KANY "Knight tumigil ka! Baka makurot kita ulit sa itlog mo. Kami lang ni Kany ang pupunta ng mall. Kailangan namin mag bonding at kailangan niya din ng full massage. Hindi ibang massage." Sungit-sungitan na sabi ni Mommy na parang may kahulugan. Parang hindi ako makatingin ng deritso sa kanila dahil sa sinabi ni Mommy. "Dumito ka at samahan mo ang Daddy mo. Kapag sumunod ka sa amin. Makikita mo talaga Knight." Dagdag na sabi ng Mommy ni Knight na may pagbabanta. Tatlong araw mula nang dumating kami dito sa bahay nila. Ngayon isasama ako ni Mommy sa mall para daw mamasyal at makapag bonding kami. Dahil ngayon lang ako nakalabas ng kwarto. Sobrang hiya ko sa mga magulang ni Knight dahil nagkasakit talaga ako. Pinapunta nila ang kanilang personal Doktor n'ong isang araw upang tingnan ako.

