Balik weekdays meaning hello examination na rin. Kaliwa't kanang reviewer ang ginagawa ko habang si Miel ay nakatanga lang dito sa tabi ko. Katatapos lang namin mananghalian sa cafeteria kanina at pareho naming bakante ngayon kaya narito kami sa library. “Ilan ba exam mo sa first day?” tanong ko. “Tatlo. Isang minor, dalawang majors.” “Dalawang majors, ba't nakatanga ka lang diyan?” “Nah, I'm fine, mag-aral kana riyan.” I rolled my eyes on him. Edi siya na talaga matalino! Bumalik na ako sa pagsusulat kasi ako lang din naman ang lugi kung makikipag-usap pa ako sa kanya. Pagkaalas tres kanya-kanya na kaming sipot sa klase. Mas doble kayod ako dahil sa mga absences ko noon noong pinoproseso ang kaso. Kahit sa pagpapabayad kay Gwen, napeperwisyo niya pa rin ako. Maliban din sa dou

