Chapter 38: Home NAKATULOG sa biyahe ang dalawang bata, ako lang naman ang hindi nakatulog. Kanina pa mabigat ang talukap ng mga mata ko. Gustuhin ko mang umidlip ay hindi naman puwede. Kahit na may galit pa ako sa asawa ko ay kailangan may kausap pa rin siya. Nang hindi siya antukin. “Napagod talaga sila,” komento niya. Nakatingin siya sa backseat, ganoon din naman ang ginawa ko. “Gisingin mo na lang si Zaidyx, saka mo buhatin si Florence,” utos ko sa kaniya. Nauna na akong bumaba bitbit ang backpack ko na pinaglagyan ko ng cell phone namin at wallet. Sumunod din siyang bumaba, binuksan ang nasa pinto sa side ni Zaidyx. Lumuhod siya para magpantay ang mukha nila. “Wake up, son. We’re here,” malambing na sabi niya. Hinalikan pa niya ito sa pisngi bago nagising ang anak namin. Napa

