Chapter 9. "Sino naman kaya iyong bisita ni Dad? Bata? Pero hindi related sa trabaho? May kaibigan siyang mas bata sa kanya? Tss. Nakakacurious naman." Loren sighed habang iniisip niya kung sino ang "Bisita" ng Dad niya, Wala siyang kakilala na kaibigian nito na mas bata dito, Mostly ay pulos kaedad lamang nito. "Ma'am kami napo ang magliligpit ng pinagkainan niyo." Sabi sa kanya ni Manang, Ngumiti naman ito sa kanya at niligpit na ang pinagkainan niya. "Salamat po, Akyat napo muna ako.." Sabi niya pero nang maalala nanaman ang bisita ng Dad niya ay naisipan niyang magtanong sa Driver ng Dad niya. "Mang Karding may kaibigan po ba si Dad na pumupunta dito kapag wala ako? Yung medyo mas bata sa kanya?" Napaisip ito sa tinanong niya. "Wala naman.." "Pero may napapansin po kayo?" Na

