KNIGHT "I miss you Moo." Salubong ko kay Kany pagbaba nila ni Mommy sa sasakyan. Kaagad ko siyang niyakap at hinalikan sa labi. Kanina pa ako naka-abang sa pintuan. Hindi ako mapakali dahil iniisip ko siya. Hindi ko kasi matawagan ang cellphone niya dahil naka off. Na alam ko si Mommy ang may pakana. Alas-singko ng hapon ng dumating sila. Kaya pagbaba nila sa sasakyan ni Mommy kaagad ko siyang sinalubong. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kanyang ayos. Bagay na bagay sa kaniya ang bago niyang look. "Maka miss ka! Akala mo kung ilang taon kayong hindi nagkita. Knight umayos ka, ilang oras lang kami ni Kany nawala. Saka tandaan mo, isang linggo na walang b*****g. Kung makatingin ka kay Kany parang kakainin mo ng buhay." Sungit-sungitan na sabi Mommy. Ngunit may nakalokong ngiti. Kaya

