Sa isang payapang bahagi ng paaralan, nagtago ako likod ng nagtataasang puno. Ayon sa binayarang intel ko dito na madalas tumatambay si Bryan kapag recess, ganito lagi niyang gawain noong umalis ako. Hindi naman ako nabigo dahil maya-maya ay dumating siya may hawak na sandwich. Umupo siya sa bakanteng bench kaya't hinanda ko na sarili ko.
As I went out, inilabas ko ang aking talento sa pag-arte. Palinga-linga ako sa paligid habang nagkuyaring nagulat na makita si Bryan'g nakatambay dito.
"The new girl?" Tanong ni Bryan sa sarili noong nakita niya ako, panay akto naman akong natatakot. "Nawawala kaba?"
"Parang... parang gano'on na nga." Nahihiyang tugon ko't lumapit sa tabi niya. "B-bakit ganyan ka makatingin?"
"Wala, may naalala lang ako." Nagpatuloy siya sa pagkain pero napatigil ng mapansing medyo nahihirapan akong maglakad. "Are you okay?"
"I just kinda feel d-dizzy, una na ako." It was that moment when I made my move. Natumba ako, dahil malapit ako sa kanya naalalayan niya agad ako. "T-thank you." Piit na piit ang boses ko. This is the clichest s**t I could ever do, I had no other choice.
Pinaupo niya ako sa bench at inalalayan, inaya niya pa ako sa sandwich na kinakain niya. Nagkwentohan kami, ngumiti-ngiti pa ako pero iyon ang tunay na nararamdaman ko. Umaakto pa akong nagugulat sa mga kwento niya tungkol sa buhay niya pero in reality I know all of it. Alam na alam ko. Natigil ang pag-uusap naman noong tumawag ang kaibigan niya't kinailangan niyang umalis.
That interaction was short but it will be the key to my success, paonti-onti ko gagawin ang mga hakbang na magdadala sa akin sa tagumpagay. Nakangiti akong naglakad pabalik sa classroom pero isang lalaking nakakunot ang noo ang nagpatigil sa akin.
"How did you find me?"
"That's not important, kanina pa kita hinahanap. You worried me Maven!" Napasigaw si Prexy, alam kung naiinis siya.
"Nag-aral ako dito ng ilang taon Prexy, tingin mo mawawala pa ako?" Sagot ko't naunang naglakad sa kanya pero hinawakan niya braso ko upang mapatigil ako.
"Nakikipaglandian ka kay Bryan?"
"Bakit? May mali ba don?"
"Anong plinaplano mo Maven?" He asked in a monotonous tone. He really is worried, minsan lang siya magkaganito.
"You really know me Prexy. What I plan to do? I plan for the biggest revenge that Bryan would never expect."
"Hindi mo kailangan gawin 'to Maven." Hindia ko nagpatinag at tiningnan siya sa mata.
"Will you support me?"
"I wish I can't but, you're my best friend Maven."
"Thank you Prexy!" I said hugging him but he didn't react. He really doesn't agree with my plan. "Enough of him, let's go to Lolo's office. Alam kong may inihanda siyang suprisa sa akin."
Tahimik kaming naglakad papunta sa office ni Lolo, walang usapan na naganap. I didn't bother him cause I don't want his anger to burst. Naabotan naming abala si Lolo sa papeles niya, gaya ng dati puti ang kanyang buhok pero kasing lusog at aktibo parin siya. Nakangiti akong tumakbo sa bisig ni Lolo, gano'on din siya.
"Lolo!"
"Apo! I'm glad na nagkita tayo, ilang taon na rin! Kumusta unang araw mo?" Masiglang tanong ni Lolo Marcelo sa akin.
"Masaya naman Lolo. The school though Lolo, mas lalong gumanda!" Puri ko pa, totoo naman kasi.
"Of course, I'm keeping it in good shape so when you'll take charge hindi lana masyadong mahihirapan." Napangiti nalang ako. Ayaw ko talagang pamahalaan ang paaralan na 'to pero wala akong magagawa.
"Excited ka talaga as always Lolo."
"It's better that way. Rinig ko kay Prexy may estudyante daw na nag-abala sayo? Sino sila? How dare day ruin my ruin the day of my beautiful princess!" Napabugtonghininga ako.
I was a youngster back then na laging umaasa sa kanya noong huli naming pagkikita. I should understand Lolo's behavior kahit nasa legal age na ako.
"Ito naman si Lolo hindi na ako bata but you have to teach them a lesson!"
--
"I can't believe na we're doing this!"
"Ang bagong nails ko!" Dagdag ng babaeng patay ang buhok habang kinukuskos ang bowl.
"Sana hindi kayo nagpagala-gala sa oras nang klase. Kawawa naman mga magulang niyo." Asal ko't binigyan sila ng mataray na mukha.
"Hmmmp!"
Nagpatuloy sila sa paglilinis sa CR para sa babae, halata sa kilos nila ang disgusto pero wala silang magagawa. With my Lolo's support I make them my puppet. Ayaw nilang maalis sa paaralang ito dahil alam kong sasabog buchi ng magulang nila. Nanitili ako naghihintay sa labas kahit alas sais na ng gabi, bumabalik-balik lang ako upang tingnan trabaho nila.
Natapos ang paglilinis nila bandang alas syete, kahit hindi masyadong pulido pagkalinis nila hindi ko na sila pinakailaman. I know they've learned their lesson. Pumunta ako sa parking lot kung saan kanina pa naghihintay si Mang Tani.
"Mang Tani, may dadaanan tayo." Saad ko sa aking pagpasok sa kotse.
Dumaan kami sa usual street na dinaan namin upang bumili ng haponan. Isang lalaking nagbebenta ng dyaryo ang pumukaw sa aking atensyon. Pumasok agad sa utak ko ang isa sa mga matagal ko nang plano. Nagpaalam ako sandali kay Mang Tani at naglakad palapit sa binatilyo.
"Gusto mong trabaho?" Deritsong anong ko. Tiningnan niya ako paa hangang ulo.
"Trabaho? Anong trabaho? Huwag niyong sabihin—."
"Utak nito. Sakay."
"Ha? Saan ba tayo?"
"Sa bahay ko."
"Bakit? May binabalak kaba sa akin?" Ito na naman sa tanong niya. Gusto ko siyang sapakin pero pinigilan ko sarili ko.
"Laki ng tingin mo sa sarili mo ah."
"Alangan, sa mukha kong 'to!" Nakangisi niyang sambit na lalong nagpalabas sa karisma niya. I really think I found the right guy. "Pero seryoso, sayang kita ko dito kayaaa..."
"Oo na, bibilhin ko lahat ng 'yan."
Hindi na siya nagreklamo matapos sabihin kong papakyawin ko paninda niya. Tahimik ang byahe, may ilang tanong siya pero wala akong ganang sumagot. Malayo sa syudad ang apartment ko, I intend to have a greener neighborhood than just boring tall buildings. It's not far from the city, mga thirty minutes lang ang layo.
"Hindi ka ba natatakot na may gawin ako sayo?" Tanong nito sa akin noong nasa loob na kami ng bahay ko habang tumitingin-tingin siya.
"Hindi, kaya ko naman sarili ko. Tsaka alam kong hinding-hindi mo ako susuwayin."
"Astig mo ah." Saad niya bago inilahad ang kamay niya. "Lester nga pala, ano pangalan mo miss?"
"Maven."
"Ano ba gagawin ko dito? Tsaka asan parents mo?" Takang tanong niya. Kami lang talaga kasi nandito sa bahay na 'to.
"You'll cook for me, clean the house, do basic chores and in return I can enroll you to the most prestigious school here." Tumigil ako dahil nakanganga siya't na parang alam niyang wala siyang takas. "Tungkol naman sa parents ko, nasa abroad sila. Bumalik lang ako dito dahil sa Lolo ko."
"Bakit ako?"
"Gusto nang trabaho diba? Don't worry, malaki sweldo mo sa akin. Kailangan ko ang tulad mo, I know you can help me."
"Ano ba gaga—."
"Huwag nang maraming tanong, ipapaliwag ko sayo lahat bukas. Magbihis kana don." Pagputol ko sa kanya't naglakad patungo sa kwarto ko. "Bukas kana magpaalam sa magulang mo."
"Kakaiba ka."
"Grabe na pinagdaanan ko kaya kakaiba talaga ako."
Naligo ako at nagbabad sa bathtub habang nagmunimuni. Nagawa ko na ang isa sa hakbang upang makahiganti ako.