3rd Person POV Sinigurado ni Audrey na siya ang pinakamaganda ng gabing yun sa party. Last month pa siya nasabihan ni Drake. Kaya pala last week ay ayaw na siya nitong papuntahin dahil may kinahuhumalingan na itong ibang babae. Pero dahil sa ginawa ni Drake kagabi ay hindi siya makakapayag na hindi siya ang kasama nito. Naghisterical siya sa telepono at kunwari’y naninikip ang dibdib kaya di nagtagal ay pumayag rin si Drake na sumama siya. Isinuot ni Audrey ang pinakasexy at pinakamaganda niyang gown nang gabing yun. Kung naroon man si Mutya ay sisiguraduhin niyang magmumukha itong katulong sa harapan niya. Samantala ay walang gana si Drake na umattend ng Annual Party ng kanilang kompanya ngunit hindi ito pwedeng matuloy nang wala siya lalo na at nasa Amerika ang kaniyang ama ngayon.

