"Anong sabi ni Agent Cervantes?" singit ko sa usapan nila Warren at Walter, hindi sinasadyang narinig ko ang pangalan ni Agent Cervantes kaya naman hindi ko na mapigilan ang aking sarili na mag-usisa sa kung ano na ang balita sa paghahanap kay Angelique. "Kumusta? May balita na ba? Nakita na ba nila Agent Cervantes si Angelique?" puno ng pag-asang usisa ko sa kanilang dalawa. "May nakita daw na batang babae na palutang lutang sa ilog ng Cagayan, Ate, kumukuha pa ng mga detalye sina Agent Cervantes tungkol sa bata." malumanay na tugon ni Walter sa akin, ako naman ay tila hindi makahinga sa narinig. "Ipagadasal nating hindi si Angelique iyon Misis." "Pero...pero... paano kung si Angelique iyon? Diyos ko Warren! kawawa naman ang anak ko!" naiiyak kong sabi, nagsisimula nanaman akong

