nakanganga ang mga bisita ng kaniyang tiyahin.
Mabuti nalang at ipinanganak siyang matapang. Hinding hindi siya magpapatalo sa mga tao sa paligid niya.