â—„Aaron's POVâ–º Maaga akong nagising dahil nag-usap kami ng masinsinan ng aking asawa. Mahirap pala kapag may anak na bata pa lang may iniisip na agad ito na pakakasalang babae. Sa totoo lang ay wala sa aming isipan ang magkaroon ng arranged marriage kahit sa kaninong anak namin. Mas okay sa amin na sila mismo ang mamimili ng babaeng pakakasalan nila, at hindi kami ang pipili para sa kanila. Pero sa sitwasyon namin, ang anak namin na si Nathan ang nangungulit na kausapin namin ang mga magulang ni Aina. Hindi ko ito inaasahan, maging ang asawa ko ay nabigla sa inaasta ngayon ng aming anak. Wala naman sa amin kung ano ang estado sa buhay ng babaeng mamahalin ng aming mga anak. Kahit pa si Aina ay tatanggapin namin ito ng maluwag ss puso namin, lalo pa at napapamahal kami sa batang 'yon dah

