Chapter 20 --Loren "Ibang klase ka naman Loren pati si Sir De Vile? Nasa loob pala ang kulo mo hano?" Mariin akong napapikit ng mula nanamang ipakita sa akin ang larawan kung saan magkayakap ako at si Kade Shin. "Akala namin ay wala kang interes sa lalake haha iyon pala ay ibang isda ang gusto mo! Paano kaya kapag nalaman ito ng buong estudyante sa university? Tiyak na pag-uusapan ka lalo na ang Papa mo." "Fck you." Inis kong sabi. Kanina pag dating namin sa lumang paaralan na ito ay kaagad nila akong itinali, I tried to fight them but masyado silang marami at hindi lang iisa ang may kopya ng larawan. Fck them kapag talaga nakakuha ako ng tiyempo makikita nila. "Hay Loren tell me magaling ba siya? Doon kaba niya nakuha?" Napakunoot ang noo ko sa sinabi ng Gagong nakaharap sa akin.

