Chapter 32: First night KHAI’S POV BASTA kung gusto mo ay marami namang paraan para makuha mo ang bagay na iyon. Sa akin naman ay hindi lang isang bagay ang gusto kong makuha. Dahil nakasalalay rito ang sarili kong kasiyahan. I didn’t expected na sa edad kong 30 years old ay magkakaroon pa pala ako ng pangarap. Iyon ay ang mabawi ko ang pamilya ko at makasama sila habang nabubuhay pa ako sa mundong ito. Ngayon ay natupad ang pangarap ko. Worth it ang lahat ng pinaghirapan ko noon at hanggang ngayon. “Daddy, gising ka pa?” Nilingon ko si Zaidyx. Pupungas-pungas na umupo ito sa kama. Habang malalim ang iniisip ko ay pinagmamasdan ko rin ang pagtulog nilang tatlo. Kahihiga nga lang ni Francine, pero ang himbing agad ng tulog niya. Binigla ko rin naman siya sa desisyon ko na iuwi agad s

