"MARAMING salamat po," ang nakangiti kong ani kay Thunder pagkababa na pagkababa ko pa lang sa sasakyan niya.
Ngumiti naman ito ng matamis pabalik sa akin, "Welcome," he genuinely answered, na siyang naging dahilan kung bakit ako napangiti pero ang ngiti na iyon ay agaran ring napalitan ng hiya ng marinig ko ang mga sumunod na katagang tinuran niya.
"But please.....Like what I've said awhile ago, stop calling me with po, Marra, because first name basis will do."
Wala sa sariling ako'y napahiya ng marinig ko ang mga katagang sumunod niyang binitawan, dahil sa kadahilanang ilang beses na niya kasi akong inutusan na tigil tigilan ko na ang pagtawag sa kanya ng may po, dahil ilang taon lang naman daw ang agwat namin.
Pero dahil sa may katigasan talaga ang ulo ko, ay hindi ko talaga naiiwasan ang sarili ko na huwag siyang tawagin gamit ang mga katagang iyon sa tuwing kausap ko siya.
Napakamot ako sa batok ko dahil doon, kalauna'y nginitian ko siya ng hilaw sabay sabi,
"Sige po, Thunder," ang hilaw at medyong nahihiyang ani ko sakanya.
Sa totoo lang hiyang hiya na talaga ako sakanya ngayon, hindi ko na nga alam kung saan ko pa nakukuha ang kakapalan na mukhang meron ako ngayon para matignan pa siya ng deritsiyo sa mga mata.
Hiyang hiya na ako, hiyang hiya na ako sakanya dahil sa dalawang dahilan. Una'y nahihiya ako sakanya dahil sa katigasan ng ulo na meron ako, ilang beses na niya kasi akong sinabihan na tigil tigilan ko na ang pagtawag sakanya gamit ang salitang 'po' dahil hindi naman daw gano'n kalaki ang agwat ng edad namin dalawa pero heto ako, patuloy pa rin siyang tinatawag gamit ang salitang 'po'.
At ang ikalawa naman ay dahil sa kadahilanang naabala ko pa siya, naabala ko pa siya sa paghatid sa akin rito. Hindi ko naman kasi ginustong magpahatid sakanya rito e, pero mapilit siya e.
Actually, matapos akong makabawi kanina mula sa pagkakagulat ko, sa pagkakagulat ng malaman ko na siya pala ang lalaking iyon at si prof pala ang babaeng iyon ay inaya ko siyang sumilong sa waiting shed. Umoo naman siya na siyang ipinagpasalamat ko dahil hindi na ako mahihirapan pang kumbinsihin siya.
Hindi ko alam kung bakit pumayag siya agad no'ng inaya ko siyang sumilong sa waiting shed pero siguro dahil iyon sa kadahilanang hindi na niya kaya pa ang lamig na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Ang lakas lakas kasi ng ulan e, na sinabayan pa ng malamig na hangin, magpapasko na kasi kaya siguro gano'n na lang kalamig ang hangin.
Sumilong kami sa waiting shed at doon hinintay ang pagtila ng ulan, sa gitna ng aming pagsilong sa waiting shed na iyon ay hindi ko napigilan ang matabil kong dila na huwag siyang tanongin tungkol sa kung ano ba ang namamagitan sa gitna nilang dalawa ni prof at kung bakit nauwi sa dramahan sa gitna ng ulan ang kanilang pag-uusap.
Akala ko no'ng una'y hindi siya mag o-open up sa akin tungkol sa problema niya—akala ko no'ng una'y hindi niya sa akin sasabihin ang tungkol sa problema niya lalo na't hindi niya 'ko kilala, pero siguro hindi na niya kinaya pa ang bigat sa bibig niya kaya naghanap siya ng mapaglalabasan. At nagkataong ako ang nando'n kaya ako ang nalabasan niya.
At doon niya ikuweninto sa akin ang tungkol sa bagay na namamagitan sa gitna nilang dalawa ni prof. Doon niya rin ikuweninto sa akin kung paano sila nagkakilala at kung paano nauwi sa ganoon ang relasyon nilang dalawa.
Napag alam kong nagkakilala sila ni Prof sa isang probinsiya, sa probinsiyang pinagmulan ni Prof, dayo lamang siya sa lugar na iyon ng makilala niya si Prof, to make the story short, nagkakilala sila ni Prof, nagkamabutihan, nagkainlaban at saka magkakaanak na sana.
Magkakaanak na sana silang dalawa ng hindi sinasadyang mainom ni Prof ang pampalaglag sa bata, na siyang naging dahilan kung bakit nalaglag ang bata.
Dinugo at nahimatay raw si prof matapos inumin ang tubig na iyon kung kaya't dali dali niya itong itinakbo sa ospital habang umaasa na sana ay maisasalba pa niya ang mag-ina niya. At dahil nga nasa probinsiya sila ay medyo malayo talaga ang hospital mula sa bahay nila kung kaya't ang naging ending ay tuluyang nakuha ang bata at hindi na naisalba pa ang buhay nito.
Nang magising raw si Prof mula sa mahimbing nitong pagkakatulog at ng malaman nito ang tungkol sa pagkawala no'ng bata ay siya ang sinisi nito sa lahat lahat. Sinisi siya nito to the point na hiniling raw nito na sana siya na lang ang namatay at hindi ang batang nasa sinapupunan niya.
Nagkalabuan silang dalawa dahil sa trahedyang iyon at ng hilingin ni Prof na pakawalan siya'y walang siyang ibang nagawa kundi ang ibigay ang kagustuhan nitong paglaya kahit na'y mahal na mahal niya ito. Matapos niya raw itong palayain ay nabalitaan na lang daw niya na lumuwas ito ng manila upang doon magbagong buhay, sa bagong buhay na wala siya.
Gustuhin niya man daw niyang sundan ang taong mahal niya rito sa manila ay hindi niya ginawa dahil sa kadahilanang inayos niya raw muna ang sarili niya, ang dating sarili na kung saa'y isa siyang basura at mamatay'ng tao, at ng handa na siya ay doon pa lang niya napagdesisyonan na sundan ang taong mahal niya rito, upang hilingin dito ang kapatawaran, ang kapatawaran para makapag simula na silang muli.
"Hoy! sino yon?!"
Wala sa sariling ako'y napapitlag mula sa pagkakatayo ko—wala sa sariling ako'y nakabalik sa ulirat ko ng may maramdaman akong kumilabit sa balikat ko sabay bulong sa mga katagang iyon sa may tenga ko na siyang naging dahilan kung bakit ako kinalibutan.
Nakabalik ako mula sa malalim kong pag-iisip dahil sa tanong niyang iyon. Wala sa sariling ako'y napatingin sa harapan ko ng maalala ko si Thunder at ang sasakyan niya.
Pero hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang pagkabagsak ng mga balikat ko ng makita kong wala na sila roon sa dati nilang kinalalagyan. Isang palatandaan na nakaalis na sila ng sasakyan niya.
Hindi ko inaakalang gano'n na pala kalalim ang pagkalunod ko kanina sa sarili kung pag-iisip, kasi hindi ko man lang namalayan ang pag alis niya. Which is sad dahil hindi ko man lang siya nagawang pasalamatan sa ginawa niyang paghatid sa akin, at sa naging abala ko sakanya.
Kasabay kasi ng pag-uusap namin kanina ay ang patila ng ulan at ng mapatingin ako sa relo ko'y gano'n gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kung late na ako sa trabaho ko. Kaya nagmadali akong nagpaalam sakanya sabay hakbang palayo sa gawi niya. Ang plano ko kasi'y takbuhin na lang sana ang pagitan ko at nitong coffee shop na pinagtratrabuhan ko.
Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa gawi niya'y naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa mga kamay ko sabay tanong kung saan raw ba ako pupunta at kung bakit tila nagmamadali ata ako, nang sagutin ko naman ang tanong niyang iyon ay siya na mismo ang nag insist na ihatid ako.
Nahihiya man ay pumayag na lang rin ako dahil hindi kasi siya tumigil hanggang sa hindi niya ko napapayag e. At saka isa pa, late na ako sa trabaho ko kaya hindi na ko nagpakipot pa. Chos!
Alangan namang hindian ko pa siya, grasya na kaya yong lumalapit kaya gumora na lang ako, alangan namang takbuhin ko na lang ang pagitan nong waiting shed at nong coffee shop, edi paniguradong patay na ako pagkarating ko roon. Ang layo layo kasi no'n dito e, ewan ko ba kung ano ang nakain ko no'ng una at kung bakit pumasok sa utak ko na takbuhin na lang iting coffee shop. Mabuti na lang at inalok niya 'ko, kasi kung hindi, paniguradong deads na 'ko pagkarating ko dito.
"Hoy gaga, sino nga yong pogi na yon? Manliligaw mo?" sunod sunod na tanong ni Jessa, isa sa mga kaibigan ko dito sa cafe, kasamahan ko rin ito dito. "At saka isa pa, ano bang nakain mo at bigla bigla ka na lang napatulala? Hindi mo tuloy nasaksihan kung paano magpaalam sayo yong lalaki." dagdag pa na anito.
Napaisip naman ako dahil sa tinuran niya, like f**k anong ibig niyang sabihin sa hindi ko nasaksihan kubg paabo nagpaalam yong si Thunder sa akin?
Dumaan ang kalituhan sa buong kalamnan ko dahil sa katanongan ko na iyon pero agad agad rin iyong nawala ng marinig ko ang dinugtong niyang bulong,
"Taray ah, may pa car," bulong ni Jessa na siyang umagaw sa atensiyon ko.
Napairap naman ako sa hangin dahil doon, alam ko ang takbo ng pag-iisip ng babaeng ito e, kaya hindi malabong hindi ang iniisip ko ang iniisip niya ngayon, nilingon ko ang gawi nito at ang unang tumambad sa akin pagkalingon na pagkalingon ko palang sa gawi niya ay ang nakataas niyang kilay, naka cross arms niyang mga braso at ang mapanuri niyang mga tingin.
"Hindi ko siya sugar daddy," ani ko sakanya bago pa man niya masabi ang nasa isip niya. Inunahan ko na ang gaga bago niya paman masabi ang nasa utak niya.
Umawang ang bibig niya, hindi niya siguro inaasahan na alam ko ang nasa isip niya, "P-aano mo nalaman? Witch ka ba?"
Imbes na sagutin ang tanong niyang inirapan ko lang ito bago nilagpasan at saka naglakad na palapit sa pintuan no'ng caffe.
"Hoy gaga, pano mo nga nalaman? Witch ka ba? At saka isa pa sino nga yon?"
Sunod sunod nitong tanong sa akin, medyo malayo na ako sa gawi niya kaya isinigaw niya ang mga katagang iyon para marinig ko lang.
Pero imbes na sagutin ang tanong niyang iyon ay hinayaan ko siya, hinayaan ko siyang mabaliw kakaisip kong sino nga ba ang lalaking iyon at kung paano ko nalaman ang laman ng utak niya.
Mabait kasi ako e, kaya hinayaan ko siyang mabaliw diyan.
"Wow, naka hanap lang ng may car hindi na mamansin," rinig ko pang dagdag na sigaw nito na siyang nag pailing sa akin.
"Hoy Marra, sino nga 'yon?! Papa de asukal mo ba yon?" rinig ko pang dadag nito ng hindi ko sinagot ang nauna niyang tanong.
Napairap naman ako dahil doon, baliw rin talaga 'tong babae na to e no? Sinabihan ko na nga na hindi ko sugar daddy yong lalaking iyon pero ang gaga baliw talaga, baliw talaga dahil nagtanong pa kahit na'y alam na naman niya ang sagot. Kaya bahala siya diyan.
Imbes na sagutin ang tanong nito'y binilatan ko lang ang gaga ng lumingon ako sa gawi nito.
Nakita ko naman itong napanguso dahil sa ginawa ko na iyon bago napatakbo palapit sa gawi ko, at bago pa man niya tuluyang mapuntahan ang gawi ko ay dali dali ko ng binuksan ang pintuan na nasa harapan ko at saka pumasok rito.
Nang makapasok ay agad akong humahakbang papunta sa staff area, humahakbang ako pero ang mga tingin ko ay nasa likuran ko pa rin—partikukar kay Jessa na ngayon ay nakapasok na rin, nakatingin ako sakanya at hindi sa harapan kung kaya't hindi ko namalayan ang lalaking paparating rin sa gawi ko na may dala dala na mainit na kape.
Kung kaya't ang kinalabasan ay nabunggo ko ang lalaki at ang kape na dala dala nito'y bumuhos sa akin.
Ang basa kong damit dulot ng ulan ay bigla na lang uminit dahil doon kung kaya't wala sa sariling ako'y napadaing.
"Ho! Ang init!" ang pa talon talon na daing ko dulot ng init na nagsisimula ng manuot sa buong balat ko. Nataranta ako, nataranta ako sa totoo lang.
Pag tingin ko sa harapan ay doon ko rin nakita kung paano mataranta ang lalaki sa harapan ko, sabay sabing I'm sorry miss.
Nang hindi ko na talaga kinaya pa ang init na nararamdaman ko'y walang pag-alinlangan kong binuksana mg butones ng pulo pulo na suot suot ko, dahil sa pag-aakalang kapag hinubad ko ang damit ko'y mawawala ang init na nararamdaman ko.
Nang matapos ko nang buksan ang butones ng polo ko ay huhubarin ko na sana ito, but before I could finally take my shirt off, may kung anong braso na lang akong naramdaman na yumapos sa akin mula sa likod ko na siyang naging dahilan kung bakit hindi ko na naituloy pa ang balak kong paghubad sa polo na suot suot ko.
"Don't take it off," ang malamig na bulong nong lalaking nakayapos sa akin mula sa likod ko.