Chapter 27: Contraceptive pills “MAY napili ka bang bagong dress, hon?” tanong sa akin ni mommy nang ibinalik ko na sa kan’ya ang brochure niya. Yumakap ako sa braso niya at naglalambing. Kahit matanda na ako at dalawa na nga ang anak ay parang baby pa rin akong ituring ni mommy. Kung sabagay ay ako raw ang first baby nila ni daddy. “Marami pong magaganda, mommy. Pero isa lang po muna ang kukunin ko. May a-attend-an po kaming birthday party,” aniko. Kailangan ko na ngang paghandaan iyon. Wala pa nga akong naiisip na puwedeng iregalo ko sa asawa ni Calystharia. “Si Florence?” she asked. Lagi na lang naiisip ni mommy ang kaniyang apo. “Marami pa naman po siya sa closet niya, mom. Hindi naman po niya nagagalit lahat ng dress na ibinibigay mo sa baby na iyon,” sagot ko at ngumiti lang s

