Napaisip si Erica kung ano ang magiging putahe niya sa nalalabing anim na tilapia. Saglit niyang tiningnan ang mga sangkap na nasa kusina. Hmmm, may ketchup siyang nabili kaya pwede siyang gumawa ng escabecheng tilapia. Nagsaing na muna siya para sa dalawang kainan na kakasya hanggang pang hapunan. Magluluto siya ng fried rice mamayang gabi. Inumpisahan na niyang iprito ang dalawang tilapia. Ang apat pang natira ay paksiw na maraming luya,sibuyas, at sili ang putahe nya. Sandali siyang pumunta sa kanyang hardin para kumuha ng dahon ng sibuyas, sili, kamatis, at luya. Pumitas na din siya ng ilang pirasong okra at talong para ilaga at ipares sa ulam. Nakamasid lang ang amo sa kanya habang abala siya sa paghahanda. Matapos iluto ang mga ulam ay saglit siya umalis para kumuha ng dahon ng

