Chapter 13: Pay

1598 Words

"Kumusta ang trabaho mo?" Napalingon siya kay Roda na kasalukuyang nagluluto ng ulam sa maliit nitong kusina. Pagkatapos niyang madischarge sa ospital noong nakaraang araw, binigyan siya ni Tristan ng three days leave para magpagaling. Nais niyang mapailing. Buong oras na naroon siya sa ospital, hindi niya nakita ni anino ng lalaki. Siguro nga balak talaga siya nitong patayin, nagkataon lang na nailigtas siya ni Ricky. "Ayos lang," buntong hininga niyang sagot. Humarap si Roda sa kanya at pinaningkitan siya ng mata. "Ayos lang? Pero yung itsura mo kabaliktaran. Ano bang nangyari, inapi ka ba ng husto ng Tristan na yun?" Pilit siyang ngumiti at inilingan si Roda. "Hindi naman. Kaya ko pa naman, Roda. Para sa perang kikitain na nakalaan kay Nanay at kay Fabio." Nasapo naman ng babae ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD