Kabanata 29:
MATAPOS kumain ay agaran niyang binayaran ang mga nakain namin.. at isa lamang ang masasabi ko tungkol sa pagkain na isi-nerve nila at iyon ay ang ang pangit ng lasa! Ang mahal mahal pero ang pangit ng lasa! Ni hindi man lang ako nabusog!
Well, kunsabagay, paano ba ako mabubusog kung ganoon lang kaliit ang kanin at ulam nila? Tas ang mahal mahal pa?
Mas mabuti pa nga 'yong sa tabi-tabi lang ako kumakain e, kasi nabubusog ako at saka isa pa ang mura, hindi katulad sa gold na restaurant na iyon na halos ubusin na ang laman ng wallet ko, pero hindi pa rin ako nabubusog.
"Tara na?" tanong niya ng makuha na niya mula kay kuya guard ang card niya.
Tumango naman ako. Kalauna'y tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko. Tumayo rin naman ito mula sa pagkakaupo nito bago lumapit sa gawi ko.
Hinawakan nito ang kamay ko na siyang bahagyang ikinabigla ko, e kasi naman, required ba talaga rito sa restaurant na ito ang maghawakan ng kamay?
Tinabig ko ang kamay niya palayo sa kamay ko, ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak rito, kung kaya't kahit anong ginawa kong pagtabig rito ay hindi pa rin ito kumakalas.
Nakayuko ako habang binabagtas namin ang daan papunta sa labas nitong restaurant. Nakayuko ako sapagkat nahihiya ako at naiilang ako, naiilang ako sa mga titig na pinupukol nila sa akin—amin at nahihiya ako dahil na realize ko na itong damit na suot suot ko'y hindi akma sa lugar na ito.
Naka t-shirt lang kasi ako at saka naka Jeans, 'tas gusot gusot pa ito dahil sa kadahilanang hindi ko ito na plantsa, wala kasi kaming plantsa e.
Tipikal na pang manghirap na suot itong suot-suot ko ngayon, samantalang 'yong mga tao rito ay naka formal attire talaga, like naka dress na mamahalin at naka tuxedo o hindi kaya'y naka long sleeve. Ganoon rin ang pustura nitong kasama ko kung kayat mas lalo pa talaga akong nailang.
Pinagbuksan ako no'ng punyemas ng pinto na siyang ikinabigla ko, hindi ko kasi inaakala na may pagka gentleman rin pala ang kumag na ito e.
Lumabas ako sa pintuan na iyon, sumunod naman ang punyemas.
"Anong oras na?" tanong ko kay punyemas pagkalabas na pagkalabas pa lang namin sa pintuan.
Tumigil ito sa paglalakad at saka tuningin sakan'yang relong pambisig, "Eight," sagot nito sa tanong ko.
Eight? Really? I thought 9 na or 10 since sobrang dilim na at parang ang lalim na ng gabi. Eight.. so it means, may oras pa 'ko? May oras pa kong magtrabaho?
"Puwede bang ihatid mo ako sa caffe?" tanong ko rito na siyang ikipinagtaka naman nito.
"Bakit?" nakakunot at nagkasalubong ang kilay na tanong nito.
"Napag-isip isip ko kasi na hindi pa naman pala ako gaanong ka late, so may oras pa 'ko para magtrabaho," sagot ko sa tanong nito ng magpag-isip isip kung may oras pa ako, at kung baka sakali man ay 2 hours pa 'kong late hindi gaano katagal, maari ko namang i overtime na lang 'yong late ko e, para ganoon pa rin ang sahod, if ever.
"But you're already late," he asked curiously.
"It is okay, maari ko namang i overtime yong late ko e," sagot ko sa tanong nito.
Napag-isip isip naman ito.
"Kaya sige na," pangungumbinsi ko rito.
"No."
Wala sa sariling nalaglag ang panga ko dahil sa narinig. Like heck, what did he just said? No? Why? Bakit?
"Why?" taka kong tanong rito, "I mean bakit naman hindi puwede?" dagdag ko pang tanong rito.
Bakit hindi naman puwede e, samantalang puwede naman 'yon according sa rules ng caffe, well, infact ganoon nga ang ginawa ko kahapon e, nag over time ako, para mapunan 'yong oras na na late ako. Ganoon rin ang ginagawa ko sa mga times na kung saa'y na la-late ako dahil pag-aaral ko, mostly sa tuwing exams namin. At saka isa pa, bakit hindi puwede, e samantalang in the first place ay hindi naman kita kaano-ano para pagbawalan ako? At saka isa pa, ikaw ang nagdala sa akin rito, kayat nararapat lang na iuwi mo rin ako, kaso 'yong uwian na napili ko ay 'yong sa caffe, kung kayat bakit hindi puwede?
Gusto ko sanang idagdag pa ang mga kataga na iyon sa mga naunang sinabi ko, ngunit nanahinik ako, nanahimik ako dahil sa kadahilanang ayaw ko na ng mahabang usapin at baka kung saan pa mapunta ang magiging usapan namin.
"'Cause we will be going to somewhere," sagot nito sa tanong ko bago ako nito hinapit palapit sa gawi niya at saka kinaladkad palapit sa motorsiklo niyang naka park sa may gilid no'ng itim na sasakyan.
Nabigla ako sa tinuran niya, wala sa sariling nagpahila na lang ako sakan'ya dahil sa pagkakabigla, e kasi naman ano 'yong sinabi niya? May pupuntahan pa kaming ibang lugar bukod rito? E, bakit naman? At ano naman ang gagawin naman namin doon?
"Saan nama—Arghhh!"
I was about to finished what I want to say ngunit hindi ko na naipagpatuloy pa iyon ng maramdaman ko na lang ang biglaan kong pag-angat ko sa lupa na siyang naging dahilan kung bakit ako bahagyang napatili, nabigla kasi ako.
Pinasakay niya ako sa motorsiklo niya, kalauna'y kinuha niya ang helmet para isuot sa ulo ko, he was about to put that helmet thing on my head ng pigilan ko ito sa pamamagitan ng paghawak sa palapulsuhan nito, "Where are we going?" tanong ko dito habang nakahawak ako sa pulupulsuhan nito.
Sinalubong niya ng mga tingin ang mga tingin na ipinupukol ko sakan'ya na siyang naging dahilan kung bakit kami nagkatitigan.
Mula sa mga mata ko'y unti-unting bumaba ang kan'yang mga titig papunta sa labi ko, at wala sa sariling ako'y napalunok ng makita ko ang pag-isa ng labi nito habang nakatitig sa mga labi ko.
Bahagya akong nailang dah sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa labi ko kung kayat nag-iwas agad ako ng tingin mula sakan'ya, "W-here are we going?" ulit kong tanong rito habang nakatingin sa ibang gawi, bahagya pa akong nautal habang sinasambit ang mga kataga na iyon.
Pakiramdam ko'y unti unting yumuko ang gago dahil ang kaninang hininga nito'y ramdam na ramdam ko na sa leeg ko, ibig sabihin ay malapit na siya sa gawi ko. At mas lalo ko pang napatunayan na malapit nga siya sa gawi no'ng maramdaman ko ang bahagya niyang pagsinghot rito.
"Heaven," ang bulong nito sa tenga ko, bago kinagat ang earlobe ko na siya namang naging dahilan kung bakit ako nanigas dulot ng kinilabutan ako.
Matapos niyang sambitin ang mga kataga na iyon ay ipinagpatuloy niya ang naudlot niyang paglalagay ng helmet sa ulo ko. At ng matapos ay sumakay na rin ito sa motorsiklo niya.
"Humawak ka," ang utos nito sa akin bago binuhay ang makina ng motorsiklo niya.
Sinunod ko ang utos niya, kumapit ako sakan'ya ngunit pinatili kung may espasyo na namamagitan sa aming dalawa.
Akala ko'y aalis na kami, ngunit akala ko lang pala iyon dahil imbes na umalis ay muli nitong hinawakan ang kamay ko bago ito hinapit payakap sa bewang niya. Nasubsob tuloy ang ulo ko at ang boobs ko sa likod niya dahil doon.
"How many times do I need to tell you that you need to hold me tighter kasi kung hindi'y malaki ang tiyansa na mahuhulog ka?" asik nito.
Napatanga naman ako dahil sa tinuran nito, Like heck, anong sinabi niya, hold me tighter? Anong hold me tighter ang pinagsasabi niya raan? Ang sabihin mo'y hug me tighter at hindi hold me tighter, sapagkat matatawag pa ba na hold ito? E obvious na obvious naman na hug ito?
"Ewan ko sa'yo," ani ko rito bago binalak na kumalas mula sa pagkakayakap ko sakan'ya ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng sa ikalawang pagkakataon ay muling napasubsob ang mukha ko at ang totoy ko sa likod niya.
But this time, mas subsob na subsob na ang boobs ko sa likod niya, hindi ko talaga naiwasan ang sarili ko na huwag sambitin ang mga katagang,
"Ang boobs ko!" I said out of nowhere.
Tumawa naman ng malakas ang lalaki na nasa harapan ko dahil sa sinabi ko, "Boobs? Really?" He asked while laughing. "I c-an't feel anything, honey," ang natatawa nitong dagdag na siyang naging dahilan kung bakit ako napanguso.
Tangina 'tong lalaking 'to ah! Anong wala? Meron kaya! Maliit nga lang.
Kinagat ko ang likod ni punyemas just to get even, napa daing naman ang punyemas na siyang naging dahilan kung bakit muntikan na kaming matumba, e, kasi naman nawalan kasi siya ng balance e.
Natahimik siya, ganoon rin ako, medyo na guilty kasi ako e. Parang kinain ang buong sistema ko ng guilt kung kayat natahimik ako.
Mahabang katahimikan ang namutawi sa gitna naming dalawa. Tahimik siya, siguro dahil sa kadahilanang galit siya sa akin o kung ano man, samantalang ako naman ay natahimik dahil sa guilt at dahil sa kadahilanang pinapakiramdaman ko siya. Pinapakiramdaman ko kung galit nga ba siya sa akin.
Isang napakalalim na pagbuntong hininga na nanggagaling sakan'ya ang bumasag sa katahimikan na namumutawi sa gitna naming dalawa, "Let's go?" tanong nito matapos bumuntong hininga.
Imbes na sagot ang isasagot ko sa tanong nito'y, tanong rin ang isinagot ko rito, "Galit ka?"
He sighed, "Medyo," he honestly answered na siyang naging dahilan kung bakit ako mas naguilty pa.
Nahihiya akong napayuko, "Sorry," ang tanging nasabi ko dulot ng guilt ko.
Instead of answering my sorry, he just let out a sighed bago muling pinaandar ang namatay na makina ng motorsiklo niya. Nang matapos ay agaran niyang pinaharurot ang motorsiklo.
Kumapit naman ako sa laylayan ng t-shirt nito, laylayan lamang sapagkat hindi kaya ng guilt ko na yumakap sakan'ya ng mahigpit, hindi kaya sapagkat ako mismo sa sarili ko ay alam na may kasalanan rin ako.
Kung kanina'y ang city lights ang nadadaanan namin, ngayon naman ay ang mga alitaptap at ang madilim na kapaligiran.
Mga alitaptap sapagkat sa pagkakataon na ito'y nasa kabundukan kami at hindi sa siyudad.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta at kung bakit kami rito pumunta—kung bakit sa kabundukan kami pumunta.
Bahagya tuloy akong kinabahan dahil sa mga naisip, mga naisip na kung saay baka i-salvage o hindi kaya'y papatayin ako ng lalaki rito dahil sa kadahilanang galit na galit ito sa akin. Mas lalo pa kong kinabahan if ever kung gagawin niya man nga ang bagay na iyon sa akin ay paniguradong walang makakaalam, walang makakaalam kung saan niya itatapon ang bangkay ko at kung sino ang pumatay sa akin. Walang makakaalam dahil wala naman bahay na malapit rito at mga tao, tanging ang mga aliptaptap lamang na nadadaanan namin ang makakaalam.
Pero siguro, hindi naman niya siguro magagawa ang bagay na iyon sa akin 'di ba? Nag sorry na naman ako sakan'ya e, kaya siguro hindi niya 'ko papatayin 'di ba?
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang mga negatibong bagay na tumatakbo sa isip ko. Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kadahilanang ayaw ko na, ayaw ko nang mag overthink. Nakakapagod and at the same time ay nakakaba kasi e.
Upang mas lalo ko pang makalimutan ang mga negatibong bagay na tumatakbo sa utak ko'y itinuon ko ang atensiyon ko sa naggagandahang kapaligiran na nadadaanan namin.
I embrace the fireflies, I embrace the trees and lastly I embrace the fresh air.
What a beautiful nature.