Chapter 28 Loren Agatha Maaga akong pumasok, Natapos ang Intrams ng hindi ko manlang ito naenjoy. Maraming estudyante ang nag-uusap patungkol sa naganap na intrams. Makikita sa mga ngiti nila na nag-enjoy sila sa bawat araw na iyon. Gabi ng magkita kami ni Kade Shin, Simula nang banggitin ko ang pangalan ni Daddy Marti ay hindi na niya ako kinausap pa. Hindi ko alam kung bakit, Apat na araw na ang nakakalipas ng huli naming pag-uusap. Hindi na rin naman kami magkikita dito sa school dahil balik sa totoong trabaho na siya. Hindi ako nakakatanggap kahit text o tawag na busy siya naghihintay ako bawat oras pero wala kahit isa. "Miss Thomas are you with us?" Napukaw ang pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ng aming Professor. Nakatingin na sa akin ang aking mga kaklase. "I'm Sorry, Hindi

