CHAPTER 14

1667 Words
Chapter 14: Date NAPILIT ako ng ninang ko na pumasok sa loob ng house nila. Nakita ko pa nga ang pag-apir ng mag-ama, dahil pinagkaisahan nila ako. Nang mapatingin sa akin si Florence ay pabirong inirapan ko siya. Kay bata-bata na ay marunong nang umarte. Kay mommy yata siya nagmana. Nagawa na niya akong linlangin. Ang isang iyan ay ginagamit na niya ang anak niya para lang makuha niya ang gusto niya. Bumaba naman ang tingin ko nang may humawak sa aking kamay. Napangiti ako sa anak kong lalaki na gumanti rin ng ngiti sa akin. Kainis, iyong dimple niya ay ang daddy niya ang naaalala ko. Sumama na lang sa amin si Zai sa loob. Kinandong ko siya pagkaupo namin sa sofa. Hinalik-halikan ko pa ang chubby cheek niya. Halos singhutin ko na ang amoy niya. Ganito naman ako maglambing sa mga anak ko. Gustong-gusto ko kasi iyong naririnig ko ang boses nilang tumatawa. “Ang bad ng baby sister mo, kuya,” sumbong ko sa kaniya. Nanlaki pa ang singkit niyang mga mata. “Iyong nangyari po kanina, Mommy?” tanong niya na agad kong tinanguan. “She said kanina na pupunta siya here because you’re here. Tapos galing na pala siya rito.” Napanguso pa ako. Nangingiting humalik siya sa lips ko. I caressed his cheek. Hindi ko akalain na makikita ko ang little version ni Khai sa anak namin. Oo nga, hindi ko nakita iyong pinakabatang face niya noon. Malaki nga kasi ang age gap naming dalawa. Super bata pa ako noon, tapos siya ay binata na. “That’s because, daddy missed you so much, Mommy. Noong pinuntahan namin siya here ay hinahanap ka niya,” mahabang sambit niya. Dire-diretso talaga ang pananalita niya. Walang bulol-bulol. “Hindi kami bati ng daddy mo,” aniko. Gamit ang maliit niyang kamay ay hinaplos niya ang aking pisngi. “I understand, Mommy. Nagtatampo ka po sa daddy ko,” he said to me. Na parang naiintindihan niya talaga ang awayan naman ng kaniyang ama. Hindi niya alam na mas malalim pa ang nangyari sa amin. Hind lang ito simpleng pagtatampo. “Do you think, my son. Isang pagtatampo lang ang nararamdaman ni mommy sa daddy mo?” I asked him at mukhang mapaisip naman siya. Hanggang sa nagkibit-balikat na lamang siya. Wala na siyang kasagutan pa, dahil talagang hindi niya iyon maiintindihan. Ang magaling nga niyang ama ay hindi makaintindi. Bumalik naman si mommy ninang na may dala ng tray. Nasaan kaya si Daddy Ry? Hindi ko pa kasi siya nakikita. “Zai, sweetheart?” malambing na tawag ni Mommy Ninang sa kaniyang apo. To be honest, parang hindi pa bagay sa parents namin ang maging grandparents na. Pero wala, maaga rin kasi silang nagkaroon ng apo. “Why po Lola Mommy?” magalang na sagot naman ng baby boy ko. “Makipaglaro ka muna roon sa daddy mo, apo ko.” Tumango lang si Zaidyx. Humalik sa pisngi ko at saka ko naman siya inalalayan na makababa. Dinaanan pa niya ang lola niya para lang humik sa kamay. Napangiti tuloy ang kaniyang lola mommy. “Manang-mana ka talaga sa daddy mo, apo. Napakagalang na baby boy,” she said. Bumungisngis lang si Zai saka diretso na siyang nagtungo sa front door. Kami na lang ang naiwan ni Mommy Ninang. May pag-uusapan yata kami. “Feeling ko ay bumalik ako sa mga panahon na nasa ganyang edad pa si Khai.” “Mag-ama nga po talaga sila, Mommy e,” I blurted out. “Yeah. Anyway, may alam ka ba sa babaeng dini-date ni Khai, hija?” Nabigla naman ako sa tanong niya. Dahil iyon agad ang lumabas mula sa kaniyang bibig. Si Khai ay may ka-date? Ha? Kailan pa nakipag-date ang isang iyon? Eh, wala namang ginawa iyon, kundi ang inisin lang ako palagi. “I don’t know po, Mommy Ninang. Why did you asked po pala?” I asked her naman. “He told me last time kasi na may babae siyang dini-date. Baka kako alam mo, hija. As far as I know kasi ay ikaw lang ang babaeng mahal niya,” she said. It seems hindi siya favor sa ginawa ng anak niya. May babae nga bang dini-date ang lalaking iyon? Wala naman kasi akong alam tungkol kay Alkhairro. Simula nang iwan niya kami ni Zai ay sinabi ko na sa aking sarili na hindi na ako magkakaroon pa ng pakialam sa kaniya. That I started to forget him for real. Even though nahirapan ako noong una. But nagawa ko naman dati, iyong naging sila ni Calystharia. Oh, I knew it! “Baka po si Calystharia iyon? Baka po nagkabalikan na talaga sila?” Si Calystharia lang naman ang babaeng alam kong malapit sa kaniya. Alam ko rin naman kung gaano niya ito kamahal. Kaya baka tama ang hula ko. “Hindi yata, hija,” umiiling na sagot niya. “You can ask me kung sino ang dini-date ko, Francine.” Out of nowhere naman ay sumulpot naman itong taong pinag-uusapan namin ng ninang ko. Walang emosyon na tiningnan ko siya. “Huwag kang sumabat kung hindi ka naman namin kausap,” supladang sambit ko sa kaniya. I don’t care if kasama pa namin ang mommy niya. Kasi naiintindihan naman ako ng ninang ko. She understand kung saan nagsisimula ang galit ko. “Pero ako ang pinag-uusapan niyo,” sabat na naman niya. I rolled my eyes. “Shut up ka na lang, Alkhairro. Nasaan na ang mga anak mo? Iniwan mo na naman sa labas, ’no?” Nakarinig naman ako nang pagsinghap at galing iyon kay mommy ninang. “Alam mo na Khai na ikaw ang daddy ni Florence?” gulat na tanong nito. Yes, alam din ng dalawa kong mommy kung sino nga ang biological father ng baby girl ko. Maliban kina dad at Daddy Ry. Huwag ko raw sabihin sa dalawang daddy ko, mommy said e. Bahala na raw sila umalam sa katotohanan. Saka hindi ko naman sinasadya na iyon ang lalabas sa aking bibig. Nakaiinis tuloy makita ang malapad na ngisi ng stupíd na ito. “Mom, oo nga po kamukha niya ang maganda niyang mommy. But alam ko na galing sa akin si Florence—” “Excuse me! Ikaw ba ang nagluwal kay Florence?” Hindi ko na napigilan ang sumabat. Parang umusok ang butas ng ilong ko. I don’t like the terms na galing sa kaniya ang baby ko. “Bakit hindi ba ako ang bumuntis sa iyo, doktora?” nakangising tanong niya. Gusto kong kalmutin ang pisngi niya. Nakaiinis na siya. “Ninang, ang bad po ng bibig iyang anak niyo,” I said to my godmother. She just chuckled. “Bakit ninang na ang tawag mo sa mommy ko? Dapat mommy rin.” Nang tumabi siya sa akin ay inakbayan niya ako kaya malakas ko siyang tinulak. “Ba’t ba ang kulit mo?!” asik ko sa kaniya. Kulang na lang ay kagatin ko ang kamay niya para lang matanggal iyon sa aking balikat. “Iwan ko na muna kayo, mga anak. Sige na magmeryenda ka, Francine.” I stood up from my seat para sana habulin si ninang. Ayokong maiwan kasama ang super hambog na ito. He’s super mayabang na, kasi siya ang daddy ni Florence. Napatili na lang ako sa inis nang hinila niya ang kamay ko. Napaupo na ako sa lap niya. I hit him sa dibdib niya. “Mommy, Daddy Khai. Ano po gawa niyo?” Parang nabuhusan naman ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ng anak ko. Isa sa ayaw ko ang makita itong awkward moment namin. Nang tingnan ko nga siya ay kasama niya ang kuya niya. Ang singkit niyang mga mata ay nanlalaki pa nang bahagya. Tapos nakaawang pa ang kaniyang labi. Samantalang si Zai ay parang wala lang naman sa kaniya. Naka-smile lang kasi siya. “Bitiwan mo na nga ako!” sigaw ko kay Alkhairro. Binuhat niya ako para lang maiupo sa tabi niya. Sinamaan ko pa siya nang tingin. “Daddy Khai? Bakit po nakaupo sa lap mo ang mommy ko?” muling usisa ng baby girl na iyan. “Ba’t dami mong tanong, Florence?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kaniya. Tumulis ang labi niya at sumulyap siya sa kuya niya. “Kuya ko, niaaway na naman ako ni mommy,” sumbong niya sa Kuya Zai niya. “That’s okay, Florence. Nag-joke lang naman si mommy,” pag-aalo nito sa kapatid. “Sumbong ko iyan siya kay mommy, kuya,” aniko kay Zai. Napangiwi siya. “Love kaya ako ni Lola Mommy ko, Mom e. ’Di ako no’n aawayin,” sabi niya. Inirapan ko lang siya ulit siya. Napaigtad naman ako nang hawakan ng katabi ko ang braso ko. Hinaplos niya ito, kaya siniko ko siya. “Nakikipag-away ka sa anak natin. Baby pa ’yan,” bulong niya sa ’kin. Binalingan ko siya. Wala na akong pakialam kung masyadong malapit ang mukha naming dalawa. Naiinis talaga ako sa kaniya. “Oo nga, pero tinuturuan mo na siyang manlinlang. Pagbuhulin ko pa kayo ng anak mo,” mariin na saad ko. Ngumisi pa siya. “And now, tanggap mo na rin na ako ang daddy ni Florence?” Agad na akong napatayo. “Asa ka, dude,” masungit na sambit ko. Nagkatinginan naman kami ng anak kong babae. Ang inosente ng face niya. “Pasalamat ka love kitang baby ka.” Napangiti tuloy siya sa sinabi ko. Tapos hayon na naman ang dimple niya. Lumapit ako sa kanila. Binuhat ko siya at hinawakan ko sa kamay si Zai. “Francine.” “Uuwi na kami. Bahala ka na riyan,” aniko. Hindi nagreklamo si Florence, iyon ang ipinagtataka ko. But noong nasa labas na kami ay nakasunod naman pala ang lalaking iyon. Dinala pa niya ang snack na hinanda ng mommy niya. Naalala ko lang ang sinabi kanina ng kaniyang ina. Totoo kayang may ka-date siya? O baka nga totoo ang hula ko na si Calystharia iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD