Chapter 25 "I don't give any reason for anyone to hate me. They create their own little drama out of jealousy." Kade Shin Hindi ako pinatulog ng nalaman ko. Noong gabing pumunta sa bahay namin si Marti ay ang gabi pala na matatakasan ko na ang bangungot na ito sa buhay ko. Kaya pala dis oras ng gabi ay nagpunta pa siya sa bahay namin. Marti hindi ko alam na ikaw pala ang magiging sagot sa problema kong ito. Pero paano na ngayong nasa Dela Vega na iyon ang formula para sa antidote na makakapagpabalik sa pagiging normal ko? Kailangan kong mas mag-ingat dahil sigurado akong halang din ang kaluluwa ng mga iyon at maraming tao ang inutusan para lang mahanap ako. "Boss. Lika dito sandali." Nawala ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Parker. "Why?" Tanong ko at tumingin sa laptop niya. It

