. Chapter 32. asdfghjkl "Kamusta?" "Maayos naman po." "Nandyaan pa din ba?" "Opo, Lumabas lamang sandali at nagpahangin." "Mabuti, Keep an eye on her. Papunta na ang mga inutusan kong kukuha sa kanya. Good Job." Ibinaba ko ang tawag matapos marinig iyon. Kung ano man ang ginawa ko at maaaring mangyari kay Loren ay hinding hindi ko pagsisisihan. Tanga na ba siya ngayon? Dati rati ay hindi siya namamansin o ni ang kausapin manlang ang mga kaklase namin samantalang ngayon ay sumama siya sa amin mag karaoke. Mas mapapabilis ang trabaho ko nito. Ano kaya ang sasabihin sa akin nila Augustus? Sa lahat ng nautusan niya ay ako pa ang mukhang magtatagumpay. Sigurado ako na malaking pabuya ang makukuha ko. Lumabas ako upang silipin si Loren at doon nakita ko siyang parang tanga na nakat

