Mutya POV Nandito na ako sa tapat ng napakagandang bahay ng magulang ni Jodie. Pinindot ko ang doorbell. Ilang sandali pa ay may nagbukas ng pintuan. Si Kai agad ang bumungad sa akin at nasa likod nito si Jodie, nakangiti na agad sa akin ang dalawa. Pagkakita ko sa kanila ay hindi ko na napigilan ang excitement na kanina ko pang nararamdaman kaya mabilis akong humakbang papasok ng bahay. “Yiiiieeee!” kilig na kilig ako habang magkahawak kamay kaming tatlo na lumulundag at tumitili na rin. Bukod sa akin ay silang dalawa ang higit na nakakaalam ng sayang nararamdaman ko ngayon. Mamayang gabi na kasi ang date namin ni Darren at dito ako pinapunta ni Joide sa bahay nila para daw maghanda para sa date namin ni Darren. Hindi ko alam kung anong binabalak nilang dalawa basta ipinagkatiwala ko

