December 8, 2017
Isang kolehiyala, beinte anyos na nangangarap makatapos para sa magulang na ang nais ay mapabuti sya.
Ngunit kahit na anong gawin hirap talaga syang ipasa ang mga subject nya lalo na at panay panay ang tunog ng cellphone sa bulsa nya.
"Miss Garcia! can you please turn off your phone" sermon ng professor nya.
"yes ma'am sorry" paumanhin nya sabay dukot sa cellphone na kanina pa nag iingay, sinilip nya muna kung sino ang tumatawag bago iturn off ito.
"ano nanaman kayang kailangan ni crystal at kailangan pang tumawag!" tanong nya sa sarili.
Mabilis na natapos ang klase nya at ayun na ang huling klase nya sa araw nayon. Dali dali nyang kinuha sa bulsa ang cellphone at binuhay ito, madaming missed calls sa messenger ang kaibigang si crystal ngunit wala ni isang message kaya tinawagan nya pabalik ang kaibigan.
Ilang beses pa nag ring bago ito sinagot ng kaibigan "Bessssyyyyyyyy" maarte nitong Sabi.
"bakit kaba tawag ng tawag kanina napagalitan tuloy ako ng prof ko" sermon nya sa kaibigan.
"hihihi sorry bessy, Kasi naman hindi kaba napapagod mag aral, my body is asking for a liquor bessy" reklamo nito at alam na agad nya kung saan patungo ang sasabihin ng kaibigan.
"katatapos lang ng klase ko pauwe palang ako at kailangan kong mag aral dahil wala nanaman akong itinama sa quiz kanina, kaya NO ang sagot ko sa sasabihin mo" mahabang paliwanag nya sa kaibigan.
"ihhhhh bessy naman hindi kopa nga sinasabi oh! last nato promise pantanggal stress lang din dahil malapit na ang exam week please bessy" nagpapacute nitong turan.
Si Crystal ay kaibigan nya simula pagkabata kaya hirap nyang tanggihan, silang dalawa ay pwede nang maihalintulad sa totoong magkapatid dahil sa bond nila. magkasama simula grade school hanggang high school nagkahiwalay lang sila nang mag kolehiyo dahil hindi naman kaya ng magulang nya ang tuition sa unibersidad na pinapasukan ni crystal. Masasabing angat ang buhay ng kaibigan dahil may sariling business ang magulang nito samantalang sya ay kailangan pang umekstra pag sabado at linggo sa karinderya ni aling minda para lang may pambaon sya sa buong linggong pasok nya.
"Alam mo namang sabado bukas madaming kostumer sa karinderya ni aling minda" Sabi nya sa kaibigan para maintindihan nito na hindi sya pwede.
"Please bessy, saglit lang tayo para makapasok kapa din sa karinderya" Pamimilit nito.
Buntong hininga na pumayag sya sa kaibigan "yeheyyyy iloveyou bessy" Sabi nito bago pinatay ang tawag.
Napangiti nalang sya dahil sa kaibigan hindi talaga ito titigil hanggat hindi sya pumapayag.
Nang makauwe sa bahay ay nakita nya ang kanyang nanay na nag lalaba lumapit sya dito para ipaalam na nakauwe na sya saka nag mano. mag papaalam nadin sya na sasamahan si crystal sa kanilang bahay, tuwing pupunta sila sa bar para mag inom ay lagi nyang paalam ay nag papasama si crystal dahil wala ang mga magulang kaya pinapayagan kaagad sya na samahan ito.
Naligo muna sya saka nag lagay ng damit pamalit sa kanyang bag bago nagpaalam sa kanyang nanay at tatay na aalis na patungo kila crystal na syang kanina pa nag aantay sa kanto malapit sa bahay nila.
Naglakad lang sya konti at lumiko papuntang kanto at Nakita nya na Ang kaibigan, kumaway ito sakanya at sumenyas na pumasok na sa sasakyan.
"imissyou bessy" sabi nito sabay yakap sakanya ng mahigpit pagkaupo nya sa passenger seat ng sasakyan nito.
"sus inuuto mo lang ako ihhh, Tara na baka mag bago pa isip ko" pang aasar nya sa kaibigan.
"yes ma'am, put your seat belt on. liquors and boys here we cooomeeee" turan nito bago pinaandar ang sasakyan.
Sa Bahay muna ng kaibigan sila tumuloy dahil kailangan pa nilang mag palit ng damit bago tumuloy sa bar na pupuntahan nila. Slim si Crystal kumapara sakanya na may malaking balakang at hinaharap kaya ang mga damit nito ay kung hindi maliit ay hapit na hapit naman sa katawan nya, Kaya Ang ginagawa ng kaibigan ay pag bibili ito ng bagong damit ay bibilihan nadin sya ngunit ang binibili naman nito ay mukang kinukulang sa tela.
Wala syang choice kundi suotin ang damit na binili ng kaibigan dahil nakakahiya naman kung mag rereklamo pa sya kung bakit kulang sa tela ang mga binili nya. Nang matapos ay agad silang umalis para pumunta na sa bar na paborito ng kaibigan.
Ang suot nya ay cream color two piece dress, maikling palda at ang pang itaas ay mahabang manggas at umabot lamang ito sa ilalim ng kanyang s**o at kitang kita ang hubog nito kaya inilugay nya nalang ang kanyang mahaba at kulot na buhok para maharangan ang kanyang ibang expose na balat.
Pag dating palang nila sa bar ay madami nang pumapansin sakanila dahil madalas talaga sila dito lalo na pag may problema ang kaibigan. nag hanap muna sila ng table sa second floor bago sila umorder ng maiinom, dahil Wala Naman syang pera ay sagot itong lahat ni Crystal, ayaw man nyang uminom nang marami ang kaso ay umorder na ito ng isang boteng tequila at mukang malalasing silang dalawa ngayong gabi.
"Bessy I know nag promise Ako na konti lang iinumin natin pero kailangan ko talaga ng alak ngayon" naintindihan nya na kaagad na may problema ito at kailangan nya itong damayan.
"it's okay andito na tayo ihhh, might as well enjoy the night bessy" sagot nya para medyo gumaan ang pakiramdam ng kaibigan.
Medyo lasing na silang dalawa kaya napapasabay na sila sa tugtog sa loob ng bar, Maya Maya pa ay may nag aya nang sumayaw kay Crystal, niyaya din sya nito pero tumanggi sya dahil ayaw nyang makipag siksikan sa dance floor.
Habang mag isang umiinom ay biglang may nag salita sa kanyang likuran.
"why don't you want to dance?" tanong nito. medyo nagulat pa sya dahil pag lingon nya ay sobrang lapit ng muka nila sa isa't isa.
"uhhhh....ma-dami kasing... ta-o" sagot nya sa gwapong lalaki na nasa harap nya.
Bihira syang magwapuhan sa lalaki pero shemay! kakaiba ang kagwapuhan nitong mama nato nakakalaway mamiiii!
Ngumisi ito na mas lalong nagpagwapo sakanya.
"luluhod agad ako sabihin mo lang" Sabi nya sa isip nya, agad nya namang sinuway ang sarili dahil sa iniisip.
"you look flushed, are you that drunk already?" tanong ulit nito.
"ay no no no, medyo mainit lang dito" paliwanag nya.
"ohhh okay, by the way I'm Timothy Morgan" pag papakilala nito.
"Paula Allyson, but you can call me Pau. Nice to meet you Timothy" at nag shake hands sila.
Hindi namalayan ni Pau na napasarap na ang kwentuhan nila at nang makabalik si Crystal ay sobrang lasing na nito at may mga nakaalalay na kakilala din nila. "ohh my god crys, paano tayo makakauwe nito" Sabi nya dto habang kinukuha sa mga umalalay dto at nag pasalamat.
Pinupunasan nya ang kaibigan nang lumapit ang kaninang kausap na si Timothy. "I can drop you two off pauwe nadin naman ako" Sabi nito na hndi nya na tinanggihan dahil sa estado ni crystal nya mukang mahihirapan syang akayin itong pauwe ng mag isa.
"fvck, that douche! ma-landeeeee" sigaw ng kaibigan habang akay akay nila patungo sa kung saan naka park ang sasakyan ng bagong kakilala.
"sorry" paumanhin nya dto dahil sa mga sinasabi ng kaibigan at mura ito ng mura.
"it's okay, she's just hurt and drunk" tugon nito sabay ngumiti.
Nang maisakay ng maayos si crystal sa back seat ay, sumakay nadin dya sa passenger seat para makauwe na sa Bahay ng kaibigan.
Mabilis lang ang kanilang naging byahe dahil alas dos na nang madaling araw at halos wala nang sasakyan sa daan. "Thank you for bringing us home Timothy, it is really nice meeting you" pasasalamat nya dto.
Akmang lalabas na sya ng sasakyan para maalalayan pababa ang langong kaibigan ng pigilan sya ng bagong kilalang si Timothy kaya napalingon ulit sya dito.
"uhhhh, I know we just met but can i get your number or at least your name on f*******:?" nahihiya nitong tanong.
nacute-an naman sya dto kaya napangiti sya at inabot ang cellphone ng lalaki saka tinype ang kanyang number, pag tapos ay binalik nya na ito saka ngumiti at tuluyan na syang bumaba ng sasakyan nito.