THIRD PERSON "Papa, anong gagawin mo kay Val?" Kabadong tanong ni Virgo at tuluyan ng lumapit sa tabi ni Val. "Anak mabuti nandito ka na. Umupo ka at may pag-uusapan tayo." Yaya ni Alfredo kay Virgo. "Gerome anak sige na bumili ka na nang magka alaman." Nakangisi na sabi ni Alfredo. Tumayo naman si Gerome at kinuha ang pera sa kanyang Papa at nagpaalam na bibili na. "Papa naman baka painumin mo si Val, maaga pa." Reklamo ni Virgo. Tumingin siya sa kanyang Mama na parang gustong magpatulong ngunit tinaasan siya ng kilay. "Val ha?" Bigkas ng Mama ni Virgo, kaya kimi na ngumiti si Virgo at yumuko. "Val, umiinum ka ba?" Tanong ng Papa ni Virgo kay Val. "Occasionally lang po, Tito. Pero hindi naman marami." Sagot ni Val. "Mabuti." Tugon ni Alfredo. "Magpaalam ka na sa mga magulang k

