Chapter 6: Sabotage

1512 Words
Prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa si Tristan habang kaharap ang isang binabaeng pinapahanap niya sa kanyang private investigator. Bakas sa mukha nito ang pagtutol nang sabihin niya ang pakay niya dito. "Pasensya na po kayo, Sir pero hindi ko po magagawa ang inuutos ninyo," nakayuko nitong ani. Tumikwas ang kanyang isang kilay at matamang tinitigan ang kanyang kausap. "Hindi mo naman gagawin ng libre ang inuutos ko. I will pay you a big amount basta sumunod ka lang sa gusto ko," mahinahon niyang wika Agad na nag-angat ng tingin ang baklang kakilala ni Vivoree—si Ella. Hindi niya mapigilang mapangiti. Alam niya kung saan ang kiliti ng mga taong kagaya ng kaharap niya. Pera at wala ng iba. Sa ilang taon ba naman niyang pamamahala ng Liu Plaza at maging ng Club Inferno, marami na siyang nakasalamuhang kagaya ni Ella. "P—pero importante po sa kanya ang pera na—" "I don't care kung importante o hindi. At sigurado naman ako na wala ka ring pakialam kung kapalit ng pag-alis mo ay ang sobreng nasa harapan mo," aniya saka itinuro ang puting sobreng naglalaman ng lilibuhing pera. Dinampot iyon ni Ella sa nanginginig na mga kamay. Dinig pa niya ang malakas nitong pagsinghap nang makita ang laman ng sobre. "A—akin ba lahat ito?" Hindi makapaniwala nitong tanong. "Yes. As long as you abide by what I want." Ilang beses itong kumurap bago dahan-dahang isinara ang sobre at inilagay sa kandungan nito. "Bakit mo pala ginagawa ang bagay na'to? Magkakilala ba kayong dalawa ni Vivoree?" Curious nitong tanong. Huminga siya ng malalim bago sumandal sa kanyang kinauupuan. "I just want her to suffer. As simple as that." "H—hindi ka ba naaawa sa kanya? Hindi naman sa nangingialam ako pero isang hamak na mahirap lang si Vivoree—" "Malaki ang atraso ng babaeng yun sakin. At kung gusto mong mai-uwi yang perang hawak mo ngayon, you will stop asking me any kind of question and leave since our business is done." Mukhang natakot naman ito sa kanyang banta dahil agad na tumikom ang bibig nito kasabay ng paghigpit sa hawak nitong sobre. "S—sige. Hindi na ako magtatanong at makakaasa kang tutupad ako sa naging usapan natin," nahintakutan nitong tugon bago mabilis na tumayo at tumalikod na. "What are you doing, Tristan?" Kunot noong tanong ni Vincent sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. He knew that Vincent heard what he had said dahil mukhang kanina pa ito dumating pero wala siyang pakialam. "I am just giving her what she deserves, dude." "Para saan pa? I thought you're already over her? Why are you screwing and sabotaging her?" Nagtataka nitong tanong. "I am. Having revenge on her doesn't mean I'm still inlove with her..." "But isn't it childish?" Nakangiwi pa nitong ani. Pinukol niya ng masamang tingin ang kaibigan. "Have you forgot you also did something like this to your woman? Pinahirapan mo rin si Mari noon." "Yes. Kaya ba ginaya mo ang ginawa ko para lumapit din si Vivoree sayo? You do know I regretted it so much, Tristan. Nagsikap si Mari para sa anak naming maysakit and yet I did something terrible to her. You also don't know why did Vivoree become a stripper at my bachelorette party. Who knows she did it because—" "Vivoree and Mari are different. Mari is a loving mother while Vivoree was nothing but a bítch!" Vincent gave him a 'so done with him look'. "Ewan ko sayo. Just make sure you won't get burned with the fire you ignited, Tristan... Marahan niyang tinungga ang laman ng kanyang wine glass habang may matagumpay na ngiti sa labi. He won't get burn dahil wala na siyang nararamdaman pa para sa babae. Kaya pagagapangin niya sa hirap si Vivoree hanggang sa kusa na itong kakatok sa pintuan niya at hihilingin ang tulong niya. Then on, his revenge will begin... Mabilis na nilisan ni Vivoree ang kanilang tirahan matapos niyang maibalik sa loob ang mga gamit na itinapon ng tauhan ni Aling Fe. Matapos ang mahigit dalawampung minutong paglalakad, narating na niya ang apartment na tinitirhan ni Ella. Agad siyang kumatok sa nakasarang pinto para kunin ang parte niya sa pinag-usapan nilang raket. "Ella..." "Ella, si Vivoree to. Nandyan ka ba sa loob?" "Ella!" Malakas ang boses niyang tawag subalit walang sumagot. Inilinga niya ang tingin sa paligid bago muling kumatok. "Ella! Ella si Vivoree to. Buksan mo naman ang pinto..." "Si Ella ba kamo ang hinahanap mo?" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang may edad na ginang na may curler sa ulo at may dalang pamaypay. "Opo. Nakita niyo po ba siya?" "Oo kanina pero umalis na," kaswal nitong sagot. "A—alam niyo po ba kung saan siya pupunta?" Kinakabahan niyang tanong. "Ewan ko pero dala na niya ang lahat ng gamit niya tsaka nagpaalam na sakin na aalis na talaga siya dito at lilipat na ng tirahan." "Po?! P—pero hindi pa niya ako nababayaran sa trabaho ko kagabi!" Puno ng pagkabalisa niyang wika. "Ilan ba ang ipapasweldo niya dapat sayo?" "Singkwenta mil po," halos maluha-luha niyang sagot. Napakamot naman ito ng ulo. "Nalintik na, eh di tinangay na ng bakla ang pera mo!" Nanghihina siyang napaupo sa sahig habang umiiyak. Hindi niya alam kung paano pa niya hahabulin si Ella ngayong wala na ito sa tinitirhan nito. "Dapat sana kinuha mo muna yung porsyento mo bago nagtrabaho. Ayan tuloy, nai-scam ka," naiiling nitong komento bago siya iniwang mag-isa. Walang buhay siyang napatingala sa maaliwalas na kalangitan. Ang perang iyon na lang sana ang pag-asa niya para maidagdag sa panggagamot ng kanyang ina subalit nawala pa. Natigil siya sa pag-iyak nang marinig ang tunog ng kanyang lumang cellphone. Dali-dali niyang pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi bago sinagot ang tawag ni Roda. "Nasaan ka na V?" Hindi niya napigilan ang sarili na muling mapahikbi. Pakiramdam niya aping-api siya. Walang kakampi. Walang masasandalan. Ang lupit ng panahon sa kanya. "R—roda... Tinangay ni Ella ang pera..." "Ay pútangina! Sinasabi ko na nga ba eh! Nasaan ka ba ngayon at pupuntahan kita?" Puno ng pag-aalala nitong tanong. Huminga siya ng malalim bago tumayo. "Wag na. Ako na lang ang pupunta dyan." "Sigurado ka ba?" "Oo, para naman makapagpahinga ka sa pagbabantay kay Nanay. Roda... Wag mong sasabihin kay Nanay ang nangyari ngayon ha. Ayoko lang na...ayoko lang na mag-alala siya..." Dinig niya ang pagpakawala nito ng isang malalim na buntong hininga. "Oo na. Tsaka wag ka ng mag-alala sakin. Nandito naman si Inay at binisita din ang nanay mo kaya ayos lang ako." Matapos niyang makausap si Roda ay matamlay niyang nilisan ang dating apartment ni Roda. Nakaramdam siya ng pagod habang naglalakad subalit hindi niya iyon ininda kahit pa tutok na tutok ang sikat ng araw. "Saan ka galing Vivoree?" Mahinang tanong ng Nanay Erlinda niya nang makarating siya sa ospital. Napalunok siya para pigilan ang sarili na mapaiyak. "Ah, n—naghahanap po ako ng pera para sa pagpapagamot ninyo," tugon niya at pilit na ngumiti. Malungkot itong tumitig sa kawalan. "Sabi ko naman sayo na hindi na ako magpapagamot. Mahihirapan ka lang." "Di bale ng mahirapan ako Nay. Ang importante po ay ang kalusugan ninyo. Alam niyo naman na kayong dalawa ni Fabio ang lakas ko kaya wag kayong mag-alala sakin." Isang masuyong ngiti ang sumilay sa labi ng kanyang ina. "Kaya hinding hindi ako nagsisisi na ipinanganak kita anak." "At hindi rin po ako nagsisisi na kayo ang naging nanay ko dahil alam ko kung gaano kayo kabuti sakin at sa kapatid ko..." Mataman siya nitong pinagmasdan at parang may gustong sabihin sa kanya subalit hindi nito itinuloy. "May problema po ba, Nay?" Nag-aalala niyang tanong. Mabilis itong umiling bago pilit na ngumiti. "Inaalala ko lang si Fabio. Kumusta na ang kapatid mo?" Napatikhim siya. "Ah, n—nasa eskwelahan po kaya hindi siya nakadalaw sa inyo," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang madagdagan pa ang alalahanin nito. Tila nakahinga ng maluwag ang kanyang ina sa naging sagot niya. "Mabuti naman. Alagaan mo din ang kapatid mo, anak ha." "Wag po kayong mag-alala, Nay. Nasa maayos pong kalagayan si Fabio." Tumango ito bago dahan-dahang pumikit. Pinagmasdan niya ang ginang hanggang sa naging payapa na ang paghinga nito. Nang masiguro niyang mahimbing na ang tulog ng nanay niya, saka siya tumayo at inayos ang kumot nito bago pinuntahan sa hallway si Roda. "Ayaw mo ba talagang magpablotter sa pandadaya ng Ella na yun sayo?" Bungad nito. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago umiling. "Hindi na, Roda. Alam mo namang wala na akong tiwala sa mga pulis pagkatapos ng nangyari kay Tatay Ernesto. Mabubuti lang ang mga iyan kapag may pera ka." Dismayado naman itong napailing. "Sabagay, tama ka. Kaya ako, mag-aasawa talaga ako ng mayaman para kaya kong bilhin lahat maging hustisya payan. Akmang magsasalita siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya kung sino ang tumawag ay numero iyon ng isa sa kapitbahay nila. "Hello?" "Hello Vivoree. Yung kapatid mong si Fabio, hinuli ng mga pulis!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD