THIRD PERSON -----CONTINUATION----- "K, I'm sorry! I'm sorry kasi hindi ko napigilan ang sarili ko. Hindi ako mag so-sorry dahil hinalikan kita. Kahit ilang araw pa lang tayo nagkita at nagkakilala. I think I like you. No...no...no...no. I think I'm falling for you." Seryuso na sabi ni Knight habang hinahaplos ang mukha ni Kany nang tumigil siya sa paghalik. Lihim na napangiti si Knight dahil alam niyang siya ang unang nakahalik sa labi ni Kany dahil hindi ito marunong humalik. Sobrang pula naman ang mukha ni Kany sa narinig mula kay Knight. Hindi niya alam na masarap pala ang halik. Nakaramdam siya ng hiya kaya yumuko nalang siya. Ngunit hinawakan ni Knight ang kanyang baba para magpantay ang kanilang mukha. "Pagbalik natin galing Davao magpaalam ako kay Chief Jonathan na ligawan ka.

