CHAPTER 10

1649 Words
Chapter 10: Same hugs “TAKE NOTE, women are emotionally strong. Once they’ve moved on, it’s hard to regain their trust. Women heal and move forward fast. Don’t underestimate their strength.” Well, I already meet that kind of woman. Si Francine, kahit parang hindi pa niya sinusubukan ay nag-move on agad siya. Siguro, dati ay pilit kong iniignora ang nararamdaman niya. Dahil bata pa siya. Iyong dati-rati ay nakukuha ko pa ang atensyon niya, pero kalaunan ay paunti-unti siyang nawawala sa akin. Lumalayo na ang loob niya, na kahit ang lapit-lapit na niya ay parang malayo pa rin. Kaya ngayon ay ayoko nang maranasan pa iyon. Ako lang ang nahihirapan at nasasaktan. Napahilamos ako gamit ang mga palad ko at bumuntong-hininga. Lahat nang sinabi ng lalaking iyon ay may katotohanan naman at nagawa kong saktan ang babaeng mahal ko. “Are you okay, Daddy? May problema ka po ba?” Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng anak ko. Nang dumilat ako ay ang nag-aalalang mukha ni Zaidyx ang bumungad. His little hand reached my jaw and caressed it. “Okay lang si daddy, son.” Maingat ko siyang hinila. Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap. “You guys are making me feel left out. Can I join the hug too?” Nabaling naman sa ibang direksyon ang tingin ko. Napangiti ako, dahil kasama pa pala namin si Florence. Hindi siya isinama sa pag-alis ng lalaking iyon. Na parang pinagbibigyan niya lang ako na makasama ang aking anak. Alam niya kasi kapag si Francine ay hindi niyon iiwan sa ’kin ang mga bata. Tsk. “Come here, love.” Lumapit naman agad siya sa amin. Binuhat ko siya at pareho ko silang niyakap ng kuya niya. “Daddy loves you,” I uttered at hinalikan ko ang ulo nilang dalawa. “Aw, Kuya. Your daddy loves me.” I let out a short laugh. Then, she giggled. FRANCINE’s POV “Hi, hon,” salubong sa akin ng asawa ko at humalik sa pisngi ko. Off ko na sa duty ko at naisipan niya akong sunduin sa hospital, kahit alam niyang dala ko naman ang car ko. “Nasaan ang mga bata?” I asked him. “Kasama nila ang ex mo, hon.” Kinurot ko ang pisngi niya, na ikinatawa naman niya. “Hindi ko iyon ex, ha. Bakit kasama na naman niya ang mga iyon? At bakit ba hinahayaan mo siya na kunin niya ang mga bata, Calizar?” kunot ang noong tanong ko. Simula nang pagsundo-sundo ng lalaking iyon sa mga anak ko ay hindi na talaga ako natutuwa pa. Palagi na lang akong stress at parang tumataas ang blood pressure ko. Iyong galit kasi ay nasa dibdib ko pa. Ewan ko ba kung bakit ang tindi nito, lumalabas tuloy na napaka-bitter ko. “Alright. Hindi mo na siya ex. So, umuwi na tayo? Convoy na lang, dahil alam kong hindi mo iiwan ang kotse mo.” Tumango lang ako bilang tugon. Wala pa nga roon sina Zai at Florence, kaya naman pumasok na muna sa kabilang condo si Calizar. Ako naman ay nagbihis na. Pagkatapos ko nga ay tumunog na ang doorbell. Nagmamadali akong lumabas mula sa kuwarto namin at pagbukas ko lang ng pinto ay si Alkhairro naman ang nakita ko. “Where is my kids?” malamig na tanong ko. Yeah, pambungad ko agad sa kaniya. Napaatras ako nang humilig siya, lumapit nga kasi ang mukha niya at nanuot sa aking ilong ang pamilyar na pabango na gamit niya dati pa. Ang kanang braso niya ay itinukod niya iyon sa pader, na nasa gilid lang ng kaniyang ulo at malamlam ang mga matang nakatitig sa ’kin. “Hello, baby. How’s your day?” nakangiting tanong niya. Napairap ako nang lumitaw ang dimple niya. “Close ba tayo para ikuwento ko sa iyo ang nangyari sa akin ngayong araw, ha?” Tinaasan ko pa siya ng kilay. Literal na pinagsusupladahan ko siya. “Sa sobrang close natin ay may dalawa na tayong anak, Francine,” he answered at muli na naman siyang napangiti. Kasabay nang paghila niya sa pulso ko. Hindi na ako nakapagprotesta pa nang dalhin niya ako sa kabilang unit. Natigilan din ako, dahil nandoon ang dalawa kong anak. Nasa sofa bed sila at prenteng nakaupo lamang doon. Maririnig din ang sounds na pinapanood nila. “Tsk.” Binawi ko ang aking kamay na hawak niya at nagawa ko pa siyang irapan. “Kids, nandito na si mommy,” anunsyo niya sa dalawang bata. “Mommy!” masayang tawag nila nang makita na nila ako, ngunit hindi man lang sila gumalaw para lang lapitan ako. And wait a minute! “Bumili ka ba ng condo na katabi lang iyong unit namin?!” pasigaw na tanong ko kay Alkhairro. Nagkibit-balikat lamang siya. “Muntik na pati ang buong condominium.” I gritted my teeth. “Ano ba talaga ang plano mo, ha?” “Hindi ko alam kung saan ka ba talaga nagagalit, Francine. Sa pang-iiwan ko sa inyo noon sa anak natin o baka may dahilan pa ang galit mo. I’m trying to mend the relationships and mistakes from the past, but why are you making it harder for me?” “Naririnig mo ba ang sarili mo, Khai? I’m already married. Isn’t that enough for you to leave me alone?” malamig na tanong ko. For the first time ay nakita ko nang malinaw ang sakit na dumaan sa kaniyang mga mata at bayolenteng gumalaw ang adams apple niya. “Pero ako naman ang nauna, ’di ba?” he asked me understand his breath. “Yes. But you wasted your chance, Khai. Just move on,” I uttered. He clinched his teeth. Bumaba ang tingin ko nang may humila sa laylayan ng pink shirt ko. “Mom, Daddy? Nag-aaway po ba kayo?” Si Zaidyx mismo ang nagtanong. Alam ko, isa sa dahilan ang anak namin kaya ginagawa niya ito. Gusto niya na kompleto ang pamilya na maibibigay niya sa anak niya. But it’s too late for that. Para saan pa ang paghahabol niya kung hindi na namin puwedeng ipilit ang kagustuhan niya? And we’re over. Kahit sa umpisa pa lang ay walang kami. Just maybe, co-parenting lang naman ang ginawa namin at that time. “No, son. We’re just talking,” he said to his son. Napansin ko naman si Florence na nasa tabi na niya at nakahawak na rin ang batang ito sa dalawang daliri ni Khai. Psh. Feeling close rin talaga iyang anak kong babae. Magpoprotesta sana ako nang hinawakan niya ang siko ko, pero inosenteng nakatingin sa amin ang dalawang bata. “Hindi mo na kailangan pang hawakan ang kamay ko. Puwede ba?” malamig na tanong ko sa kaniya. Ngunit mahina lang ang aking boses. Baka marinig pa nina Zai at Florence. “Sorry.” Binitawan niya naman agad ako. Binalingan ko na ang mga anak ko. “Let’s go home.” Akala ko nga ay magmamatigas pa sila, ngunit hindi naman. Tumango lang sila at nagpaalam sa lalaking katabi ko. Hawak ko na pareho ang kamay nila pagkalabas namin sa condo na iyon. Mula sa nakabukas na pinto ay nakatanaw rin si Khai. Sinisikap ko na ignorahin siya, dahil wala naman talaga akong pakialam sa isang iyan. “Daddy Khai?” Kumunot ang noo ko nang tawagin ni Florence si Khai. “Yes, love?” Kumibot lang ang labi ko. “Puwede po kaming mag-visit diyan ni kuya ko sa condo mo?” “Florence,” I uttered her name. Siya na lang ang hawak-hawak ko. Si Zai ay nakakapit lang sa damit ko. “You can visit here anytime you want, Florence,” sagot naman ng isa na ikina-roll ng eyes ko. “Yehey! Thank you po, and see you tomorrow!” “Tsk.” Nilingon ko ito at matamis na ngumiti pa sa akin. “See you, baby.” I rolled my eyes again at napahalakhak naman siya. Hindi ako strict sa mga anak ko. Dahil gusto ko rin namang tularan ang parents ko. Maganda ang pagpapalaki nila sa amin ng mga kapatid ko at kung paano nila kami tratuhin ay ganoon din naman ang ginagawa ko sa kanilang mga apo. “Mom, I’m in love.” Pinagtaasan ko ng kilay si Florence, na kalaunan ay pareho kaming natawa. Lumuhod ako at hinalikan ko ang pisngi niya. “Don’t tell me in love ka sa daddy ng kuya mo?” tanong ko at bumuga pa siya ng hangin sa kaniyang bibig. Ang kuya naman niya ay napailing lang sa reaksyon niya. “Mom, what if iisa lang po ang daddy namin ni Kuya Zai?” inosenteng tanong nito. Tiningnan pa niya ang kaniyang nakatatandang kapatid. “At paano mo naman nasabi iyan, sweetie?” I asked her. Naglalambing na yumakap pa ito. “Because I said so,” nakangusong sagot niya. “I really love him, Mom. I’m sorry for my Daddy Calizar. But nakuha na yata ni Daddy Khai ang heart ko, Mommy.” Hinawakan pa nito ang dibdib niya. “Mom, you know what?” Binuhat ko siya at lumapit ako sa couch. Doon ako umupo at nasa lap ko na siya. Si Zaidyx naman ay sumunod sa amin. Umupo rin sa aking tabi. Dinala ko ang kamay ko sa likod nito, bago ko hinalikan ang kaniyang noo. “What is it, sweetie?” malambing na tanong ko naman. “Iyong yakap mo, Mommy. Katulad po siya nang yakap ni Daddy Khai. Hindi rin po katulad ng kay daddy ko. Iba po siya, Mom. Why is that po? Bakit pareho ang hug niyo ng daddy ng kuya ko po?” Hindi ko akalain na may nararamdaman nang ganoon ang aking anak at wala naman akong masasagot pa sa tanong niyang iyon. Maliban na lang na tama ang kaniyang hula? Na pareho sila ng daddy ng kuya niya? That’s it?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD